Chapter 11

1.2K 33 3
                                    

Day 3 of 7

No words can explain how painful it is when you know that you love somebody pero hindi pwede. Hindi pwede kasi takot kang makasakit at takot kang masaktan. Kaya mas pipiliin mo na lang na bumitaw at wag ng lumaban. This is how painful the situation of Bea and Thirdy is as of now.

Bea is in her room. Thirdy told her na Tarlac bound sila today. Saktong wala silang training pareho.

They will visit the community there na naging part ng social immersion ni Bea during her 4th year.

Special kay Bea ang community na yun kasi because of them, she was able to see the real world.

Di hamak na mayaman talaga sila Bea. She was born with a golden spoon in her mouth. Det is a businesswoman as well as Elmer. They have a lot of businesses not only in the country even in other countries. So during her 4th year, nung naassign nga si Bea sa Tarlac, mas doon niya nakita yung simple way of life. Walang tubig na regular, walang kuryente, walang click and cook na stoves to cook meals, malayo sa bayan and walang maginhawang bahay pero masaya. Masaya lang ang mga tao doon, kaya minahal ni Bea yung community.

And si Thirdy, like Bea, mas pinili din niya na doon siya magconduct ng immersion. Nainspire kasi siya kay Bea, hanggang ngayon kasi, tinutulungan pa din ni Bea yung community.

Bea is so soft pagdating sa mga charities, kaya nga whenever there is a games for charity just like the Battle of Phenoms na ginawa nila Ate Ly at Manong Keif noong 2nd year sila ay game na game itong tumulong. Bea as the side commentator at si Thirdy as DJ.

Kaya mas lalong humahanga si Thirdy dito. Bea is not the typical rich and famous volleybelles, she has a big heart din na talagang willing to help.

Nagring ang telepono ni Thirdy, he is driving na papuntang LGV para sunduin si Bea.

"Yes Babe", sinagot ni ang tawag. Si Bea ang nasa kabilang line.

"Malapit ka na ba? Di pa kasi ako tapos para sa food packs na dadalhin natin", sabi ni Bea.

"Oo, 10mins, diyan na ako. Pero don't worry, take your time. Parating na din naman ako, i'll help na din", sagot ni Thirdy.

"Ok, drive safely, see you. Bye!", Binaba na ni Bea ang telepono. Rinig ni Thirdy ang excitement nito.

Mula pa kagabi, nung sinabi ni Thirdy na magTarlac sila, excited na excited na talaga si Bea. Matagal na kasi siyang hindi nakakapunta doon, yung donations niya laging driver nila ang nagdadala. Kasi talagang busy siya lagi sa trainings.

Pagdating ni Thirdy sa LGV ay naabutan niya si Bea na busy sa pagpapack. Nakat-shirt ito ng maluwang, cycling shorts at nakataas ang buhok. Pawisan ang mukha.

Nilapitan niya ito agad, nagbeso siya at kinuha yung panyo sa bulsa niya. Pinunasan niya ng pawis ang mukha ni Bea.

"Ay sus, madaling araw pa lang, parang ang dami ng langgam", si Manang Elma, helper nila Bea.

Natawa lang si Bea.

"Tumulong ka na nga Ferdinand, dami mo paandar, malelate na tayo", sabi ni Bea na pulang pula dahil sa panunukso ni Manag Elma.

Humalakhak naman si Thirdy at sinimulan na niyang magpack.

Natapos sila ng 6am kaya 7am na na nakaalis sila sa LGV dahil naligo pa si Bea. Kung si Bea, foodpacks ang dala, si Thirdy, Ateneo Tshirt naman ang dala niya. Ravena Shirts para sa boys, at De Leon shirt naman para sa girls. Very good, ang galing ni Thirdy dun. Aminin na natin. Nakakakilig ng very very light. ♥️

------------

Nasa Tarlac na sila. Kakababa lang nila Bea ng sasakyan. They went straight sa Brgy. Hall to fix their permit para makapasok sa community at para rin maguide sila.

The Way We Want It To BeWhere stories live. Discover now