CHAPTER 7

11 2 10
                                    

"Hayop ka Aurie napakalandi mo!"

"Kunwari ka pang ayaw sa gwapo, ikinasal ka na pala diyan!"

"Congratulations." Azela said with a smile while the two other girls snickered.

We're on a video call again and these three are really my peace of mind. Matapos kasi ang kasalang nangyari, kahit ba isa lamang iyong katuwaang programa, pakiramdam ko totoo.

Gulung-gulo na utak ko pati puso ko na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok.

Nakakainis naman kasi.

Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako, hindi dahil hinalikan niya ako, kun'di dahil hinalikan niya nga ako, sa noo naman.

Ano ako lola niya? Buwisit.

Masisisi niyo ba ako? Hindi sa naglulumandi ako, it's just that, wala pa 'kong first kiss at sobrang pagkapahiya na sa sarili ko iyon dahil pangalawang beses na ako nag-assume na hahalikan niya ako.

The first one was when I first arrived here, sa suite, remember? Tapos kahapon.

Nakakairita.

"Scam 'yang si Aurie e, kunwari pang bakit ko naman papakasalan si Matiaz? Tapos ngayon, kasal na pala sila? Tang—"

"Peke nga!" Hindi ko na pinatapos si Ninna dahil paniguradong magmumura na naman siya.

The kasalang bayan was actually just a fund-raising activity for the Church's charity fund for abandoned children. It was just a program conducted. Nagulat nga ako nang magregister kami dahil may bayad pala.

"Ah so gusto mo totoo?" Sabi ni Ninna.

"Yiie, Aurie ah. Malandi ka!" Hana said and followed it with a hearty laugh. Ang tahimik na si Azela ay nakitawa na rin.

Napabuntung-hininga na lang ako sa pang-aasar nila.

"Alam niyo 'yung salitang epal? Kayo 'yun eh." I said sarcastically but they just grinned at me in return.

"Alam mo yung salitang malandi?" Ninna asked and chewed on her lollipop.

Hana followed. "Ikaw 'yun Aurie eh hahaha!"

And they all laughed like there's no tomorrow, well except for Azela who's chuckling and smiling silently. Sila Ninna at Hana lang ang sagad makatawa, nagugulo na pati ang view sa camera nila.

Mga buwisit talaga. I rolled my eyes in return.

"Buti pa si Zel tahimik." I scoffed. Umayos naman bigla ang camera nang dalawa.

"Eh isa ring malandi 'yan e!" Sabi ni Ninna.

"Oo nga. Palibhasa may mga lovelife kayo." Hana pouted after.

"Crush life lang ako noh!" I defended.

But Ninna was quick to disagree. "Ulol ka Aurora Marie. May crush bang kasal agad sa simbahan? Ako nga'y tigil-tigilan mong gaga ka! Muntik ka na ngang malunod diyan!"

Oh no she didn't.

"What?"

"You almost drowned?"

At syempre mag-uusisa ang dalawa. Hindi ko na nga sinabi sa kanila eh, ito namang si Ninna napaka-tsismosa.

I sighed as I listen to Ninna's story.

"Aba oo! At alam niyo ba sino nagligtas diyan sa tangang bruhang 'yan?" Ninna asked. Talagang nilait pa ako eh 'no? Napakabuting kaibigan talaga.

"Sino/Who?" Halos sabay naman na tanong ng dalawa.

The Depths Of AuroraTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang