HOMECOMING

2K 77 18
                                    


LISA POV.

Grabe, bakit ganun ang nangyari? Sinukuan nya ako agad ng ganun lang. Pero di ko masisi. Marami akong pagkukulang eh.

After i found out jennie's engagement, i postponed my flight. Siguro kailangan ko munang ihanda ang sarili ko bago ako muling humarap sa kanya.

"Lisa anak, let's talk. There's something you need to know about jen. Remember nun nasa coma ka, i keep mentioning her to you, that she is doing great. I'm sorry anak kasi di ko sinabi sayo lahat makakasama kasi sayo. Hope you understand." pagpapaliwanag ni dad sa akin. Nandito kami sa terrace ng bahay while having a drink.

"Then tell me now dad. What is it that i need to know about jen? Gusto kong malaman ang lahat." tugon ko. Nakatingin lang ako sa kawalan at waring malayo ang iniisip.

"Lisa, all this time ang akala ni jen ay patay kana. Anak, it's my fault. That's what i told them para na rin sayo. I'm just protecting you. Forgive me. I was selfish that time, ang iniisip ko lang ay ang ilayo ka sa mga taong gustong manakit sayo. Pero natauhan din ako nun muntik ka nang tuluyang mawala sa  amin. Pangako ko sa sarili ko na kapag bumalik kana hindi na ako magiging hadlang pa sa kung saan ka sasaya. I also found out na si IU at Jennie ay magkapatid sa ama. Jennie was so hurt that time. She was betrayed. And ito, her mom is dying. Sobrang dami ng paghihirap nya lisa. Ikinwento lahat sakin ni IU."

Nabigla naman ako ng banggitin nya si IU. Nilapag ko ang hawak kong baso ng alak.

"Dad, nakausap mo sya? Si IU?" wika ko.

"Yes lisa. Actually nandito sya sa Thailand. She is my personal lawyer now." tugon ni dad.

"I need to talk to her dad. I wanna see her. Maybe she can help me with jen." dagdag kopa.

Sa lahat ng nalaman ko about kay jennie, mas lalong nabuhay ang hangarin ko na  balikan sya at kunin sya. But first i need to do this. Bukas ay kakausapin ko si IU.

~~

Kinabukasan, sumama ako kay dad sa office para makipagmeet kay IU. Isinantabi kona ang naging alitan namin noon since tapos na ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay ang  maitama ang lahat.

Papunta na kami office ni dad at doon naghihintay si IU. Agad kaming pumasok sa loob.

"Hi iha, sorry sa paghihintay. Btw may gustong kumausap sayo."

Matapos sabihin ni dad yon ay humarap na ako para makita nya.

"Li-lisa?? Is that you? Buhay ka?" bakas ang pagkagulat nya. Agad syang napatayo at nabitawan pa ang mga papers na hawak nya. Nakatitig lang sya sakin.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon