CHAPTER 22

2.3K 75 2
                                    


LISA POV.

Nakaharap ako dito sa study table ko para sana umpisahan nang isulat ang finale ng story kong "Until When" two weeks na rin kasi akong di nakapagupdate, madami kasing ganap.
Bigla namang tumawag si Irene.
-📞-
Irene: Hello baby. Busy ka ba ngayong gabi?
Lisa: Uhm di naman masyado baby. Balak ko lang sanang umpisahan ang finale netong story.
Irene: Eh, may favor sana ako eh. Okay lang?
Lisa: Sure, what is it?
Irene: Papasama sana ako sayo. Nagyaya kasi sila nayeon sa kanila. May dinner request sila tita.
Lisa: Okay sige, i'll come with you. Puntahan nalang kita dyan. Wait for me okay?
Irene: Thank you baby. Pick me up at 6:30pm.
-------
Itinabi ko muna itong mga gamit ko para makapagready na. Ayoko naman na mabad shot sa kanila. Exactly 5:30pm nang umalis kami ng bahay. Sinabihan ko ang driver para daanan si Irene.

*BEEP- BEEP- BEEP!*

Sunod- sunod na busina ng mga sasakyan. "Naku! Bakit ngayon pa? Mukang malilate ako nito!" sabi ko kay kuya ben na driver ko.
"Maam medyo matatagalan tayo dito. Tawagan mo nalang po si maam irene para alam nya." wika ni kuya ben.
Agad ko ring tinawagan si Irene para sabihing malilate ako. Naintindihan naman nya ang paliwanag ko. Nagpasabi na rin sya kina nayeon.

7:15pm na ng nakarating kami sa place ni irene. Kaya nagmadali na rin kaming bumyahe papunta kina nayeon. Halos 45minutes din ang itinahak namin. Pagkarating namin ay naabutan namin silang lahat na nasa pool area. Nakakahiya, nagpag-antay namin sila. Niyaya na din naman kami agad na mag dinner na.

Nagulat ako ng ipakilala na ako ni irene sa kanila. Medyo hindi pa kasi ako sanay. Nakakaba, lalo nung nakita ko na naman ang matatalas na tingin ni jennie. Tingin palang nakakatakot na.

Nung natapos na kami kumain, syempre konting usap-usap muna. Uhm well medyo op ako ngayon ko lang kasi nameet ang parents ni nayeon. Nagpaalam ako kay irene na magbabanyo muna. Dire-direcho naman ako sa loob akala ko kasi walang tao di naman kasi nakalocked. Nandun pala si jennie. Kaya kinausap ko ba rin sya tutal kaming dalawa lang.

"Hi nini ko." bati ko sa kanya.
"Wag mo kong ni ni nini manoban na parang ayos tayo." inis nyang sagot.

Napakunot naman ang aking noo. Nabigla kasi ako sa reaksyon nya. Masungit na naman. Samantalang maayos na kami nun nasa coron pa kami. Inusisa ko naman sya kung ano ang dahilan. Ngunit naguguluhan ako parang ang lalalim ng pinanggagalingan ng bawat salita nya. Lalo na nun sinabi nya na.
"I caught you now otor lili."

I asked her why. "Hmm why nini? What about me being otor lili? May problema ba?"

Bigla naman syang humakbang papalapit sakin. Dahan-dahan. Ako nama'y napapa atras. Nakakatakot ang kanyang mga titig. Umatras ako ng umatras gang sa madikit na ang aking katawan sa sulok ng pader. Na corner na nya ako. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng inilapit na nya ang kanyang mukha sa aking mukha. Naririnig ko ang kanyang paghinga.

"Ni-ni, a-a-anong gina-ga-wa mo??" utal kong tanong.
"May gusto akong malaman at gusto kong maging honest ka lisa." agaran nyang sagot at mas lalo pang inilapit ang mukha sa akin. Wala ng isang pulgada ang agwat ng aming mga labi..
"Uhm si-sige ni-ni." halos pigil hininga na ako.

Napapikit ako dahil ramdam kong malapit nang maglapat ang aming mga labi, ng biglang.

