17

15.1K 484 3
                                    

"Gaano na ho ninyo katagal na kilala si Luke, Manang Felipa?" tanong niya sa matandang babae habang kumakain sila. Si Andre ay nasa papag at naglalaro ng miniature heavy equipment. Si Luke ay pinuntahan ang taong itinuro ni Manang Felipa para mag-aalis ng patay na hayop sa malaking bahay.

"Matagal-tagal na rin," sagot ng matanda at sumubo. Makalipas ang ilang sandali ay dinugtungan ang sinasabi. "Una ko siyang nakita nang ipakilala siya sa akin ni Annie."

"S-sino pong Annie?"

"Ang aking anak-anakan," sagot nito kasabay ng pagsilay ng mapait na ngiti. "Palaki at paaral ng mga madre sa kumbento si Annie. Nang makatapos ay natanggap bilang sekretarya sa kompanya ng troso ng mga Montañez. Umuuwi siya rito tuwing Biernes ng hapon. Isang araw ay dinala niya rito si Luke, ipinakilala sa akin. Sinabi niyang magkasintahan sila...

"Binalaan ko si Annie na hindi siya liligaya sa piling ni Luke. Langit at lupa ang agwat nila; na ang mayayaman ay hindi pumapatol sa mahirap. Na lolokohin at pagsasamantalahan lang siya ni Luke tulad ng..." Her voice trailed off. Muling sumubo.

"Sabi ni Annie ay nagkakamali ako," dugtong nito sa sinasabi matapos ang ilang sandali. "Na mabait si Luke at hindi matapobre ang pamilya." Sa pagkakataong iyon ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito. "Tama si Annie. Mabait ang mga Montañez. Pinakasalan siya ni Luke at minahal. Nang ipanganak si LJ ay nakita kong lalo ang kaligayahan sa kanila..."

Huminto sa bahaging iyon ng pagkukuwento ang matandang babae. Nagkalambong ang mukha. Tumayo at dinala ang pinggan sa lababo.

"Nasaan ho sina Annie at LJ ngayon?" She just had to ask. Not anymore. Iyon ang sinabi ni Luke nang tanungin niya kung may asawa na ito. Magkahiwalay ba ito at ang asawa?

Lumingon ang matandang babae. "Hindi ba nasabi ni Luke sa iyo?"

Isang payak na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Ito pa lang ho ang ikaapat na araw mula nang magkakilala kami ni Luke, Manang Felipa. Noong gabing pauwi kami rito sa Santa Clarita ay nasiraan kami ni Andre sa daan at inihatid niya kami sa bahay."

Kumunot ang noo nito. Patunay na walang sinasabi si Luke dito. Pagkatapos ay may interes na gumuhit sa mukha nito at tinitigan siya. Pagkuwa'y itinuon ang paningin sa naglalarong si Andre.

"Kay LJ ang mga laruang iyan. Naiwan dito minsang dumalaw ang mag-anak. Hindi marahil magagalit si Luke kung ibibigay ko sa anak mo ang mga laruan ni LJ." Muli nitong inilipat ang tingin sa kanya. "Limang taon nang patay ang mag-ina ni Luke, Roseanne."

Roseanne was genuinely surprised. Yes. I had been a father once. At nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mukha nito... kasama na ang galit.

What happened? gusto niyang itanong. Pero hindi niya magawa. She had no right to ask. Tulad ng sinabi niya kay Manang Felipa, kailan lang sila nagkakilala. Isa pa, sa nakikita niya sa mukha ng matandang babae, tinapos na nito ang pagkukuwento tungkol sa mag-ina ni Luke.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon