CHAPTER 36

1.9K 86 4
                                    


THIRD PERSON.

Kinabukasan ay bumalik na sila jennie at lisa sa condo. May pasok kasi sila kinahapunan. Ilang buwan nalang at makakagraduate na sila. Hindi mawaglit sa isipan ni jennie ang kwintas na kanyang nakita. Iniisip nya kung para kanino yun. Mukang bagong bili lang kasi. Wala namang may initial na "A" sa family nila. Lalo tuloy syang kinukutuban na may itinatago nga kanyang ama.

Si Lisa ay patuloy pa din sa pagiging consistent number one sa klase, kasunod si jennie. Naging masyado na syang busy dahil patapos na. Isa pa madami syang commitments sa school. Di na rin nya maharap ang paggawa ng story. Pati ang balak nyang pagpropose kay jennie ay nauudlot. Palihim nya itong pinaghahandaan sa tulong nila nayeon.

Samantalang si Irene naman ay tuluyan na ngang nahulog kay Seulgi na pinsan ni IU. Sa ngayon ay LDR muna sila dahil may business na mina manage si seul sa U.S. Ngunit napag-usapan nila na uuwi ito para sa graduation nila irene at binabalak na din nyang isama ito sa U.S para doon sila manirahan.

Si IU ay kasalukuyan pa ding nag-aaral sa U.S. Pero gaya nila jennie ay patapos na din ito. Dahil walang kinagisnang ama kaya tanging ang mom lang nya ang kasama sa buhay. Bata palang daw kasi ito ng sila'y inabanduna ng ama na hindi na nya nakilala pa. Iniisip nya na pagtapos ng lahat ay babalik sya upang kausapin muli sila lisa at humingi ng tawad. Umaasa pa rin kasi sya na mapatawad nila. Natutunan na kasi nya na ang lahat ng kanyang nagawa noon ay katangahan at kasakiman. Na ang pagpapanggap ay isang paraan ng pagiging duwag. At kung totoo kang nagmamahal sa isang tao ang tiwala at pagiging tapat ay napaka mahalagang bagay. At sa huli ang pagkakaibigan nila ni lisa ay isang bagay na dapat hindi nya sinayang.

CHAERIN POV.

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa hospital. Hindi kona pinaalam pa kina jisoo na nandito ako. Ang alam lang nila ay may pupuntahan ako. Naalarma kasi ako nun nawalan ako ng malay kagabi. Kaya kailangan kong balikan ngayon ang aking doktor. Sana naman ay mali ang iniisip ko.

"Mrs. Kim buti naman at nagbalik ka. Nag-alala kasi ako nun huli tayong nagkita. Alam na ba ito ng family mo?" usisa ni doc sakin.

"No. Hindi pa po and i don't have plans to tell them. Ayaw ko silang mag-alala and the're all busy doing their stuffs ayoko maging abala sa kanila." sagot ko naman.

"But you have to. They have to know your condition Mrs. Kim. You're condition is getting worst. Kailangan mo ng care and support nila. Stage 3 na ang Pancreatic cancer mo. The cancer cells are spreading through out your body system. I'm afraid that mas maging worst pa ang mga susunod." malungkot na sabi ni doc.

"Well doc wala na tayong magagawa kung nandyan na. And you said na mahirap yang gamutin. But let's just hope for the best. Hindi pa rin naman ako nag give up. I still want to have apo with jisoo and jennie. Btw doc thank you. Babalik nalang ako ulit. Please make it confidential and siguraduhin mong hindi malalaman ng family ko." pagbibilin ko sa kanya sabay naglakad nako palabas ng hospital. Naluluha ako pero hindi ko pinapahalata since naka shades naman ako. I'm worried that baka konti nalang ang oras ko para makasama sila. I'm not yet ready na mawala at iwan sila lalo si jennie. Lagi rin kasing out of the country si Jiyong kaya hindi kami makapag-usap ng masinsinan. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang kanyang pagkawala.

Nang makauwi na ko ng bahay agad akong dumirecho sa aking kuwarto napagod kasi ako. Kailangan ko ng pahinga baka mahilo na naman ako. Kailangan kong mainom na ang gamot ko.
Pagpasok ko sa kwarto agad kong binuksan ang cabinet kung san nakatabi ang mga gamot. Sinadya ko kasi itong itago para hindi nila makita lalo ni jiyong. Pagbukas ko ng cabinet nagtaka ako kung bakit wala ang mga gamot dito. Kinalkal kona ang mga gamit pero wala. Tinignan ko sa kama at sa ilalim pero wala. Nagulat ako ng bglang pasok ni jisoo.

"Mom! Ito po ba ang hinahanap mo??" tanong ni jisoo sabay angat ang kamay na hawak ang bote ng aking gamot.
"Mom! Answer me ito ba ang hinahanap mo?!" tanong nya ulit ng may diin base sa tono ng kanyang pananalita.

"Ye-yes anak. That's what i'm looking for. Ba-bakit yan nasa iyo?!" pangatal ang tinig ko habang nagtatanong.

"Mom, please be honest with me! Mom itong gamot na ito is for cancer patient. Why are you taking this kind of medicine mom?? Why?!" gumagaralgal na kanyang tinig.

"Jisoo anak, come here. Anak, i'm so sorry for hiding this to all of you. Anak, i have a stage 3 cancer. But ayokong mag-alala kayo kaya hindi ko pinaalam. But since now na alam mo na kaya sinabi kona. But please jisoo don't ever tell your father and sister. Please anak?!" pakikiusap ko sa kanya habang ako'y lumuluha na. Si jisoo ay lumuluha na din kaya agad ko syang niyakap.

"Mom, bakit?? Bakit ganun? Bakit ikaw pa mom?! Mom, magpapagamot kapa! May chance kapa wag ka mawalan ng pag-asa. We can't afford to lose you mom." panay ang kanyang hikbi kaya hinahagod ko ang kanyang likuran.

"Shhhh anak wag na umiyak. Okay lang si mommy okay baby? Don't worry i'm not giving up too. Gusto kopa makita mga apo ko sa inyo ni jennie eh. Anak siguro pagsubok lang ito sa family natin. Sabi nga walang perpekto sa mundo. Oo mayaman tayo at makapangyarihan pero hindi tayo makakatakas sa pagsubok. Be strong anak. Malalagpasan din natin. Basta promise me na ilihim natin ito sa dad mo at kay jennie okay? I love you anak." pagpapatahan ko sa kanya.

"Masyado kong mahal ang aking pamilya. Si jiyong, jisoo at jennie ang buhay ko. Kahit anong pagsubok ay kakayanin ko basta magkakasama kami. Hindi ko kakayanin kung may makakasira sa pamilyang aking iniingatan."

-------------
A/N:
Isang malaking dagok ito para sa family nila jennie. Ano kaya ang kanyang mararamdaman na sunod-sunod ang mabibigat na pangyayari sa kanyang buhay? Hays.
Please vote and comment.

Till I Met You AgainWhere stories live. Discover now