CHAPTER 13

8 2 11
                                    

"Are you sure that you'll be fine?" Azela asked me.

I smiled at her. "Oo nga. Go, enjoy your honeymoon!" I urge her. She's still hesitant to leave me here.

"Sigurado ka ba?"

"Oo nga, kulit!"

Aalis na kasi sila ni Mazi para ituloy ang honeymoon journey nila. It was actually just a coincidence na napadpad sila dito sa Aurora during my time of need for a doctor like Mazi. May contact daw sila ni Matiaz kaya naman agad akong naasikaso ng kapatid niya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Mazi. Kung hindi siguro sila dumating ay malamang napabalik na ako sa Manila at sapilitang tumigil sa trabaho.

I felt something in my chest when I thought about leaving this place. It's like I've grown to love this province that I feel like a part of me will die once I leave this place for good.

Alam ko namang aalis din ako sa lugar na ito kapag natapos ko na ang trabaho ko pero hindi ko maiwasang malungkot sa isiping iyon.

"Take care always Aurie ha? Alam ko namang hindi ko na 'to dapat sabihin because I know someone will really take care of you." Azela winked at me bago pasimpleng inginuso si Matiaz sa likuran ko. Inirapan ko nga, nang-aasar na naman kasi e.

Akmang mang-aasar pa sana ito kaso nanigas na naman siya sa kinatatayuan niya nang may yumapos sa maliit na bewang niya. Sino pa ba? Edi 'yung asawa niyang malakas din mang-alaska.

"Woy Mazi," I called. Napalingon naman ito sa akin na may nagtatanong na mga mata. ",ingatan mo si Azela ha? Sasakalin kita kapag may masamang nangyari sa kanya." Pagbabanta ko pa.

Natawa naman siya bago ibinaling muli ang paningin sa asawa.

"Don't worry, wala akong planong ipahamak ang magiging ina ng mga anak ko." Seryosong wika nito habang seryoso ring nakatitig sa noo'y nanlalaking mga mata ni Azela. Nakakainggit tuloy ang eksena sa harapan ko. Napaka-sweet naman kasi ni Mazi e.

"Sana all talaga ano?" I playfully rolled my eyes.

"Sana all ano?" Azela asked finally recovered from Mazi's sweetness.

"Mag-asawa at may planong bumuo ng pamilya" I dreamily said. Napaisip tuloy ako bigla ng isang senaryo kung saan nakikita ko ang sarili ko bilang ina. Oh how lovely! Hinding-hindi ko hahayaang maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko.

Ayoko siyang lumaking walang pagmamahal na galing sa ina, ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal at pag-aaruga na higit pa sa kahit na anong bagay sa mundo.

I smiled at that thought but quickly changed into shock expression when Mazi intervened my thoughts.

"Asawa lang pala e, Matiaz bro, asawahin mo nga."

What the hell?

Agad na umakyat sa mukha ang lahat na ata ng dugo ko dahil sa sobrang pula. Si Mazi naman kasi kung anu-anong sinasabi! Anlaswa pa nang salitang ginamit niya!

Asawahin? What the fudge? Gah!

"Kasal na kaya kami." Isa pa 'tong lalaking ito. Nakuha ring mang-asar!

"Kasal ka diyan!" Singhal ko.

Naalala ko tuloy 'yung fake marriage namin sa simbahan malapit sa ancestral house ni Aurora Quezon. Gah! Sobrang kahihiyan kaya iyon.

Tapos, tapos, ah! Kinagat niya pa daliri ko! Singsing ko daw dahil wala akong engagement ring! Mabuti na nga lang at may provided na fake rings doon e kaya hindi ko na kailangang kagatin din ang daliri niya para magkasingsing siya! Not that I wanted to...make subo his finger. Kadiri kaya!

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now