CHAPTER 15

9 1 2
                                    

"There you are."

I closed my eyes waiting for my end but nothing came. Nervously, I tried to peek under my lashes and saw the other door of the cabinet opened.

Nasa kabilang side ako ng aparador kaya hindi ako nakikita kahit buksan ang isang pinto. Hindi ko lubos makita ang mukha ng lalaki pero lumakas ang tibok ng puso ko nang pumasok ang isang kamay nito sa loob ng aparador. My whole body is trembling while my eyes stung trying to fight my tears back.

Pinagpapawisan na rin ako ng malamig habang tila may umaapaw na mainit mula sa sikmura ko papunta sa daluyan ng hininga ko.

Nanlalamig na rin ang aking mga kamay na sumasabay sa panginginig.

Dahan-dahan ang pagpasok ng kamay sa loob ng cabinet na animo'y may pilit inaabot hanggang sa dumako ito sa isang kahon na nakapatong sa ibabang bahagi ng mga lupon ng damit. Malapit na ito sa akin kaya naman mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa gilid ngunit mali yata ang ginawa ko dahil gumalaw ang mga damit na naka-hanger.

Matiaz, nasaan ka na ba?

Nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahang binubuksan ng lalaki ang kabilang pinto kung saan naroon ako.

Dumoble ang kaba sa aking dibdib nang matanggal na ang lock ng pinto at kaunti na lang ay makikita na niya ako rito. Halos hindi na ako makahinga dahil sumisikip ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Katapusan ko na ba?

Just when I thought it was over for me, I heard series of loud footsteps coming here. Napatigil rin sa pagbukas ang lalaki sa pinto kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

I know he's here, Matiaz is here. And he's coming to save me.

Tila hindi mapakali ang lalaki at nabitawan ang kahon na kinuha kanina kaya naman tumapon ang mga tila papel na laman nito.

Natahimik sandali ang paligid at wala akong nararamdaman ni katiting na paggalaw man lang. Hindi ko alam kung tumakbo na ba ang magnanakaw o narito lang siya nagtatago.

Thinking how I lose the presence of the thief made me even more nervous at hindi ko na napigilan ang hikbi ko kaya tinakpan ko nang maigi ang bibig ko habang masaganang dumadaloy ang aking mga luha at siguro pati sipon na na mas lalong nagpahirap sa aking huminga..

I heard the doorknob of the door being turned, kasabay ng mga yabag patungo muli sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may mabigat na sumandal sa pintuan ng aparador na kinalalagyan ko.

Napaigik ako nang hampasin ito ng lalaki.

"We'll meet again, sister." The guy said before I heard a faint running steps bago bumukas ng tuluyan ang pinto ng kwarto.

"Aurie!"

A familiar voice called but my mind was occupied with the thief's last words.

Sister.

He called me sister.

Is he one of my siblings? But I don't have a brother dahil puros mga babae halos ang mga kapatid ko kay Papa except my little brother who died before together with Tita Andra, Papa's legitimate wife.

Kung hindi ko siya kapatid kay Papa, does it mean I have another sibling on my mother?

Oh my gah....

But that's just impossible! I mean, Auntie never told me about it. Or even Papa. Or maybe, he's in my memories? My lost memories.

But moreover why is he here, is he after me, is he really a thief? Or is he even my real brother? Ganoon na ba modus ng mga magnanakaw ngayon?

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now