Epilogue

3K 43 13
                                    

"Love, I'm so sorry kung napagod ka sa paghahanap sa akin kanina, akala ko talaga hindi ka darating", si Thirdy habang sinusuklay ang buhok ni Bea na nakahiga sa hita niya.

Nasa tabi sila ng dagat ngayon, inaabangan ang sunrise.

"Hmmn, e bakit sinira mo yung set-up mo?", usisa ni Bea.

"Ha? Papano mo nalaman na nagpaset-up ako ng venue?", takang tanong ni Thirdy. Wala na sana siyang planong sabihin yun kay Bea kasi sobrang selfish niya sa ginawa niya. Ni hindi man lang niya binigyan ng chance kasi si Bea na eexplain ang side nito, basta nagalit na lang siya.

"I saw it", sabi ni Bea at nagkwento ito papano siya hinanap nito ng sobra. Yung kaba, yung pressure and frustration nito na baka raw iniwan na niya ito.

Hindi napigilan ni Thirdy ang guilt sa puso niya. Hays, pero masaya siya. Kasi ganun pala siya kamahal ni Bea.

Kaya nagkwento na din si Thirdy about the twitter thing. Tinawanan siya ng tinawanan ni Bea dahil doon.

"Love, seriously, you're so babaw talaga! Sinayang mo yung effort mo dahil lang sa twitter?", sabi ni Bea na natatawa pa din.

"Ok fine fine, pero Love please wag mo na ako tawanan. Guilty na nga o", sabi niya na nakapout.

Pinalo siya ni Bea sa braso. Bumangon ito at humarap sa kanya.

Inexplain ni Bea yung nangyari sa kanila ni Prince at mas naintindihan niya ngayon ang nangyari. Pati siya tuloy, natawa sa sarili niya. Nagselos siya ng walang dahilan.

"Love kasi akala ko wala ka na e, sobrang di ko alam ano gagawin ko kung di ka dumating", sabi niya kay Bea.

"I will always arrive for you Love, don't worry ok", sabi ni Bea.

Unti unting sumisikat na ang araw.

Unti unti ding lumalapit ang mukha ni Thirdy sa mukha ni Bea.

"Love before I forgot", sabi ni Bea sabay takip ng kamay nito sa labi niya.

"Ano na naman yun Love", sabi ni Thirdy na kumakamot sa ulo. Ang galing talaga ni Bea sa mga ganito, ang galing lumusot.

"You know, meron akong admirer na laging nagpapadala ng red roses sa condo ko every birthday ko. Hindi siya nagmimintis. Gusto ko siya hanapin para magthank you", sabi niya kay Thirdy.

"OK, I'll help you Love", sabi ni Thirdy na nakangiti.

"Really Love? Great! Di ka selos?", sabi ni Bea.

"Nope", umiling si Thirdy.

"In fact, kaya ko na siya ipakilala sayo ngayon", sabi ulit ni Thirdy.

"Really Love? Andito siya?", takang tanong ni Bea.

"Yes, pero pikit ka muna", sabi ni Thirdy.

"Love naman e, pinagttripan mo naman ako e", sabi ni Bea na nakapout ang lips. This time, mas lalo itong naging cute!

"C'mmon, close your eyes Love", sabi ni Thirdy.

Wala na siyang nagawa, ipinikit ni Bea ang mga mata niya. 2minutes, inutusan ulit siya ni Thirdy na buksan ang mata.

A dozen of full bloom red roses ang tumambad sa kanya. The same arrangement nung mga roses na nakukuha niya pag birthday niya.

"You are my admirer?", tanong niya kay Thirdy na hawak pa din ang roses.

"What do you think?", sabi ni Thirdy sabay kindat sa kanya.

Awtomatikong tumayo si Bea at niyakap niya ng mahigpit si Thirdy. This man is so amazing. All these time ang alam niya, kinalimutan ni Thirdy yung birthday niya.

"Thank you Love, thank you for those roses, I really appreciate your effort", sabi niya habang yakap si Thirdy. Tumutulo na naman ang luha niya.

"Sssh, I don't wanna see you cry Love, pumapangit ang Isabel Beatriz ko", hinalikan siya ni Thirdy sa noo.

"Pero how did you do that?", tanong ni Bea.

"Love, it was who, not how. It was Tito Elmer who helped me to fix those roses for you Love, ganun ako kalakas kay Tito", nakangiting sabi ni Thirdy sa kanya.

"Really? Si Daddy?", gulat na sagot ni Bea.

"Yes Love, si Tito Elmer, ang aking dakilang supporter", nakangising sabi ni Thirdy.

"OMG, kaya pala pag nagkkwento ako about the roses sa kanya, wala siyang comments. Hmmmn, humanda siya sa akin paguwi ko", sabi ni Bea na nakapamewang pa at sinadyang gawing singkit ang chinitang mata.

"Love, don't! Lagot ako kay Tito, baka di na ako tulungan nun", sabi ni Thirdy.

"Bahala ka diyan", sabi ni Bea na humalukipkip pa.

"Please Love, walang kasalanan si Tito, ako nakiusap sa kanya na wag ipaalam sa yo, ok", sabi ni Thirdy na niyakap si Bea.

"Ok fine, hindi na. Pero mautak ka talaga Mr. Ravena!", sabi ni Bea sabay kurot sa tagiliran ni Thirdy.

Napa-aray naman ito.

"Ah, yan pala gusto mo ha", sabi ni Thirdy pero tumakbo si Bea.

Hinabol niya ito at kahit mabilis itong tumakbo, naabutan niya ito.

Ng maabutan niya, niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit, siniguradong hindi na makakatakas, hinarap niya sa kanya ang mukha ni Bea at hinalikan niya ito sa labi.

Mula sa araw na ito hanggang sa susunod pa, he will make sure na si Bea ang kasama niya pagising sa umaga at sa pagtulog sa gabi.

No deals, no buts. Just forever.

A/N. This is just a sort of gift to you guys!
Abangan ang next story coming soon!...

Thanks everyone! <3

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now