WEDDING DAY?

2.6K 118 15
                                    


JENNIE POV.

Ang gabing iyon ang tumuldok sa pagmamahalan namin ni Lisa. It hurts me so much dahil sa pangalawang pagkakataon ay iniwan na naman nya ako. Sobrang sakit na tila galit sa amin ang tadhana. Gustong-gusto ko man syang habulin ngunit hindi ko nagawa. Hindi ko nagawa dahil naisip ko si mommy at ang kahilingan nya.

Well, naging successful naman ang event dahil na rin sa laki ng naiambag ni Lisa. Sa ngayon naka on-leave muna siya for a month sa trabaho. Wala syang paramdam sakin. Maski tawagan o itext ko. Maybe she's just healing herself. I miss her so much actually.

~~~

Matapos ang wedding nila unnie, dito na sa amin nagstay si rosé. Postponed muna ang honeymoon nila and paglipat ng bahay kasi we need to be always near with mom. She needs us now more than ever.

Salitan kami sa pag-aalaga kay mom. Pero madalas silang tatlo lang nila mino dahil busy pa ako sa kumpanya sa ngayon. Isa pa nalalapit na din ang kasal ko, halos wala nang isang buwan. Hanga ako kay mino dahil kahit anong busy nya bilang personal doctor ni mom ay nakukuha nya pa ring asikasuhin ang lahat para sa kasal. Hindi ko man lang sya nasamahan sa kahit ano.

--------

"Jen, kamusta ka? I mean yang puso mo. Masyado kang nagiging abala ngayon. Tapos ito, sa susunod kasal mo na." pag-uusisa ni IU.

Nandito kami ngayon sa office ko, katatapos lang ng meeting with the investors kanina kung saan kasama ko sya. We're having some tea right now.

"Ahmm to be honest hindi ko alam eh. I don't know what i'm feeling anymore. My heart keeps yearning for lisa. But i need to mary mino.
I guess i'll be forever living in a dungeon." malungkot na sabi ko.

Natigilan naman si IU at hinawakan ang kamay ko.

"You know what jen.. bilang mga ate mo masakit sa amin na nakikita kang nagkakaganyan. Alam namin ni unnie na si lisa talaga ang mahal mo. Pero dahil kay mama chaerin kaya mo ito ginagawa lahat. Napakabuti mong anak. Pero huwag mo din sanang kalimutan na buhay mo yan. At buong buhay mo ang nakataya dito. But yun nga, nasa sayo pa din talaga ang desisyon. Hindi kami pwedeng magdikta. Jen, it's either being a good daughter and being happy with lisa. Alam ko hirap na hirap na ang kalooban mo. But remember, nasa likod mo lang kami lagi ni unnie." paglalahad pa nya.

Sa mga sinabi ni IU napaisip ako. Oo nga buong buhay ko ang nakasalalay dito. At nasa akin kung ano ang pipiliin ko. Ngunit hindi basta basta eh. Gaya ng sabi ko ayaw kong palungkutin si mom.

------------

-FASTFORWARD/ DAY BEFORE THE WEDDING-

At ito na yun. Ito na ang huling araw ko as Jennie Kim. Bukas ako na si Jennie Kim Song. Pero bakit ganon, wala akong nararamdamang kahit anong pagkasabik. Sa halip ay kaba, alinlangan at lungkot ang nadarama ko ngayon.

"I need Lisa.
I miss Lisa."

Iyan ang kasalukuyan kong pakiramdam ngayon.

Lahat ay sobrang abala na para bukas. Mula dito sa bahay, sa simbahan at sa reception. Gusto kasi nila dad na engrande ito. Nakikita ko rin ang pagka excite sa mukha ni mom. Lahat sila masaya, ako lang ang hindi.

~~~

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nako nagpasabi pa sa kanila dahil ayaw kong maantala. Gusto kong sulitin ang araw na ito na mag-isa.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at umalis din paglaon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang maging malaya ngayon.

Dito ako unang dinala ng mga paa ko sa bahay nila nanay nena. Ngayon ko nalang uli sila nadalaw. Maging si lisa man ay hindi pa sila nakikita. Hindi ko pa pala kasi nabanggit sa kanya na inilipat kona sila ng bahay.

Till I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon