Chapter 13

1K 29 1
                                    

Day 4 of 7

Kakatapos lang ng training ni Bea. Nilapitan siya ni Kim.

"Bei, where have you been yesterday? We are trying to call you, nagmessage kasi yung ALE, nag-aaya na lumabas", sabi ni Kim sa gilid niya na nagpupunas ng pawis.

"May pinuntahan lang ako kahapon, sumama ka sa kanila?", tanong niya.

"Oo, ikaw nga lang ang kulang. Kompleto kami kahapon, kasi di ba si Kat uuwi na ng Canada para magbakasyon?", paalala ni Kim. Si Bea naman ay tuloy tuloy pa din ang pagaayos ng gamit.

"Shit! Oo nga pala, nakalimutan ko", sabi ni Bea.

Uuwi na kasi muna si Kat sa Canada for 3 months lang naman, miss na miss na daw kasi ito ng parents nito. Sila lang ni Vince ang nakabase ditto sa Pilipinas dahil nga sa career nila. Nilapitan ni Bea si Kat.

"Uy, Kitty Kat, I'm sorry kahapon, hindi ako nakasama kasi meron lang akong inasikaso", sabi niya kay Kat sabay akbay dito.

"Sus Beatriz, you owe me one Girl. I'll be leaving already tomorrow, so I think you have to treat me, what about that?", sabi ni Kat na kunwaring nagtatampo.

"Alright, let's eat. Anything you want, my treat", sabi ni Bea. Guilty siya na halos nakalimutan na niya ang mga kaibigan niya. Nakafocus kasi ang oras niya kay Thirdy ngayon. Di bale guys, after this, focus na ako sa inyo. 3 days na lang. Isip isip niya.

Nagkayayaan sila na pumunta ng Taguig. Syempre kasama ang mga ALE. Big bawi talaga ito, napasubo siya. Siya ang gumastos ng lahat pero ok lang, namiss niya ang mga ito.

"You know what Guys, Kuys Thirds is acting weird this past few days", si Danni. Napalingon si Bea sa kabilang table. Magkakasama sila Dannie, Vannie, Jules, Ponngay at Deanna. Sila naman nila Kat, Maddie, Kim at Jho sa isang table.

"Why, what is happening to Bestie?",tanong naman ni Jules.

"Dunno, pag tinatanong namin nila Mama, sinasabi niya lang na may inaayos lang siya", sabi ni Danni.

Biglang tumingin sa kanya si Maddie, si Kat, si Jho at si Kim. Makahulugan ang tingin ng mga ito sa kanya.

"What?", sabi ni Bea.

"Beadel, I think you owe us kwento ha", sabi ni Kim

"Yeah, may kinalaman ka ba dito Kapitana?", si Deanna sa kabilang table.

"Hoy, stop it, wala no. Malay ko sa inyo. What are you talking about?", sabi ni Bea. Tinuloy niya ang pagsubo sabay inom ng soju. Nasa Korean resto sila, favorite kasi ng ALE ang Samgyup.

"E ano yung sinabi ng Get Blued na pinakyaw kahapon ni Ravena ang TShirt mo doon?", sabi naman ni Jho.

"Hala! Kaya pala may dalang malaking kahon si Kuys kahapon", sabay pitik ni Danni ng darili niya na parang nahulaan na niya ang nangyari.

"Bea!", sabay sabay sila Kat, Kim, Maddie at Jho.

"Fine, fine. Stop it ok, nakakahiya ang iingay nyo. I'll make kwento na", sabi ni Bea. At sinabi niya na pumunta sila sa Tarlac para bisitahin ang community. Syempre hanggang doon lang. Hindi naman siya yung tipo ng babae na kiss and tell.

Sabay sabay na kinilig ang mga babae sa harapan niya.

"This could be it! Bea de Leon, down the line, hindi nablock ni Ravena!", sabay ni Maddie sabay taas ang kamay.

Tumawa ang lahat. Pulang pula naman siya.

"Basta Ate, lagi kang welcome sa bahay ha. Alam mo yan, I love you Ate Bei", at kumindat si Danni.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now