9

16.2K 471 4
                                    

NATITIYAK ni Roseanne na nagmura ito. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Gusto niyang magalit dito, but he had the right to be angry. Inabala niya ito. Basa rin ito at marahil ay pagod na ring tiyak. Pagkatapos heto at wala naman pala ang taong inaasahan niyang dadatnan.

"T-there's no need to be angry. I am sorry, if we have bothered you like this. I-ibababa ko si Andre at ang mga gamit namin at... at..." Huminto siya sa pagsasalita dahil mapapabulalas lamang siya ng iyak.

Cold, hunger and fatigue made her maudlin. Humakbang siya patungo sa pickup upang kunin ang bagahe nila.

Bago siya makadalawang hakbang ay nahawakan ni Luke ang braso niya at pinigilan. "I am not angry with you—" Bumaba ang mga mata nito sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Bigla rin siyang binitiwan na tila napaso. Nilingon nito ang bahay, itinaas ang mga kamay at nagbuntong-hininga at saka muling humarap sa kanya.

"So, okay. Nagagalit ako sa iyo. Pero hindi dahil inaabala mo ako. Kundi paano kang nagbiyahe nang walang abiso, nang walang plano? Paano kung ang unang taong nakakita sa inyo kanina sa daan ay may masamang motibo? And granting na hindi ka nasiraan sa daan, ano ang gagawin mo sa saradong bahay na ito? Matutulog sa kotse?" Again, he sighed. "I sound like a broken record."

"No. You sound like a concerned father."

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Then slowly, a grin broke his lips. And Roseanne almost gasped. He really was a very attractive man. Under another circumstances, she would really be fascinated.

Weren't you now? She dismissed the thought as fast as it came.

"A father?" amused na pag-ulit ni Luke. "Thirty-three isn't that ancient—" Bigla itong huminto sa pagsasalita. Iglap na nawala ang ngiti. Mula sa liwanag ng headlights, nakita ni Roseanne ang pagdaan ng kung anong damdamin sa mga mata nito. Hindi niya mabigyan ng pangalan. Was it anger or sadness? Or was it both?

"Yes. I had been a father once." He said it in a merest whisper of breath.

Halos hindi narinig ni Roseanne ang sinabi nito. At bago pa niya mairehistro iyon sa isip ay binuksan ni Luke ang likuran ng pickup, muling ibinalot sa jacket nito si Andre upang huwag mabasa ng ambon. Inilabas ang bata at iniabot sa kanya.

"Hawakan mo ang anak mo at iikot ako sa likod-bahay at baka may bintanang nakabukas na maaari kong pasukin," wika nito. Bumalik sa pormal ang tinig. Inilipat nito sa mga bisig niya ang tulog na tulog pa ring bata.

Nag-iingat si Luke na huwag magising ang bata nang ilipat sa kanya subalit ang hindi nito naingatan ay nang masagi ng palad nito ang puno ng dibdib niya. At bagaman hindi iyon sinasadya ay hindi lang basta sagi ang nangyari.

Napasinghap nang malakas si Roseanne. Tila dinikitan ng baga ang katawan niya. And she could feel her nipples reacting to the touch.

Na-freeze sa pagitan ng mga kamay nilang dalawa si Andre. At nang tumingala siya rito ay nakayuko rin ito sa kanya. Maliban sa pagkabigla ay may iba pang emosyon ang nakita niya sa mukha nito. At hindi niya gustong i-acknowledge iyon.

Si Luke ang unang umiwas ng tingin at mabilis na binitiwan sa mga braso niya si Andre. Nanlalambot ang mga tuhod niya at muntik nang dumausdos sa mga braso niya ang bata kung hindi siya napasandal sa pickup.

Umikot sa likod ng pickup si Luke. Binuksan ang fiberglass na itim na nakatakip sa likod at may kinuha roon. Isang flashlight. Pagkatapos ay lumakad ito patungo sa likod-bahay.

Sinundan niya ito ng nababalisang tingin. Why the sudden sexual awareness? The heat that flowed down from her body to the middle of her thighs was an aching pleasure.

She closed her eyes tightly. Isa lamang iyong hindi sinasadyang pagdaiti ng kamay nito sa gilid ng dibdib niya. Bakit kailangan niyang maapektuhan? Saan galing ang ganoong damdamin? And why to a man who in actuality was a total stranger. Having met him years ago didn't count.She was turning into a nutcase.

Ilang sandali siyang nanatiling nakasandal doon nang mapuna ang kislap ng flashlight sa loob ng kabahayan. Mabilis siyang humakbang patungo sa may pinto. Nakahanap ba ito ng mapapasukan?

Pagkatapos ay narinig niya ang pagbubukas ng barrel bolt. Ilang sandali pa ay binubuksan na nito ang isang bahagi ng dalawang panel na pinto.

"P-paano kang nakapasok?" she asked.

"Hindi naka-lock ang pinto sa kusina. Siguro ay hindi naisara ng sinasabi mong Manong Ponso," walang anumang sabi nito, humakbang palabas at tinungo ang sasakyan. Pinatay nito ang makina at kasabay niyon ay ang pagdilim ng paligid. Ang tumatanglaw na liwanag ay mula sa dala nitong flashlight

Dumeretso ito pabalik sa loob ng kabahayan. Sumunod si Roseanne. Mula sa ilaw sa flashlight ay sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Malaki ang salas na iyon para sa iilang pili at mamahaling muwebles.

Ang lolo niya ay hindi mahilig sa mga kasangkapang hindi naman kailangan. Ang malaking sala ay para ma-accommodate ang mga taong nagtutungo roon araw-araw. Ang bahay na iyon ay karaniwan nang hindi nawawalan ng tao dahil sa katungkulan ng lolo niya bilang alkalde.Now it looked so empty and haunted.

Mula nang mamatay ang lolo at mga magulang niya ay hindi niya kailanman ninais na umuwi rito. Kung hindi sa pagpipilit ni Louise na magbakasyon siya sa Santa Clarita ay hindi siya paparito.

Hindi niya gustong makaalala. Nightmares were more than enough.

"You have to come back to Santa Clarita sooner or later, Roseanne. Hindi mo maaaring pabayaan ang kabuhayang iniwan ng lolo at mga magulang mo. And now is the time to go back there. You must."

Mga papalapit na yabag ng lalaki ang pumukaw sa pag-iisip niya.

"Sinubukan ko ang mga switch ng ilaw, walang gumaganang ilaw kahit na isa. May palagay akong putol ang kuryente sa bahay na ito." Bahagya nitong inilapit ang flashlight upang maaninag siya. "Kaya mo bang kargahin ang anak mo habang naghahanap ako ng kandila na masisindihan? You look like as if you were going to drop any moment."

Inayos niya sa balikat niya si Andre, silently grimacing at the same time. Her shoulders were aching. Luke was right, she was about to drop.

"Maaari akong maupo sa sofa." Nahahapong lumakad siya patungo sa sofa na yari sa narra at may makapal na kutson.

Iniusod niya ang malalaking almohadon sa sofa at naupo. Si Luke ay tinungo ang dakong kusina. Naririnig niya ang pagbukas-sara ng mga drawer at pinto ng mga cabinet at kalansing ng kung ano-anong mga kasangkapan. She welcomed the noise he was making, maririnig niya ito kahit nakapikit ang mga mata niya.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon