CHAPTER 3

22 3 6
                                    

Nakakahiya!

Kung anu-anong katangahan ang ipinakita ko kagabi. Kapag naaalala ko ay mas lalo lang akong tinutubuan ng kahihiyan sa katawan.

Sinasabi ko na nga ba't masama ang kutob ko sa trip na ito eh. Ito nga't kahihiyan agad ang inabot ko!

"Nakakainis!" Sigaw ko at tinabunan ng unan ang buong mukha ko.

Unang araw ko pa lang dito at kahihiyan agad ang inabot ko. Ano pa bang kamalasan ang darating sa akin?

Hay, buhay!

Parang lahat ng plano ko para sa trip na 'to ay nawala. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.

Pabalang akong humilata sa kama at ini-spread pa ang mga kamay.

I was still pouting when someone knocked on my door.

"Who could that be?" As far as I'm concerned, this is a room, inside a suite, kung saan sa pagkakaalam ko ay ako lang naman ang tao.

Hindi kaya?

Dali-dali akong naghanap sa maleta ko ng pwedeng armas. I quickly rummage my suitcase and saw my baseball bat. Yep, I always carry one whenever I go.

There's one on my car, one under my table in my cubicle and one that I always put in my bag. Kaya lagi akong naka-backpack.

Bitbit ang baseball bat ay dahan-dahan at maingat akong naglakad palapit sa pinto. I slowly turn the doorknob and when I heard the click ay dagli akong tumalon paatras at inihampas ang baseball bat sa harapan habang nakapikit.

"Fuck!" I heard a man's voice.

Dumilat ako at nakita ang bellboy kagabi.

"Oh my gah! Sorry, hindi ko sinasadya!" Agad kong binitawan ang baseball bat at hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki.

Shocks, ano bang ginawa ko? Nakasakit pa ako ng tao!

His face look like he's in so much pain right now. Well, who wouldn't be when some crazy girl hit you with a baseball bat in your face?

Nakapikit pa ito at kagat ang labi na halatang iniinda ang sakit sa kanang parte ng noo nito.

"Sorry talaga, sorry!" Sabi ko at nang makitang hindi pa rin dumidilat ang lalaki habang nakangiwi ay niyakap ko na.

Naramdaman kong nanigas ang kanyang katawan pero hindi ko na iyon pinansin.

Naiiyak na ako ngayon. Sobrang nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko kaya napayakap ako sa kanya.

"Sorry talaga." I said and my voice broke. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Napasinghot ako habang nananatiling nakayakap sa lalaki.

My God, the conscience is killing me!

"I'm really sorry." I weakly said as I hug him and caress his hair. I pulled out from the hug and saw that his eyes are now opened, wide open even.

Napansin kong nagkabukol siya sa parteng natamaan ko. Nagsisinula na rin itong maging purplish.

Still crying, I held his face as I look at his forehead. Paniguradong lalaki pa ang bukol na iyon.

Ang tanga ko naman kasi! Kung anu-anong kagagahan ang ginagawa!

"Sorry talaga. A-ano..gamutin natin, halika." I said held his wrist with both my hands but he didn't move. Sinubukan ko ulit siyang hilahin pero ganoon pa din.

Naramdaman kong siya ang humila sa akin pabalik sa harapan niya.

"Bakit ikaw pa ang umiiyak?" Tanong nito sa akin at nakangisi pa. Oo nga, bakit ako ang umiiyak eh siya itong natamaan ng baseball bat sa mukha?

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now