8

16.1K 499 2
                                    

Bagaman malakas pa rin ang ihip ng hangin ay banayad na ang ulan nang iparada ni Luke ang sasakyan sa harap ng dalawang palapag na bahay.

Si Roseanne ay nagbukas ng bintana ng sasakyan at inaninag sa kadiliman ang lumang bahay ng abuelo. Ang tanging liwanag na tumatanglaw sa paligid ay ang headlights ng four-wheel drive.

Madilim ang buong kabahayan. "Bakit hindi man lang nag-iwan kahit na isang bukas na ilaw si Manong Ponso?" she asked in a puzzled tone, more to herself.

Magkasunod na busina ang ginawa ni Luke at naghintay na may magbukas ng ilaw subalit nanatiling madilim ang buong kabahayan.

"Natitiyak mo bang nasa loob ng bahay ang Manong Ponso na sinasabi mo?" ani Luke at muling bumusina. "Kung may tao riyan ay tiyak na nagising na iyon sa busina ko."

"I-imposible iyon." Gayunma'y nasa tinig nito ang pag-aalinlangan. "Si Manong Ponso ang katiwala sa bahay na iyan. Nang mamatay si Lolo at ang mga magulang ko ay siya na ang tumatao. Ang maintenance ng farm at ng bahay at ang suweldo niya ay sa pamamagitan ng manager..." Louise saw to it. Sa nakalipas na dalawang taong mahigit, sa pagkakaalam niya ay umuuwi minsan sa isang taon ang tiyahin sa Santa Clarita.

Luke sighed patiently. He was tired and wet. At kumikirot ang likod niya. A bed, any bed was most welcome. Pero hindi niya basta maibaba ang mag-ina sa lugar na iyon at umalis. He was one hundred percent sure na walang tao ang bahay.

"Maraming posibilidad kung bakit wala ang Manong Ponso na sinasabi mo," aniya, binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. "Maaaring nasa kamag-anak o sa kaibigan." Tinungo niya ang covered portico at lumakad patungo sa malaking pinto. Sunod-sunod na malalakas na katok ang ginawa. Pagkatapos ay nilingon si Roseanne na bumababa ng sasakyan. "That knock could have waken the dead, Ma'am," he mocked as he walked back towards the vehicle. "Walang tao ang bahay na ito."

Hindi makuhang magsalita ni Roseanne. At nakita ni Luke ang panlulumo, pagod at kung ano-ano pang emosyon sa magandang mukha nito. Muli ay nagpakawala siya ng buntong-hininga. Hindi ito nagpaabisong darating. Natural lamang ang posibilidad na wala itong daratnan.

"At kung hindi ako nagkakamali, wala ka ring susi sa bahay na iyan?" He couldn't keep the sarcasm in his voice.

Hindi pinansin ni Roseanne ang sinabi niya at sa halip ay lumakad patungo sa pinto at sinubukang pihitin ang doorknob subalit ni hindi iyon matinag. Nilinga nito ang madilim na kapaligiran. Walang maririnig kundi ang malakas na ihip ng hangin at ang marahas na paghampas ng mga alon sa baybayin. Ang dagat ay limampung metro ang layo mula sa lumang bahay na iyon.

Forlorn, Roseanne turned to look at him. "Y-you're right, I don't have a key in this house. Hindi ko inaasahang hindi daratnan si Manong Ponso."

Luke muttered something she failed to catch.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon