CHAPTER 4

3.6K 110 1
                                    

CHAPTER 4

IRENE POV.

Nagyaya si jennie dito sa favorite nyang ice cream store malapit sa campus. Kami ang may-ari nito kaya anytime na magpasabi si jennie eh dito agad ang meeting place. Ilang araw na rin akong nagaabang dito kay lisa kasi one time natyempuhan kong nandito sya mag-isa, nagrereview ata.
She looks perfect with her barbie like face with the bangs na mas bumagay pa sa kanya.
Oo i'm inlove with her na and sooner or later i will tell her about my feelings tho alam kong inis si jennie sa kanya.

"Jenduek! Tell me nga bakit ba ang init ng dugo mo kay lisa? Wala namang ginagawa yun tao sayo. Aksidente lang naman ang pagkakabangga nya sayo dati. Can't you just be nice to her?" wika ni Nayeon habang sumusubo ng ice cream.

"Ah basta. Hindi ko alam eh. I just have this feeling na kapag andyan sya ayaw ko syang nakikita. Naiirita ako sa kanya!" singhal ni jennie.
"Huwag na natin syang pagusapan guys. Baka masira ang araw ko kayo sisisihin ko." dagdag pa nya.

NAYEON POV. 

Pano ko kaya mako convince tong si jennie para maging friendly man lang kay lisa? Di ko tuloy alam pano tutulungan tong si irene eh when she told me na she is inlove with her. Syempre kailangan muna naming mapaamo itong pusa na si jennie nato baka bglang mangalmot pag niyaya namin mag hangout si lisa eh. Aiissh.

--

Kinabukasan maagang nagsipasok ang lahat sa school para pag meetingan ang darating na foundation day. Since si Lisa ang president so sya ang inaasahan na magprepare ng mga ito. Dumating na din na magkakasabay sila Jennie, Nayeon, Irene, IU at iba pa. Sila kasi ang napili na sasama sa group ni lisa.

Napagpasyahan nilang bumuo ng group para sa gagawin nilang performance. Mabigat man sa loob ni jennie na sumali eh wala syang magagawa kasi magsusumbong ang teacher nila sa mom nya at bantay sarado din sya kay jisoo so wala syang palag.

JENNIE POV.

Hayyyss sa dami ng pwedeng salihan bakit sa grupo pa ni lisa? Kaasar naman. So wala na naman akong choice!
Nandito ako ngayon sa cr habang nagreretouch. Mamayang hapon kasi after class eh need na naming magumpisang magpractice. We only have one week to prepare so we need to push it.

Kung hindi lang talaga sa request sakin ni dad eh hindi ako sasali dito. He promised na uuwi sya after so i need to do this.

---
Kinahapunan nag assemble na ang lahat sa auditorium ng school. Nakaset up na din ang stage. Nauna na kasi dito si lisa kasama si irene para tumulong sa pagsi set-up. Everything is all set na they just need to be here na para umpisahan.

"Hey thank you irene ha for helping me out sa pagaayos dito. Ang laking tulong." nakangiting sabi ni lisa kay irene.
"Ano kaba lis don't mention it, isang group tayo so we need to help each other. Malakas ka kaya sakin." tugon naman ni irene sabay tapik sa balikat ni lisa.
"Lis, mamaya sama ka samin hangout naman tayo, okay lang?" pang eenganyong pa nyang wika.

LISA POV.

Sa wakas natapos na namin ang pagset up ng stage. Hindi nakatulong sakin sila IU kasi may pinuntahan pa sila ni somi. Ah sya nga pala i also included somi sa group kasi magaling din syang sumayaw medyo mahiyain lang.
Thanks to irene kasi napadali ang trabaho ko dahil tinulungan nya ako.

Okay si irene, mabait, jolly at friendly hindi gaya ng kaibigan nyang si jennie na parang laging galit wew.  Niyaya nya din akong maki hangout sa kanila pero hindi pa ako sumasagot. Hindi kasi ako sigurado kung magiging okay kay jennie if kasama ako. Tho i'm friends with her jisoo unnie kasi kasama ko sya sa isang org. Buti nga close ko yun si jisoo eh. Nagulat nga ako ng nalaman kong magkapatid sila coz they are really different.

Oh wait, they're all here na.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si jennie na naka sports bra lang at fitted jeans.

She's hot you know! Walang duda sya ang campus crush.

Till I Met You AgainWhere stories live. Discover now