Chapter 28

1.2K 22 0
                                    

December 7, 2025

"Bea, what is happening to you? Bakit umatras si Mr. Buenavides? Akala ko close na yung transactions natin sa kanya?", nakakunot ang ulo ni Daddy Elmer na tanong nito kay Bea.

"Dad, I'm sorry. I thought, ok na siya sa deal namin last week e. Naexplain ko naman maayos yung terms natin", sabi naman ni Bea na nakatungo. First time niya na naramdaman yung frustration ng Daddy niya.

"Bea, that's 2 Billion account, malaking chunk ng sales yung nawala sa atin", pinalo ni Elmer ang noo niya at lumakad palabas ng dining area.

What a good morning! huh!

Nagaalmusal sila ng Daddy niya ngayon, pero heto ang simula ng araw niya. Grabe ang stress niya. She can't even think straight right now. Ayaw na ayaw niyang madidisappoint yung daddy niya sa kanya.

"God! What I have done?", bulong ni Bea sa sarili niya. Nawalan na siya ng gana kumain.

Umakyat na siya sa kuwarto niya at naghanda na para pumasok sa opisina. She needs to fix this. Kailangan niyang bumawi sa daddy niya.

____________________

"Hello, is everything settled na ba? Yes yes, I'll be there in an hour. I'm on my way na. Please make sure na ok na yung set up", Tumingin si Thirdy sa labas ng bintana. Nagdadrive na siya papunta ng La Union ngayon.

Inagahan niya talaga ng alis para masettle yung lugar. Gusto niya espesyal lahat. Gusto niyang paghandaan ang muli nilang pagkikita ni Bea.

Ang tanong, dadarating ba si Bea? Para sa kanya, Oo, darating si Bea. Alam niya na hindi siya nito matitiis. Alam niya na tutupad ito sa pangako. Sana.

Excited na siya sa next chapter ng buhay niya with Bea.

Yung 5 years na tiniis niya para makarating sa araw na ito ay hindi basta. Yung lungkot, yung luha, yung araw araw na pangungulila niya kay Bea ay hindi basta. Hindi nga niya alam papano niya yun nalampasan. Though mahirap, he is very thankful sa desisyon nila ni Bea kasi dahil sa deal na yun, mas lalo niyang napatunayan na mahal na mahal niya ito, na handa siyang magsakripisyo para sa kanilang dalawa. Natupad din ang pangarap niya. 

Bea is always his compass pag alam niyang naliligaw na siya. Yung limang taon na wala ito sa piling niya yung pinakamatagal na segundo, minuto, oras, araw, buwan at mga taon sa buhay niya, pero it was all worth it. 

Worth it kasi ang paghihintay niya.

Masaya siya na natupad niya yung pangako niya kay Bea at para sa sarili niya. 

He is also happy knowing that Bea also waited for him. Papano niya nalaman? Kasi alam niyang walang naging karelasyon si Bea sa loob ng 5 years. At sabihin na nila na super asumero siya, pero alam niya, na siya ang hinihintay nito.

Now, today is the day. Ito na yung break through ng lahat. Nang lahat ng heartbreak na naranasan nilang dalawa. Siguro naman after all those sacrifices, deserve naman nilang maging masaya.

Napapangiti si Thirdy sa isiping yun. Hay! He can't wait. Sana makita na niya si Bea pagdating niya sa La Union.

------------------------

"Hello, good morning. Sorry if I disturb you so early but I badly need your help", si Bea.

"Yeah, I'll be there in 10mins. Thank you, bye", si Bea ulit.

Pumasok si Bea sa coffee shop. Bahala na, she needs to win Mr. Buenavides back kung hindi lagot siya sa Daddy niya. It was his Daddy's dream dati pa na maipasok itong account na ito sa business nila, bukod sa big catch yung account, maayos ding business partner ang mga ito.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now