Chapter 19

1.1K 25 0
                                    

"And welcome back sa inyong lahat, ito na nga po ang inyong idol online tambayan kung saan lahat ng gusto niyong malaman ay ating aalamin exclusive at tunay tunay! I am your host Mela Tunay!"

"At hindi ko na nga po papatagalin pa, sa wakas! After a decade ata no, mukang decade na nga ng pagtatago at seenzone sa aking mga invites, napagbigyan din po tayo ng ating special guest dito sa ating programa" (sound effects : clapping hands)

"Let's welcome the former MVP of UAAP Season 81 WV and currently reigning as the newest 2023 MVP PVL Sports Conference, non other than the BEAST herself! Bea de Leon!" (sound effects: clapping hands).

Nag-guest din sa wakas. Ilang araw na pinagkakaguluhan at trending na trending nga ang teaser ni Mela para sa kanyang Anong Tunay segment dahil si BDL ang guest nito. Sa wakas, ang inaabangan ng lahat.

Natawa si Bea sa pagpapakilala sa kanya ni Mela. Pinagbigyan na niya ito sa request niya kasi kahit ata anong gawin niyang pagtatago ay talagang pursigido itong maging guest siya. Ang totoo, ayaw niya ng mga ganitong guestings kasi very private talaga siyang tao kaya lang time na siguro para pagbigyan niya itong si Mela. UAAP career niya pa lang, kinukulit na siya nito.

"Grabe, grabe ang intro", si Bea sabay beso kay Mela at umupo na siya sa couch sa tabi nito.

Nakashorts si Bea na itim at shirsey niya sa Choco Mucho, white sneakers with black muscle tape sa may bandang kanang balikat at nakatali ang buhok sa likuran. The usual Bea, mukang tumatanda ito ng paurong physically. Ang mukha niya, yung ngiti niya, the way she moves and talk, parang hindi lumipas ang 3 years. Mas lalo pa nga itong gumanda ngayon.

Bumeso naman si Mela at ngiting-ngiti ito kay Bea.

"First of all, congratulations BDL for being the newest MVP of PVL Sports conference this year! Walang duda, talagang ikaw nga ang Queen Eagle and now, you made it this far. Ikaw na ang bagong Queen of the Titans", umpisa ni Mela.

"Haha, grabe may ganun, well thank you Mela. It is a great honor to be part of the PVL, you know, kahit hati ang time ko with the business with Dad, pero my teammates and Coach O are always there as my support system din. So yeah, thank you. We've made this far", sabi ni Bea.

"Sa wakas, napapayag din kita, grabe ang tagal na ligawan nun ha", sabay tawa ni Mela.

"Well, ganun ka kalakas sa akin e", sabi ni Bea habang nakangiti at nilalaro nito ang cellphone niya.

Nag-apir silang dalawa.

"Alright, wag na tayong magpatumpik tumpik pa, simulan na natin agad agad. BDL, ang tawag sa segment natin na gagawin ay Tunay Dares, anyways, may naalala ako na guest din here before, dati dati pa yun, uhmmm, let me think of the year, ah! 2020, yes 2020, ito din yung segment", sabi ni Mela at kinindatan si Bea.

"And?", sabay taas ang kilay ni Bea.

"Wala naalala ko lang, wala kang naalala nun? Di mo ata kasi pinapanood segments ko e", kunwa'y nagtatampong sabi ni Mela.

"Uy, excuse you! Nanunood ako", sabi ni Bea na tumatawa.

"Sige nga, anong pinakafavorite mong segment ko?", sabi ni Mela.

"Wag na, never mind na, di pa tayo nagsisimula, umiissue ka na. Pwede naman magwalk out dito di ba Direk?", sabi ni Bea na tawa ng tawa. Lumalabas na naman ang cute na dimple nito sa ibaba ng labi.

"Ok ok, ituloy na natin. Baka magwalk out nga guys, so anyways Bea, Tunay Dares tayo. Bubunot ka ng dares jan sa jar na yan tapos babasahin ko yung tanong. Jusko, itong mga tanong na ito ay since season 79 pa ata ng UAAP", sabi ni Mela.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now