CHAPTER 5

18 2 11
                                    

I was silent during the dinner.

Hindi rin siya umiimik at tahimik na kumakain pero halata pa rin ang multo ng ngisi sa kanyag bibig.

Sa kakatitig ko nga ay napansin ko ang mantsa ng sauce ng kinakain niyang sweet and sour fish fillet sa ibaba ng labi niya malapit sa baba.

"Hoy." I called. Napatigil naman siya sa pagsubo at tumingin sa akin.

I put my forefinger on the lower part of my lips gesturing the sauce on his lower lip.

His forehead creased upon my gesture. Slow naman.

"You want me to kiss you?" He said innocently pero agad namula ang pisngi ko dahil doon.

I would love to! Joke!

"Hindi ah! May sauce ka sa labi. Anong kiss sinasabi mo diyan?" Tuluy-tuloy ang pagkakasabi ko kaya naman nagtunog defensive na naman ako.

Napangisi siya at inilibot ang dila niya, hinahanap ang sauce pero hindi niya ito makuha. He did it again and I didn't know what happened but I suddenly felt hot and something is crunching in my belly.

Napakagat ako sa sarili kong bibig habang nakatitig pa rin sa kanya. I looked up at his eyes and they reflect the same intense emotion with mine.

I diverted my gaze because I can't take his eyes and it fell on his parted lips. Gah! Stop it Aurie! Naglulumandi na naman!

Naiinis na ako dahil hindi naman na niya kasi matanggal-tanggal ang sauce sa bibig. Sinasadya niya atang akitin ako eh!

I mean, hindi naman sa naaakit ako pero, parang gano'n na nga.

"Ako na nga!" I said and was about to grab tissue when he spoke.

"Didilaan mo rin?" He asked bluntly. Oh my gah. I never knew him this blunt.

I breathed hard. Paniguradong inaasar ka lang niyan Aurie, 'wag kang papadala.

"Of course not!" I said at inis na kumuha ng tissue. I leaned forward and grabbed his chin and slowly wipe the sauce under his lips.

Naramdaman ko ang paninigas niya sa upuan habang nanlalaki ang matang nakatingin ng diretso at biglang iniwas ito.

His ears turned read as he bit his lips. Nagtaka naman ako sa inasal niya.

"What?" I asked still holding his chin. Hindi naman ito makatingin sa akin pero gumalaw ang kamay at hinawakan ang laylayan ng suot kong sando sa bandang dibdib ko at itinaas iyon.

Gahd! Kita na pala cleavage ko!

Isinumpa ba ako ha? Bakit puro kahihiyan na lang ang nangyayari sa buhay ko?

Agad akong namula at dali-daling umayos ng upo. Siya rin ay nakatindig ng diretso at hindi man lang gumagalaw habang ang paningin ay nasa plato pa rin.

Awkwardness filled us both bago ako nagpasyang ipagpatuloy ang pagkain kahit halos hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

I took my water and was drinking on it when he spoke.

"Are you trying to seduce me?" Fudge!

Muntik ko nang maibuga ang tubig ko pero napigilan ko iyon nang takpan ko ito. Iyon nga lang at mukhang sa ilong ko lumabas ang tubig. Ansakit sa ilong!

God, why is this happening to me?

NAGISING ako sa alarm clock bandang alas tres ng umaga.

I called Ninna at naghihikab pa ito nang sumagot. I decided to tell her what happened to me.

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now