Chapter 10

1.2K 28 0
                                    

Day 2 of 7.

Nasa BEG si Bea, may training sila ng Choco Mucho today, catch up training para sa paparating na PVL , 2 weeks to go na lang kasi at sisimulan na ang elimination game, from 6am to 9am lang naman.

Cool down ng team. Nakaupo sila Kat at Maddie sa bench, napansin nila si Bea na hindi mapakali.

"Look at Bea, she looks like a worm with salt on her ass", sabi ni Maddie kay Kat pero nakamasid pa din ito kay Bea.

Lumalakad kasi ito pabalik-balik sa may net.

"Hoy Bei, come here. What are you doin'!", sigaw ni Kat.

Hindi sila pinapansin nito. Panay pa din ang lakad nito pabalik balik. Hinayaan lang nila ito, maya maya lumapit si Bea kila Maddie.

"Madz, what is the time na? Malapit na ba mag-9?",tanong ni Bea na mukhang balisang balisa.

"Ha? 1st cool down lang natin Bei, 8am pa lang. We still have 1 hour pa no, don't me, tatakas ka naman", mataray na sabi ni Maddie.

Urgh, Madzilla. Dragon ka talaga. Kung di lang importante ang lalakarin niya, kahit until midnight siya magtraining ok lang. E papano ba naman tong si Thirdy, nagtext. Nabasa niya yung messsage nung nagcheck siya ng phone pagkaupong pagkaupo siya para sa cool down nila.

From Thirdy
Babe, meet me at Eliazo by 9am. Sharp. If di ka dumating ng 9am, I will go there sa BEG and will shout I LOVE YOU sa harap ng Choco Mucho Team ♥️
So see you Babe.

Pagkabasa niya, hindi na siya makapakali. Shit ka Ferdinand. Ano na naman palabas mo.

Ayaw na ni Bea na gumawa pa ng ganung eksena si Thirdy. Iniiwasan niya kasi na malaman pa ng team niya ang status nila ngayon ni Thirdy. Sapat na ang alam nila na crush siya ni Thirdy. Even Maddie and Kat have no idea kung ano nangyayari sa kanya at kay Thirdy kaya as much as she can, she act normal as if wala siyang iniindang sakit during their practice.

Ngayon lang talaga, di niya mapigilang hindi mainis. Pagkabasa niya ng message, umakyat ang dugo sa ulo niya. So annoying Ferdinand talaga. Knowing Thirdy, he will do what he said talaga. Thirdy pa ba? Ibang klaseng bully ito.

Papano siya binubully? Araw araw lang namang tinataas ang wiper ng sasakyan niya. Walang mintis yun, as in pag uuwi siya, nakataas ang wiper niya! That's how Thirdy does his bully things, my gosh!

Pumito na si Coach O, sign na magreresume na ang training. Shit, she has to tell Coach O that she needs to leave 30mins early before their training ends. Kasi pag tinapos niya yung training, hindi niya mahihit yung 9am ni Ferdinand.

Naku Thirdy, last mo na talaga ito.

She nervously approach Coach O. Alam niya na mapapagalitan siya nito but mas malala naman yung eksena na susulpot dito sa BEG si Thirdy at sisigaw ng I LOVE YOU Bea sa harap ng lahat. No, no, no, hindi pwede.

"What Bea, uuwi ka ng maaga?", tanong ni Coach O. Buti na lang mahina lang boses, knowing Coach O, parang meron ata itong nalunok na mega phone, di nga ba during time out nila sa UAAP, kayang kaya nitong magbigay at maghugot lines sa gitna ng nagsisigawang gym crowd?

"Yeah Coach, I'm sorry. I will make bawi next training, I need to attend some personal matter", nakatungo siya. Nahihiya siya kay Coach, kakabalik pa nga lang niya ulit sa training dahil sa injury tapos heto siya, nagpapaalam na uuwi agad.

Ay naku, lagot sakin yang si Thirdy.

"Fine, pero next training you have to add additional 2 hours as your penalty, CO-Captain ka pa naman", sabi nito.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now