A New Found Love

2.9K 115 6
                                    


THIRD PERSON.

Tuluyan na ngang nabunyag ang lihim ni IU. Lihim na naging ugat ng lahat ng kaguluhan kina jennie at lisa. Tunay ngang kapag umibig ay hahamakin ang lahat kahit makasakit pa. Ito ang nangyari kay IU. Kahit alam nyang makakapanakit, itinuloy nya pa rin for the sake of her love for jennie. But is it really love?? No! You can't call it love if you're doing this for your own. Masasabi mo lang na ikaw ay nagmamahal kung kaya mo nang hindi maging makasarili. Bagkus ang hangad mo ay ang kaligayahan ng iyong minamahal.
-------

Pagkatapos ng mga nangyari, nagpasya si IU na lumipat ng school at ituloy ang pag-aaral sa ibang bansa. Hindi nya kasi maatim na humarap pa sa kanila matapos ng kanyang ginawa.

LISA POV.

Pagka-uwi ko ng bahay galing sa site, agad akong dumirecho sa kuwarto ko para magshower. Feeling ko kasi ang bigat ng pakiramdam ko. Matapos ko maligo ay sandali akong naupo sa aking study table baka sakaling may ideas na na papasok sa isip ko para maumpisahan kona ang finale ng aking story. Ngunit bigo ako. Mas lalong wala akong maisip. Aiissshh!

Balak ko sanang magtext kay jennie para kamustahin sya. But then i saw this voice clip sa email ko. I checked it out and play it.
So here's what is says:

*Hi Lisa. It's me IU. So by this time i'm here talking with jen. Lisa, i just wanna say sorry. Malaki ang kasalanan ko sayo. Siguro di mo ako mapapatawad. Lis, i used your identity para maging kami ni jen. I'm inlove with her lisa to the point na i used you para mapansin nya ako. Yes! Nagpanggap ako na otor lili. Nagpanggap akong ikaw! Know why ikaw?? Kasi ikaw ang mahal niya! Again, i'm so sorry lisa. Alam kong galit ng todo sakin si jennie. Kaya naman kailangang puntahan mo sya. Samahan mo sya please. Nandito kami sa may Beat and Music Pub. Pagtapos mong marinig ito please pumunta kana. Ingat ka lagi lisa. Salamat sa lahat.*
--------

After i heard that voice clip, nagmadali akong umalis. Agad kong inistart ang kotse ko at dali-daling nagpunta sa bar.

"Wait for me nini. I failed you once but this time i'm gonna make it up to you." wika ko sa sarili.

Pagdating ko sa bar agad akong bumaba at patakbong pumasok sa loob. Nilibot-libot ko ang aking paningin para mahanap sya. Hanggang sa may makita akong nag-uumpukang mga lalaki na sa tantya ko eh mga binata pa at mga nakainom na.

Habang lumalapit ako, nakita ko si jennie sa isang mesa. Hindi na nya kaya ang sarili. She was drunk. Naalala ko na mababa lang ang kanyang tolerance sa alcohol.
Akmang may yayakap sa kanya ng bigla ko itong sinuntok.

Lalapit pa sana ang isa nang sinipa ko naman ito. Pumaibabaw ako sa isa at pinaulanan ito ng mga suntok sa mukha.

"How dare you lay your dirty hands at jennie?!!!" Galit ako.

Bigla namang dating ng mga staff at inawat ako.

"Maam Lisa, tama na po yan!"
Napatigil naman ako dahil nakita kong may kasama na silang mga pulis. Agad kong pinadampot ang mga tarantadong iyon.
Pag-alis nila daglian kong niyakap si jennie. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Nini ko, i'm sorry if natagalan ako ng konti. I promise no one will harm you again from now on." I kissed her forehead.
I carried her papuntang kotse ko. Matapos kong bilinan ang staff na magsara muna ay umalis na rin kami agad.
--------

Dinala ko si jennie dito sa condo unit ko. Hinayaan ko muna syang makatulog sandali para mahimasmasan. Nandito ako ngayon sa balcony habang humihigop ng mainit na kape. Dis oras na kasi alas dose na.
Napapaisip ako sa mga ginawa ni IU. Oo kaibigan ko sya at kaya ko syang intndihin pero sinaktan nya si jennie kaya ibang usapan na yon.

Ganun ba talaga kapag nagmamahal ka, handa kang gumawa ng mga bagay na alam mong mali at may masasaktan ka?
Naisip ko ang sitwasyon namin ni jennie.

Oo mahal ko si jennie. Kanina ko lang napagtanto ang lahat kung gaano ko sya kamahal. Hindi ko kayang mawala pa sya sakin.
Pero anong gagawin ko may girlfriend ako. Nandyan si irene na mahal na mahal ako. Totoong minahal ko rin sya pero habang tumatagal mas napatunayan ko sa sarili ko na si jennie pala talaga ang laman ng puso ko.

Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni, narinig kong bumukas ang sliding door ng balcony. Napalingon ako.

"Nini gising kana pala."
Pagtawag ko sa kanya. Pagkakitang pagkakita nya sakin ay agad nya akong sinunggaban ng yakap.

"Lisa! Lisa i'm so sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung di ako naniwala sayo noon. Lahat ng nangyari ay kagagawan ni IU at pareho tayong biktima. Sorry lisa. Sana mapatawad mo ako." sumamo nya habang lumuluha at humihikbi.

Kumalas ako mula sa aming pagkakayakap at humarap sa kanya. Magkadikit ang aming mga noo. I smiled at her.

"Nini, alam ko na ang lahat. At wala kang dapat ihingi ng tawad. Gaya ng sabi mo pareho tayong biktima. Sssshhhh tama na wag ka nang umiyak. Di ako galit okay? Hindi ko kayang magalit sayo. Mahal kita nini ko." agaran kong sinabi.

"Mahal din kita lili ko." tugon nya.

At di na ako nag-alinlangan pa. Dahan-dahan kong tinawid ang espasyo ng aming mga labi. Ngayon ay magkalapat na ang mga ito. Hinahagkan ko siya ng buong pagmamahal.

Ang babaeng ito na nasa harap ko ngayon ay ang babaeng minamahal ko ng tunay.

----------
A/N:
Kakilig ang jenlisa! Kainggit!! Sanaol talaga guys!
Short update muna pagod pa ako. Bawi ako sa next chapter okay?

Till I Met You AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora