CHAPTER 9

18 2 8
                                    

Ilang lakad pa ang ginawa namin bago kami nakarating sa isang maliit pero magarang kubo. Mabuti na lang at nakatalikod sila sa akin kanina kaya hindi nila napansin na nadapa ako sa lupa.

Kahihiyan na naman iyon kung sakali.

"Woah."

Namangha ako sa itsura ng bahay pero mas nakakamangha sa loob. It was like an old house because of the antique furnitures and displays.

Mukha siyang maliit sa labas pero spacious pala sa loob.

May kakaibang pakiramdam sa akin na para bang nakarating na ako rito? Para bang lahat ng nasa loob ng bahay na ito ay sobrang pamilyar.

"You like it?" Ninang Fely asked. I'm still a bit hesitant to call her that at first but I thought that it would be disrespectful if I won't.

"Very much po 'Nang."

Naramdaman ko na naman siyang nagulat sa sinabi ko. Nakakagulat ba talaga ako? Did I say something wrong? Again? Dapat ba nilait ko?

"May mali po ba sa sinabi ko?" Hindi ko napigilang magtanong.

"W-wala naman iha. May naalala lang ako."

She said and continued walking towards the kitchen.

Namangha na naman ako sa kusina at hindi ko napigilang kuhanan ito ng litrato. Ang mga kalan at mga pinaglulutuan ay gawa sa clay. Mayroon pang tubigan na gawa rin sa clay!

It was so nice and neat. Somehow the feeling here was nostalgic. It's very comforting and light. It was a feeling of solace.

Magaan sa pakiramdam at parang lahat ng problema ko ay nawala.

"May magic po ba 'tong bahay niyo?" Namamanghang tanong ko.

Ninang Fely laughed. "Wala naman iha. Pero may kwento itong bahay na 'to."

She said and I became curious of the story. May namatay ba dito? May multo? Shocks.

I was still wondering when Ninang Fely laughed again.

"Walang multo rito iha kung iyon ang iniisip mo. It was a love story actually."

Napahinga ako ng maluwag.

"Love story niyo po?"

"No iha, but it was a story of a girl with the same name as yours. They are the ones who built this house."

"Aurie?" Tanong ko but she smiled.

"Aurora."

"Can I hear it po?" I said with pleasing eyes.

She smiled again. "Aurora is a beautiful girl. She was so kind to everyone, kahit hindi niya kilala nginingitian niya."

When she started talking, I kept my mouth shut.

"Pero may isang taong hindi niya kayang bigyan ng kabaitan. Isang binatang sobrang lakas mang-alaska at lagi siyang inaasar sa tuwing makikita."

Naalala ko tuloy si Matiaz sa ugali nito. Napakalakas mang-asar e.

"Parang si Matiaz po pala." I thought.

"Hmm, tama ka nga riyan. Dahil ang pangalan niya ay halos katunog rin ng Matiaz, ang pangalan ng lalaking malakas mang-asar ay Matyas."

Hindi na ako umimik at hinayaan na lang ulit magkwento si Ninang Fely. Saktong-sakto eh.

"Medyo may kalayuan ang bahay ni Matyas kila Aurora pero nilalakad iyon ng binata para lang maasar ang dalaga.

The Depths Of AuroraWhere stories live. Discover now