*TOK! TOK! TOK!"

"Lisa nandyan ka paba? Tara na uuwi na tayo." pagtawag ni irene.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Bumalik naman na din si jennie sa pag re retouch na animo'y walang nangyari.

"Oo lalabas na irene!" tugon ko.
Nag-ayos muna ako saglit at naghilamos dahil bakas sa aking mukha ang pagka putla.
Jennie just glared at me without saying anything. Lumabas na ako.

Nang nakabalik na kami sa dinning area, sumunod na din naman agad si jennie at tumabi kay jisoo unnie. Grabe sya, akala ko mahihimatay na ako kanina. Nauna na silang nagpaalam na umuwi, sumabay na rin si rosé sa kanila.
After 10 minutes nagpasya na rin kaming lumarga na at nagpasabing dadalaw nalang uli sa susunod.

-Ff ⏩-

Dalawang araw na rin ang lumipas matapos ang gabing iyon. Hanggang ngayon ay di pa rin maalis sa isip ko ang mga kinilos ni jennie. Mas lalo tuloy nawala ang focus ko sa pagsusulat.

"Hayys! Ano ba to nakakabobo naman! Walang pumapasok ba ideas sa isip ko." reklamo ko saking sarili. Naisipan kong kamustahin si cat_eyes. Naiintriga kasi ako sa bigla nyang pananahimik.
-💌-
Lisa: Hi there, how are you? Long time no talk. Hope you're okay.
------
Aftee i leave a message, ipinikit ko muna ang aking mga mata. Hanggang sa ako'y makatulog.
------
*BOOOOOOMMMM!!*
Isang malakas na pagsabog  ang aking nasaksihan.
"Lisa! Lisa! Anak!!" May mga tinig na mula sa kalayuan ang nagmamakaawang tumatawag sa aking pangalan.
-Sa kabilang dako-
"Lisa, i'm sorry. Maniwala ka sa akin lisa. Listen to me. I'm begging you please maniwala ka. I love you." nakita ko ang isang pigura ng babae na lumuluha habang dahan-dahang naglalakad papalayo ang isa pang pigura ng babae. Wari ramdam na ramdam ko ang bawat sakit.
--------
Napabalikwas ako sa aking higaan. Pawisan ako at habol-hininga. Hindi ko namalayang lumuluha na rin ang aking mga mata.
Panaginip. Isang nakakatakot na panaginip. Masakit, nakakapanghilakbot. Pasalamat ako at panaginip lang ang lahat.

Alas dose na pala ng hatinggabi. Bumaba ako sa kusina upang uminom ng tubig. Pilit kong pinagtatahi-tahi lahat sa aking isip. Ngunit sumasakit lamang ang ulo ko. May ibig sabihin kaya ang lahat ng iyon? Ngunit sabi nila kabaligtaran daw ng panaginip ang totoong ganapan sa buhay. Siguro ay dala na rin ng masyado kong pag-iisip sa story ko kaya kung ano ano na ang napapanaginipan ko. Kaya winaglit ko nalang ito sa aking isipan at huminga ng malalim.

Bumalik ako sa aking kwarto para magshower, baka sakaling gumaan ang aking pakiramdam at makatulog muli. Natapos na akong maligo at halos dalawang oras na pagmumuni muni. Nagpasya na akong matulog ulit.

Muli, naalala ko ang komosyong nangyari samin ni jennie. Tila ba hindi ako pinatatahimik nito. May kung anong tumutulak sa akin para alamin ito. Ang mga titig sa kanyang mga mata na wari may pinahihiwatig. Nais kong malaman kung ano yon.

Tama. Kailangan kaming mag-usap ni jennie. Kung ano man yon, kailangan kong malaman at nang matahimik na ako. Mamaya paggising ko tatawagan ko sya para makipagkita. Itatago ko nalang muna ito kay irene para hindi maantala.

Nini, hintayin mo ako mamaya...
At tuluyan na akong kinain ng antok.

----------
A/N:
May ibig sabihin kaya ang panaginip ni lisa?
Ano kayang mangyayari sa paguusap nila ni jennie??

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon