CHAPTER 11

2.6K 92 0
                                    

CHAPTER 11.

LISA POV.

Urrrggh! Last day na ngayon ng rehearsal namin kaya dapat mapolish na namin ang lahat. Well masasabi ko namang ready na kami eh but hindi pwedeng pa kampante lang. Medyo late na kami makakauwi nito dahil kailangan i set up na namin lahat ng gagamitin kinabukasan. The stage, the props and the music. Masaya ako kasi lahat sila tumutulong sakin. I can feel that were a team. Si Nayeon, IU, Rosé at Somi ang nagdedecorate ng stage habang ako, si Irene at Jennie ay nagsi set up ng mga lights na gagamitin. Nagtatawanan kaming tatlo pano si jennie ang nagpiprisintang magkabit eh hindi naman nya abot hahaha ang pandak kasi nitong mandu na to.

"Lisa, let me try that kayang kaya ko yan. Basta ikaw irene iabot mo sakin yung mga light bulbs tapos ikaw lisa hawakan mong maigi tong hagdan baka mafall ako tapos walang sasalo, masakit yun." litanya nitong pusa na to.
"Ohh okay maam masusunod. Don't worry hindi kita hahayaang malaglag. Pag nafall ka sasaluhin kita nini hahaha." tawa kong sagot, pero nakita kong napa ubo si irene. Ooopppss..

Kada break eh lagi akong inaabutan ni Irene ng pagkain at inumin. Napaka maalaga nya, wala akong masabi. Ang supportive pa laging nasa tabi ko. Pumasyal din si jisoo unnie para icheck ang lagay namin. Tumulong na din sya para mas mabilis kaming matapos. Sila nila rosé ang magkakasama.
7pm na din ng gabi kaya lahat kami ay nagugutom na. Naisipan kong magpadeliver nalang para dito kami kakain lahat.

"Hey guys! Tara break muna let's have dinner first para may lakas tayong tapusin lahat yan. What do you want to order ba? It's my treat guys for helping me out here." masaya kong wika.

"Chikin!!!! Gusto ko ng chikin lis!" pauna ni jisoo unnie. ususual mukang manok to.
"Pizza and fries also please." sabay-sabay na tugon nila.
"How about you jen what do you want to order?" tanong ko kay nini.
"Ikaw na bahala lis it's okay with me." nahihiyang sagot ni jennie.

"Okay. So magoorder na ako ha? 1bucket of chicken, 2 large pan pizza, fries, drinks and milk ice cream for nini." ngiti ko kay jen na napangiti din sakin.

----

Lumabas ako ng gate kasama si jisoo unnie para kunin ang order namin. Habang naglatag naman sila jennie ng malaking blanket sa may picnic area para dun kami ppwesto.
Kanya kanyang kuha na ng nilapag kona ang pagkain.
Nako po parang di kumain maghapon tong mga to hahaha.
Wala kaming ibang ginawa kundi kumain, magkwentuhan at magtawanan. We even took pictures together. Nariyang napapa budots dance sila jisoo, nayeon at somi. Samantalang si IU naman ay tumutugtog ng gitara habang kumakanta si Rosé at Irene.
Ako naman ay nakaupo lang habang pinagmamasdan silang lahat.
Napansin kong tahimik lang na nakaupo sa damuhan si jennie, eating her ice cream while browsing at her phone. I then decided to approach her.

"Hi nini anong pinagkaka abalahan mo dyan? Mukang seryosong seryoso ka ah. Haha." pag-uusisa ko sa kanya.
"Ahh nothing lis i'm just reading my favorite wattpad story, medyo sad kasi ang scene ngayon dahil malapit na magend." sagot nya.

Nacurious naman ako kaya tinanong ko sya..

"Uhm jen so mahilig ka pala magbasa dyan. Ano bang title nyang binabasa mo baka magustuhan ko rin. Mahilig din kasi ako dyan eh." tanong ko.
"Ohh really? Wow daebak. Same pala tayo. Maganda tong binabasa ko ang ganda ng story at ang galing ng author actually i have a huge crush to this author hehe. The title of this story is "un--"

Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si IU at ginulat kami. Di na natuloy ni jennie ang sasabihin nya.

Pagtapos naming kumain ay niligpit na namin ang mga kalat. Balik auditorium na din kami para tapusin ang lahat.
10pm ng gabi ng natapos namin.
Lahat kami ay pagod na kaya napagpasyahan na naming umuwi.
Sinundo na ako ng driver at isa isa na din silang nagsiuwian.

Hayyys such a tiring day again. Ramdam ko ang sakit ng buo kong katawan pero worth it ang lahat. Masaya ako na makasama silang lahat. Pagka uwi ng bahay direcho shower na ako dahil kanina pa ako iritable. I also had one glass of milk para makatulog ako baka kasi sumumpong na naman tong insomnia ko. I need to take a rest maaga pa ako bukas. Tomorrow is the big day sa school.

Maya- maya pa ay nahiga na din ako. I then checked my watty first. I read all the comments on my latest update. Three chapters nalang at finale na ng story ko. Di ko muna maharap dahil sa sobrang pagkabusy ko. Napabuntong hininga ako.

Makatulog na nga.

See you all tom. We can do it. Hwaiting!

Till I Met You AgainWhere stories live. Discover now