All With You (M)

3.5K 103 9
                                    


THIRD PERSON.

Matapos ang masayang pagdiriwang kagabi, isa-isa na ring nagsipaguwian ang lahat kinabukasan. Tanging sila lisa at jennie lang ang naiwan upang sulitin ang bakasyon. Nagpaaalam silang magstay muna ng isa pang linggo.

Plano na nilang ikasal sa sunod na buwan. Kaya naman hindi na muna din bumalik sa thailand ang mga magulang ni lisa upang mapaghandaan ito sa tulong nila jiyong.

Tila nasa ulap pa din ang dalawa sa galak na nararamdaman nila. Unti-unti nang nangyayari ang pinapangarap nila. Ngayon ay mas matatag na ang kanilang pagsasama.

Nasa isip na din nila na mag undergo na ng IVF Process bago pa man ikasal. Hindi na kasi makapaghintay si lisa na magkaroon ng maliliit na jennie at lisa. Na syang kukumpleto sa kanilang buhay mag-asawa.

"Hon, ilang mga anghel ba ang gusto mo?" usisa ni lisa habang nakabackhug kay jennie.

"Ahm siguro pwede na ang isa? Para matutukan natin sya ng husto hon." sagot ni jennie.

Napasimangot naman si lisa.

"Grabe hon isa lang talaga?? Damot naman. Mga 5 o 6 sana pwede na hahaha." pabiro nya.

"Nako manoban! Kaya mo bang mag-alaga ng anim ha??" natatawang tanong ni jennie.

"Aba syempre dalawa tayo! Pero mas maganda kung ikaw hon hehe kasi ako ang magtatrabaho para sa inyo." malambing na sagot ni lisa sabay halik sa balikat ni jennie.

"Basta hindi. Mga dalawa ayos na yon para tig-isa tayo. Uhmm hon.. nagugutom na ako. Gala tayo?" pag-yaya ni jennie.

"Sure. Buong araw tayong magdi date." tugon naman ni lisa.

Mabilis na silang bumangon at nag-ayos ng sarili. Dumaan muna sila sa resto ng villa para magalmusal.

"Lisa, you're busy with your phone again. Sino ba yang katext mo?" tanong ni jennie habang sumusubo ng pancake.

"Eh wala naman hon. Nireplayan ko lang si dad hehe." palusot nito.

"Akina phone mo!"

Pinatay nya ito at tinabi.

"Dapat sakin lang ang full attention mo lisa. Bawal abala." ma otoridad na utos ni jennie.

Wala namang nagawa na si lisa.

~~~

After their breakfast naglibot-libot na ang dalawa, sakay ng ATV na nirentahan nila. Umakyat sila ng bundok kasama ang ilang tour guide. At doon may natagpuan silang isang falls kaya naman agad silang naligo. Magkahawak pa ang kanilang mga kamay.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon