CHAPTER 2

22 3 2
                                    

A's Note: Medyo maigsi ito pero babawi na lang ako next chap. XXX

"Drown."

I felt my whole body was soaking in water. Dumilat ako at nakitang nasa ilalim nga ako ng tubig!

How did I get here?

I tried to look around but found no one i  the dark waters. I felt my need for air that's why I swam my way up but I can't reach the surface.

Nauubusan na ako ng hangin pero wala akong mahanap na pwedeng pagkuhanan. It was like a black hole and there's no end.

Nakakalunok na ako ng tubig but I really can't find any air openings.

'Help me!'

Napabalikwas ako nang bangon.

"Panaginip lang pala." I whispered. Akala ko totoo na. Akala ko mamatay na ako.

Habol ko ang hininga ko na parang galing talaga ako sa tubig at muntik nang malunod. This is Ninna's fault, kung anu-ano kasing pinagsasasabi kahapon.

I look around my room and my eyes stopped on my clock and it says 7:36 am.

7:36 pa lang pala.

Teka, alas syete i'medya na!

Dali-dali akong bumangon at hindi ko alam ang uunahin ko. So I quickly took my phone and decided to message Manong Ireneo. Grabe nakakahiya. Alas singko ang usapan namin pero mag-aalas otso na! At hindi pa ako nakagayak!

When I took my phone, I found 10 messages from Manong Ireneo and he's asking kung tuloy pa ba ang travel namin.

To: Manong Ireneo

Manong pasensya na po, medyo late po ako nagising pero tuloy po tayo.

I texted him the details, time and such before I decided to take a bath. I went to the kitchen first to pour some water to an instant noodles for my breakfast later after my bath.

I wore a simple sleeveless beige collared blouse tied in the middle of my waist and a high-waist white pants paired with a black sneakers. Nagsuot na rin ako ng face mask and white cap.

"This is it!" I said to myself as I fix my travel bag. Dala ang DSLR, ilang damit, laptop, wifi at ilan pang mahahalagang necessities ay dumiretso ako sa sasakyang naghihintay sa akin sa labas.

Nag-sorry ako kay Manong dahil sa pag-aantay niya but he's kind to let it pass. He even said that I can call him Manong Ireng na lang so I did.

The company provided a private vehicle for me. It was a white mini-van with the company's logo on its side. Ihahatid lang ako nito sa isang private beach resort sa Baler sa Diguisit na pag-aari rin ng bigboss also known as the CEO.

The whole travel was exhausting and long. Ramdam ko ang init sa labas dahil sa sikat ng araw pero malamig naman sa loob ng van na sinasakyan ko dahil sa aircon.

I took pictures on the way.

Took a photo inside the van, the highway, the greenfields we passed by and many more breathtaking scenes. Sa sobrang daming magaganda ay gusto ko na lang hilingin na sana nakakakuha rin ng larawan ang aking mga mata.

The travel to the provinces was very different compared to Manila.

Ang ruta kasi namin ay dadaan pa ng Nueva Ecija para makarating sa Aurora. Nang makarating kami ng Cabanatuan ay marami akong nakitang estudyanteng nag-aabang ng masasakyan sa gilid ng highway. Iba-iba ang uniporme ng mga ito, ngunit may mga magkakaparehas din.

Hula ko ay mga estudyante itong nag-aaral sa kolehiyo.

"Manong Ireng, mga ilang oras pa ho byahe natin?" Tanong ko sa driver. Lumingon lang ito saglit sa akin bago itinuon muli ang paningin sa daanan.

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now