CHAPTER 14

7 1 4
                                    

"Bruha talaga si Flora! Argh-"

Ninna called me to rant. After the shrimp eating incident, we separated our ways because someone called Matiaz and I went straight to my, I mean, Azela's former room. Kwarto daw talaga nilang dalawa sana iyon ni Mazi but he decided to stay at Matiaz's room para kaming dalawa ni Azela ang magtabi.

'Di kagaya ng kwarto ni Matiaz, walang masyadong laman ang kwarto ni Mazi. Being separated since they were kids kind of explain why.

"Inano ka na naman ni Flora tanda?" I asked.

I heard her sigh. "She wants to send me to Pampanga tomorrow!" Nakarinig ako ng nagdadabog na paa. "Nakakainis!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ang matandang iyon talaga, trip na trip kaming magkaibigan e. Kapag wala ako doon, si Ninna ang pinagbubuntunan niya.

"Oh ayaw mo 'yon? Mas madami kang oras para diyan sa article mo!"

She grunted. "Hindi naman iyon ang nirereklamo ko."

"Eh ano?" I chuckled.

"Hindi ako prepared!" Doon na ako tuluyang natawa. Ninna and her caprices. "Ni hindi man lang ako nakapagpa-manicure tapos pedicure, spa, salon and even facial! Paano kung makahanap ako ng pogi doon sa Pampanga? Edi hindi ako pinansin kasi ampanget ko 'di ba?"

"Hindi ka naman panget a?" I finished combing my hair, kakatapos ko lang kasing maligo.

"Duh I know right? Mas maraming mukhang putang bisugo sa akin."

Natawa ako sa term na ginamit niya. "Oh eh ano kinababahala mo?" I walked towards the bed and lazily laid on it with my arms wide open. Naka-bluetooth earphones naman ako e.

"Ah basta stressed ako!"

I chuckled. "Bruha ka talaga, akala ko ba ayaw mo sa lalaki?" I asked and she fell silent. Mukhang napaisip ang bruha.

"Right. Tama ka naman."

"See?"

"Pero it doesn't mean na hindi na ako pwedeng lumandi! Ayoko lang sa commitment ano!" Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya. "Mga manloloko at gago. Mga hindi marunong tumupad sa pangako!"

"Oh easy ka lang girl! Puso mo." I said.

"Tse! Pasalamat ka't may kalandian ka riyan na gwapo at yummy!"

"Hoy!" Singhal ko. "Kalandian pinagsasasabi mo?" Wala naman ako kalandian dito eh! Hindi ko naman nilalandi si Matiaz ah?

"Kelendian penagshashashabi me?" She mocked. "Gaga! 'Wag ka na magdeny malandi ka rin naman."

"Hoy napaka mo talaga. Hindi ako malandi 'no!"

"Oh sige ganito na lang. Pupunta ako riyan, tapos lalandiin ko Sisid Matiaz mo, ayos ba?" Tumalim agad ang tingin ko sa kisame na para bang naroon si Ninna at siya ang tinititigan ko.

"Subukan mo lang." I threatened her.

"Bakit? Ano gagawin mo?" There was a hint of threat in her voice too. Nangungutya ang tono.

"Lulunurin kita sa dagat ng Aurora." I said coldly.

She laughed hard. "Malanding 'to. Papatayin mo pa ako?"

Napamulagat ako nang mapagtanto ang sinabi ko. "Hala joke lang. Ikaw kasi e."

"Ulol. Lunod ka na talaga, bruha ka."

"'Di a. Crush ko lang 'no."

"Utot mo crush. Eh handa ka ngang lunurin ako para lang diyan sa maninisid mo!"

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now