14

15.9K 491 12
                                    


Sa bahay ng manager sa farm sa bayan nagpahatid sa tricycle si Roseanne sa halip na puntahan si Andre kina Manang Felipa. Sa hapon na lang niya susunduin ang bata. Hindi siya maaaring maging dependent kay Luke sa lahat ng pagkakataon.

She was attacked, terrorized, but that didn't make her an invalid. And though she was attracted to him, she could not entertain another man in her life now. Lalo na sa isang estranghero. Isa marahil itong matulungin at responsableng tao, higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan. Still, he was a total stranger.

"Itinawag sa akin ni Louise na uuwi ka nga raw, Roseanne," wika ni Nancy Librado, ang manager at namamahala sa pananalapi ng Santillan Farm at kaibigan ng tiyahin. "Kumusta ka na? Kasamang naibalita ni Louise ang tungkol sa nangyari sa iyo..."

Gusto niyang mainis sa tiyahin dahil sa ginawa nito. Subalit hindi rin naman niya masisisi si Louise. Magkababata, magkaescuela at magkaibigang matalik ang dalawa. At pareho nang biyuda bagaman kamakailan lang nawalan ng asawa si Nancy Librado.

"I'm fine, Mrs. Librado, thank you." Itinuon niya ang usapan sa mas gusto niyang malaman. "Ano ho ba ang nangyari kay Manong Ponso at balita ko'y ilang araw nang hindi umuuwi?"

"Hindi ko rin malaman, hija," wika ng manager. Umiling. "Kung hindi ko nga pinapuntahan noong isang araw dahil hindi kinukuha ang suweldo ng mga tao ay hindi ko rin malalaman. Hindi nagpaalam ang matandang iyon sa akin."

"Baka naman ho nasa kamag-anak?"

"Iisa na lang ang kamag-anak ni Ponso, Roseanne, si Robert, ang apo niya sa pamangkin. At nagtatrabaho sa akin ng part-time ang apo niya. Hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang matandang iyon."

Iniba na niya ang usapan. Kung ano man ang paliwanag sa pagkawala ni Manong Ponso ay mala­laman din niya pag-uwi nito. "Magtatagal ho ako sa resort, Mrs. Librado. Kung maaari sana ay gusto kong makita ang pananalapi ng farm sa nakalipas na dalawang taong mahigit. Hindi ko pa ho natitiyak kung pagpapasyahan kong manatili rito sa Santa Clarita."

Ilang segundong hindi agad nagsalita ang manager. Nakita niya ang pagkailang nito. Pagkatapos ay hinayon ng mga mata ang relong nakasabit sa dingding.

"Tuwing ganitong araw ay dumarating ang part-time accountant ko," wika nito at tumikhim. 

"Hindi ko alam kung bakit naatraso ngayon. Pero kung darating ay maipapadala ko sa iyo ang hinihingi mo bukas o sa isang araw."

"Salamat ho." Tumayo na siya. Nagpaalam.

"Ako ang nanghihinayang sa resort, hija," wika nito na biglang sumigla ang tinig at tumayo na rin. "Kung ipagpapatuloy mo ang negosyo ng lolo mo ay natitiyak kong kikita iyon nang malaki. Nagiging tourist spot na ang bahaging ito ng norte."

"Pag-iisipan ko ho. Sa ngayon ay gusto ko na lang munang maging bakasyon ang pagtungo ko rito." Nagpapaalam na siya nang may maalala. "Bakit nga ho pala walang kuryente sa bahay?"

"Tinamaan ng kidlat ang posteng konektado sa resort." Umiling ito, nagsalubong ang mga kilay sa paraang naiirita. "Dapat ay naasikaso na ni Ponso iyon. Hindi ko naman malaman kung bakit hindi man lang nagpapaabiso ang matandang iyon kung saan pupunta. Pero huwag kang mag-alala at ako mismo ang pupunta sa opisina ng kuryente ngayong araw na ito."

Inihatid siya ng manager hanggang sa gate. Siya namang paghinto ng isang owner-jeep at bumaba mula roon ang isang lalaki. He was tall and lanky but undeniably handsome. Marahil ay nasa early thirties ang lalaki. Agad itong ngumiti sa kanila.

"May bisita kayo, Mrs. Librado?" wika nito, tinitigan si Roseanne. May gumuhit na kislap ng paghanga sa mga mata.

"Tamang-tama ang dating mo, Robert," ani Nancy Librado. "Siya si Roseanne Santillan. 

Pansamantala siyang nasa resort at gusto niyang makita ang libro. Si Robert Cabral, Roseanne. Siya ang accountant na sinasabi ko sa iyo."

Isang nakabibighaning ngiti ang muling ibinigay sa kanya ni Robert. "Kumusta ka, Miss Santillan?" Iniabot nito ang kamay at tinanggap naman niya. Nang akma na niyang pakakawalan ang kamay ay mariin nitong pinigilan iyon.

Presko ang lalaki. But his smile was so endearing that she couldn't afford to be rude.

"This may sound cliché," aniya, nakakunot ang noong nakatitig dito, "but have we met?"Tumawa ito, showing perfect large teeth.

"Natural na mamumukhaan mo siya, Roseanne, dahil apo iyan ni Ponso. Diyan nauwi ang lahat ng kinita ng matanda mula sa pamilya ninyo," matabang na sabi ni Nancy Librado.

"Mrs. Librado naman," reklamo ni Robert, good-naturedly. Pagkuwa'y nakangiti pa ring binalingan si Roseanne. "Ang mother ko'y dating sekretarya ng lolo mo, Roseanne. Kung natatandaan mo, halos dalawang buwan kayong nagbabakasyon noon ng mga magulang mo sa resort noong ampunin ako ni Lolo Ponso? Ako iyong batang laging makulit..."

Alanganing ngumiti si Roseanne. Yes, of course. Naalala niya ang sinasabi nitong bakasyon. Iyon ang pinakamatagal nilang bakasyon dito sa Santa Clarita. Her grandfather won the vice mayoral race. She must have been around twelve years old and Robert was fourteen. A year before that, Manong Ponso adopted him. But young girls her age were usually taller than boys. Kaya naman nakapagtatakang tumangkad ito nang husto.

At bago mabuo sa isip niya ang naalalang kapilyuhan nito ay nagsalita si Nancy Librado.

"Gustong makita ni Roseanne ang libro, Robert. Ayusin mo at dalhin mo sa Santillan Farm bukas."

"Yes, Mrs. Librado." Binalingan nito si Roseanne. "Naroon ako bago mag-alas-dies ng umaga, Roseanne. And... welcome back home."

She gave a faint smile. Tumalikod na siya pero nahagip pa niya ng tingin ang kakaibang sulyap na ipinukol ni Nancy Librado sa kanya. She dismissed that.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon