FALSE ACCUSATION

2.4K 102 6
                                    


STILL LISA POV.

Kinaumagahan nagising ako ng pasado alas-otso na. Agad kong kinapa ang phone ko na nasa aking mesa. Dinayal ko ang number ni jennie, tatawagan ko sya para magkita na kami mamaya. Desidido na ako. Huminga muna ako ako ng malalim.
-📞-
Lisa: Goodmorning nini. Kamusta gising mo?
Jennie: At bakit mo naman naitanong? Anyways goodmorning din.
Lisa: Ah wala naman hehe. Ahm nini?
Jennie: May nakakatawa ba lisa? Para kang baliw. Ano ba yon? Sabihin mo na agad.
Lisa: Ah eh kasi nini, pwede ba tayong magkita mamaya?
Jennie: Sure. Actually balak ko rin yan. May kailangan nga tayong pag-usapan. See you later 4pm sa park.
Lisa: Noted nini. See you later.
-------
"Hoooooo!!" Napabuga ako ng hangin. Nakaka kaba talaga kausap tong mandu na to.
Mamaya magkikita na kami. Masasagot na ang mga katanungan sa isip ko. Bumangon na ako para makapag-almusal. Mag-isa na naman ako kasama mga kasambahay. Nasa business trip na naman parents ko. Sunday ngayon kaya magsisimba muna ako at didirecho nalang sa park mamaya. Hindi kona sinabihan si irene gusto ko muna kasing mapag-isa.

10am na ng nagpahatid na ako kay kuya ben patungong simbahan. Sa Saint Peter Parish kami laging nagsisimba. Dito rin ako bininyagan. Nang nakarating na kami dito, nagpaiwan na ako kay kuya ben at nagpasabing daanan nalang ako dito mamaya pag tumawag ako. Mag-uumpisa na anf mass. Naupo ako sa bandang gilid ng simbahan.

Isang oras din ang itinagal ng mass. Matapos kong magdasal, nagtirik ako ng kandila at nag-alay ng panalangin para sa aking pamilya, mga kaibigan, sa aking pag-aaral at maging sa aming kabuhayan. Marami rin akong dapat ipagpasalamat. Naglakad- lakad na ako palabas ng simbahan. Since may mall sa malapit dito kaya naisipan kong magtungo don. Tanghali na rin at nagugutom na ako. Mabuti dala ko itong camera ko, kinukuhanan ko ng larawan ang bawat nakikita ko. May mga batang naglalaro, mga ale na nagtitinda at mga sasakyan na nauunahan sa kalsada.

Nandito na ako sa loob ng mall. Kaya dumirecho na ako dito sa isang dine-in restaurant. Umorder na ako. Habang naghihintay, palinga linga ang aking paningin. Marami ring tao sa restaurant na ito. May masayang pamilya na sabay-sabay kumakain, meron ding mga grupo ng magkakaibigan na nagaasaran at nagtatawanan at meron ding magkasintahan. Napatingin ako sa sarili ko. Mag-isa lang pala ako. Napatawa nalang ako ng mahina. Hahaha

Matapos kong kumain, nagtungo naman ako dito sa seaside. Naupo lang ako sa isang bench habang nakamasid sa kalawakan ng karagatan. Nagpapalipas lang ako ng oras. Alas dos na ng hapon, maya-maya'y magkikita na kami ni jennie. Tinawagan kona si kuya ben para magpasundo. Nakarating naman sya agad.
"Kuya ben sa may park po tayo" sabi ko sa kanya.
"Sige po maam lisa." tugon ni kuya ben.

Ganap na 3:30 ng hapon ng lmakarating ako dito sa park. Wala pa naman sya kaya naglibot-libot muna ako upang kumuha ng larawan. Nawiwili ako sa pagkuha nang mahagip ko mula sa di kalayuan si jennie. Hindi naman nya ako nakikita, kaya malaya akong pagmasdan sya mula sa lens ng aking camera. Di ko namamalayang napapangiti ako. Kinuhaan ko na sya ng ilang shots bago huminto. She's here na.

"Hi nini. Buti nandito kana." nakangiti kong bati sa kanya.
"Kanina kapa ba dito lisa?" tanong nya.
"Hindi naman. Mga kalahating oras palang." Tara dito ka maupo" paanyaya ko sa kanya sabay turo sa isang bench.

Naupo sya sa tabi ko. Siguro mga ilang minuto rin bago sya nagsalita muli.

"Lisa meron ka bang kailangang sabihin sakin?" panimula nya.
Humarap ako sa kanya.
"Sa totoo lang nini, naguguluhan ako sayo kaya nga ako nagpasya na makipagkita sayo para malinawan ako. Kaya kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo na sana nini." tugon ko.
She looked straightly to my eyes. Ang seryoso. Nakakakaba.

"Lisa please be honest with me. Diba ikaw si otor lili?? pauna nyang tanong.
"Yes ako nga. Diba sinabi kona sayo." sagot ko naman.
"Ikaw si otor lili at si otor lili ang gf ko. Lisa, ikaw ang gf ko. And yet why you're acting na parang wala kang alam?! Nabigla ako sa mga sinabi nya.
"Huh?? What do you nean na ako ang gf mo nini?? Pano nangyari yon? Can you explain it to me??" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Napatayo naman sya at bakas sa mukha ang pagka-inis.

"Lisa! Anong sinasabi mo?! Bakit ka ganyan huh?! Diba nun una magkausap tayo sa wattpad. Tapos you added me on fb, dun na tayo nag-usap at naging Tayo. Tapos ano, nalaman ko na kayo na din ni irene. All this time niloloko mo lang ako. Sinasaktan mo ako ng harap-harapan lisa. Bakit? What's your purpose?' Dahil ba hindi maganda ang treatment ko sayo noon?? Kaya mo ako ginaganito ngayon ha?? Answer me please!!" tuluyan na ngang sumabog si jennie.

Gulong-gulo ako. Wala akong idea sa mga pinagsasabi nya.

"Jennie, wait lang. Wala akong alam sa lahat ng mga sinasabi mo okay. Tayo?? Ako may fb acct?? Wala akong ganyang ginagawa nini. Mas lalong wala akong balak na saktan o gantihan ka. Isa pa, si irene lang ang gf ko ngayon. Nini, huminahon ka wala talaga akong alam. Maniwala ka please mani--

*PAK!!*
Isang malakas na sampal ang iginawad ni jennie sa aking pisngi.

"Napaka sinungaling mo Lisa. Huli kana hindi ka pa rin umamin. Ang sama mo Lisa. Hindi kita mapapatawad." At tuluyan na syang napaluha. Lalapitan mo sana sya para yakapin kaso itinulak nya lang ako at agad syang tumakbo palayo. Ako ma'y napaluha na rin at napaupo nalang at tulala.
"Bakit ito nangyayari?" tanong ko sa aking sarili habang naglalandasan ang luha sa aking pisngi.
------
Sa di kalayuan, nagmamasid pala si IU. Oo nandito na sya sa park. Tumawag kasi sya kay jisoo para itanong kung nasaan si jennie. Nang kanyang malaman na magkikita si lisa at jennie, ninais nyang unahan sana si lisa upang sya na mismo ang aamin sa lahat. Ngunit nahuli na sya dahil sa nakapagusap na ang dalawa. Kitang-kita nya kung gaanong nasasaktan si jennie sa mga nalaman. Gayon din si Lisa na walang ka alam-alam sa mga nangyayari. Maging sya ay lumuluha na din. Nakokonsensya sya. Kasalanan nya itong lahat. Dahil sa kagustuhan nyang mapalapit kay jennie kaya nakagawa sya ng ganitong bagay. Nasaktan nya ng husto si lisa at jennie. Kailangan nyang bumawi. Agad na rin naman nyang nilisan ang lugar.
-------
Pagka-uwi ni jennie sa kanilang bahay, agad syang sinalubong ni jisoo na alalang-alala sa kanya. Lalo pa ng nakita nyang umiiyak ang kapatid. Niyakap nya ito ng mahigpit.

"Unnie, bakit ganun?? Bakit patuloy pa rin akong sinasaktan ni Lisa? Binigyan ko na sya ng pagkakataon na umamin pero itinanggi nya ang lahat. Bakit nya ako labis na sinasaktan unnie?' pagdaing ni jennie.
"Ssshhhh tahan na jendeuk. Alam mo sa mga sandaling ito gustong-gusto kong puntahan si lisa at suntukin. Hindi ko papalagpasin lahat ng ginawa nya sayo!" galit na turan ni jisoo.

"Wag na unnie. Pabayaan na natin sya. Ayaw kong manakit. Mahal ko sya eh. Siguro naman nakaganti na sya sakin. Simula ngayon kakalimutan kona sya unnie." dagdag pa nya.
-------
Nang kumalma na si jennie, nagopen sya ng kanyang fb. Agad nyang binura ang kanilang conversation ni otor lili. She even blocked her na din. Matapos sa fb ay wattpad naman ang kanyang binalingan. Sa huling pagkakataon at nagmessage sya sa kanya.
-💌-
From: Cat_eyes
"You're pulling out the story of my life. You're making the happy scene, happiest. The sad one into saddest. The painful into heartbreak. Making each chapter exciting and yet leaving it hanging for me to ask for more.
I love you my very own author.

I love you and Goodbye Lisa..

---------
A/N:
Ang sakit guys! 😭
Please vote and comment

Till I Met You AgainWhere stories live. Discover now