15

16.1K 477 9
                                    

PASADO alas-cinco na ng hapon nang ihinto siya ng tricycle sa tapat ng bahay ni Manang Felipa. Ang tricycle driver mismo ay kilala ito. Maliit lamang ang bayang iyon at halos magkakakilala ang mga tao. Sa gilid ng bahay ay ang four-wheel drive ni Luke.

Isa iyong maliit na single storey house na yari sa kahoy at semiento. Sa harap ay malaking balkonahe na tipikal sa bahay-probinsiya. The house was painted in green but was cracked and dried. Bukas ang pinto at kasabay ng mahinang katok ay sumilip siya sa kabahayan.

Nakita niya si Luke na nakadapa sa isang mahabang sofa na yari sa kawayan. He was naked from the waist up. Ang matandang nakayuko rito ay may ipinapahid sa likod nito na nagmumula sa isang malaking botelya.

"Magandang gabi ho..."

Pagkarinig sa tinig niya ay napalingon si Luke, nagtangkang bumangon subalit itinulak ito ng matanda pabalik sa sofa. "Hindi pa ako tapos," mariing sabi nito. "Tumuloy ka, ineng," anyaya nito sa kanya subalit hindi lumingon.

Nakita ni Roseanne na langis ang ipinapahid nito. Ang kalahati ng bote ay naglalaman ng kung ano-anong ugat ng kahoy.

Luke grinned. A boyish grin that softened his face. "I'm not the boss here. Have a sit." Inginuso nito ang kawayang sofa na pang-isahan. "Manang Felipa, siya ho ang mother ni Andre, si Roseanne."

Si Manang Felipa ay nasa ginagawa ang concentration. May diniinan ang kamay nito sa isang bahagi ng likod ni Luke na napaungol ang huli.

"Ayan, tapos na," wika ng matandang babae. Kinuha ang bimpong nasa tabi at pinunasan ang kamay. "Ingatan mong mabasa. Tinalo mo pa ang batang paslit kung makaungol. Hindi ko maintindihan kung paanong napinsala iyang likod mo." Nilingon nito si Roseanne at nginitian. 


"Ang anak mo'y nasa likod-bahay at nagduduyan."

"Iuuwi ko na ho sana. Salamat ho sa pag-aasikaso ninyo kay Andre." Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang bumangon si Luke, inabot ang polo shirt na nakasabit sa sandalan ng silya at isinuot.

Nang mula sa kung saang bahagi ng bahay ay patakbong lumabas sa sala si Andre. "Mommy..."

She smiled at him. Niyuko at hinagkan sa pisngi. "What have you been doing?"

"Nagduyan," sagot ng bata. "Pinaduyan ako ni Manang Fi... Fipa."

"Say 'thank you' to Manang Felipa, Andre. Uuwi na tayo."

"Ihahatid ko na kayo," ani Luke, ibinubutones ang polo shirt.

"You don't have to," tanggi niya. "May naghihintay na tricycle sa labas."Sa nakikita niya sa mukha ni Luke ay alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya at ang akmang pagsasalita nito ay naunahan ni Manang Felipa.

"Malapit lang naman ang bahay ng mga Santillan, Luke. Huwag mong binatin ang likod mo sa pagmamaneho. Mababale-wala ang ginawa kong paghilot sa iyo." There was a gentle reprimand in her voice.

"Manang Felipa—"

"She's right," putol niya sa sasabihin ni Luke, kasabay ng pagtataka kung ano ang nangyari sa likod nito. "Aalis na ho kami at salamat hong muli."

"Bye, Luke... bye, Manang Fipa..." Kumaway si Andre. Sa dalawang hakbang ay sumabay sa paglabas nila sa balkonahe si Luke.

"Send the tricycle away. I'll take you home," pabulong nitong utos sa mariing tinig.

Kung paiiralin niya ang damdamin ay iyon mismo ang gusto niyang mangyari. But she could see something in his eyes akin to desire. Marahil ay dahil sinabi ni Andre na wala na itong daddy. He concluded her to be a widow, o marahil ay hiwalay sa asawa. Thus, an easy target for any men.

"Kung ano man ang mayroon sa likod mo'y natitiyak kong tama si Manang Felipa." She is a doctor by profession but she has nothing against natural medicine if indeed there was something wrong with his back. "Thanks for everything, Luke. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari kung hindi mo kami naraanan kagabi. Good-bye." Itinaas niya ang kamay na atubiling tinanggap nito. His grip was firm while his eyes intent on her.

Pinakawalan niya ang kamay at inakay na niya si Andre palabas ng bahay at patungo sa naghihintay na tricycle.

Andre waved to him while she forced herself to smile. Sa kaibuturan ng puso ay naroon ang panghihinayang na natapos na roon ang pagkikilala nila ni Luke.

Malayo na ang tricycle pero nanatiling nakatayo roon si Luke.

"Magandang bata," ani Manang Felipa sa likod niya. At alam ni Luke na hindi si Andre ang tinutukoy nito.

Humarap siya at matabang na ngumiti. "May ibig ba kayong sabihin?"Gumuhit ang lungkot sa mukha ng matandang babae. Nagbuntong-hininga ito at naupo sa mahabang bangko na nasa balkon.

"Halos limang taon na mula nang mamatay sina Annie at LJ, Luke. At si Kiel ay nabalitaan kong nag-asawa na ring muli at maligaya. Ikaw man ay ninais ko ring makatagpo ng panibagong pag-ibig..."

Umangat ang mga kilay niya roon. "Bakit ninyo nasabi iyan?"

"Nakita mo si LJ sa katauhan ni Andre. Masuyo at magiliw ka sa batang iyon. At nakita ko rin kung paano mo titigan ang nanay niya... sa kakaibang paraan."

Was his sexual desire for Roseanne that obvious? Gusto niyang mapahiya sa sarili. Hindi na siya teenager para doon. Ang paninikil sa sarili ang nagpangyari upang hindi niya maitago ang pagnanasang nadarama niya.

Huminga siya nang malalim. "Tama kayo. Panahon na marahil para muli kong intindihin ang sarili ko."

"Ikagagalak ko kung maging maligaya kang muli, Luke. Pero sana'y hindi sa isang may asawang tulad ni Roseanne."... sana'y hindi sa isang may asawang tulad ni Roseanne...

He thought of Roseanne's husband. Hindi nito sinagot ang tanong niya tungkol sa asawa nito. But Andre said his daddy's dead. Ano ang ibig nitong sabihin? Totoo ba iyon o isa lamang iyon sa mga sinasabi ng ina sa anak na walang ama?

PALABAS sina Roseanne at Andre ng bahay maaga pa kinabukasan nang pumara sa tapat nila ang jeep ni Robert.

"Hi." He smiled amiably. Bumaba ito ng jeep. "Wrong timing ba ako? Paalis ka?"

"Sa bayan." Kailangan niyang humanap ng tindahan ng baterya para sa kotse niya. "Dala mo na ba ang libro?"

Kinuha nito ang record book sa loob ng jeep at ibinigay sa kanya. Kinuha niya iyon. "Mamaya ko na mapag-aaralan ito." Pumasok siya uli sa loob ng bahay at inilagay sa bureau ang libro at muling lumabas. Ini-lock ang pinto.

"Ihahatid ko na kayo," alok nito.

Ngumiti siya. "Hindi ko tatanggihan ang alok mo. Hindi ko pa magamit ang kotse ko at na-discharge ang baterya."

"Hop in." Niyuko nito si Andre. Binuhat at ipinasok sa likod.

Hindi nagtagal ay nasa labas na sila ng resort patungo sa main road. "I know we've only met," ani Robert. "But you aren't exactly a stranger, Roseanne. Kahit papaano ay magkababata tayo. So I hope you don't mind my asking this. Bakit inako mong alagaan ang anak ng boyfriend mong namatay?" Sinulyapan nito si Andre mula sa rearview mirror.

Nagulat siya roon. "Paano mong nalaman ang tungkol sa—kay Dennis?" kunot-noong nilingon niya ito.

"Nabanggit ni Nancy kahapong manggaling ka sa kanya." He turned to her apologetically. 

"Huwag mo sanang isiping ikinukuwento ka niya sa akin. Ako ang interesadong malaman ang tungkol sa iyo." Napakamot ito sa ulo at alanganing ngumiti.

Ilang sandali muna ang pinaraan niya bago sinagot iyon. "Andre's almost my son, Robert. At walang ibang titingin sa kanya kundi ako. All he had was an old grandmother." At paralisado ito para mag-alaga ng isang musmos. Na lalo nang iginupo ng sakit nang mamatay si Dennis.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. At lalong higit sa boyfriend mo," patuloy ni Robert, sincerity in his voice. "Nawalan ng ama ang bata."

Tumango siya. "Yeah. Me, too."

"Should you need help, Roseanne, any help, narito lang ako."

She smiled. "I'll remember that."

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon