12

15.5K 483 1
                                    

Luke didn't want to wake up. Pero may nagpupumilit sa kanyang gumising. Reluctantly, bahagya siyang nagmulat ng mga mata. Mukha ng bata ang naaaninag niya.

Muli siyang pumikit at ibinaon ang mukha sa unan. "Go back to sleep, LJ. It's early yet."

"My name's Andre not LJ."

It took a while before what the child said sank in. Mabilis siyang tumihaya. The boy was looking at him with a little frown on his forehead.

"You have hairs all over your face?" wika nito.

"Hair all over my—" He groaned. Inihilamos ang mga palad sa mukha. Nadadama ng mga daliri niya ang talim ng tumutubong stubble. Pagkatapos ay itinaas ang braso at tiningnan ang oras sa relo niya. Sampung minuto bago ang alas-singko ng umaga.

Lalo siyang napaungol. Pakiramdam niya ay wala pang treinta minutos mula nang makatulog siya. In fact, he wanted to spend the day sleeping. Pero tila hindi mangyayari iyon.

"What is your name again?" patuloy ng bata, naalala marahil ang pakikipaghunta sa kanya kagabi. "Kaibigan ka ba ni Mommy?"

"Luke. Yes. I am a friend of your mother. Could... could I go back to sleep for a while?" Umaasa siyang tatango ang bata.

"Where's Mommy? I'm hungry..."

He groaned again. I'm sure your mommy's fast asleep and it is so unfair that you should wake me up at this unholy hour.

Take him to his mother and go back to sleep, utos ng kabilang bahagi ng isip niya.

Good idea. Bumangon siya mula sa kama at tumayo. Kinarga ang bata. "Come, I'll take you to your mother."

"I'm hungry," muling ungot ni Andre.

"Your mommy will feed you." Lumabas sila ng silid at lumakad patungo sa kabilang silid. Isang marahang katok ang ginawa niya at naghintay. Nang walang sumagot ay pinihit niya ang pinto upang buksan iyon.

Naroon si Roseanne at himbing na himbing, nakayakap sa isang unan. Ang kumot ay naipon sa paanan nito at nakalilis ang nightdress, showing part of her anatomy that he shouldn't even be seeing at this time of morning.

Damn.

Heat of sexual desire begin to curl inside him. He cursed himself silently. Kung alam lang ng babaeng ito kung ano ang sakripisyong ginawa niya kagabi habang binibihisan niya ito. Little did she know that he was too close to taking advantage of her...

Ganoon na lang ang pagpipigil niyang huwag paglandasin ang kamay sa balat nito; ang pagsisikap niyang ilayo ang mga mata sa dibdib nito. The white lace bra didn't cover much. He hypnotized himself that hers was just another body and it didn't matter.

But it did matter! Hindi siya pinatulog niyon sa loob ng maraming sandali. Something he hadn't feel for a long, long time curled around him like a venomous snake...

"Mommy..."

That turned his attention back to Andre. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito. "Sshh... I think we should let your mother sleep."

"But I'm hungry..."

"Okay. Your milk's downstairs." Muli niyang sinulyapan si Roseanne at banayad na isinarang pabalik ang pinto. He didn't have the heart to wake her up. Kagabi habang binibihisan niya ito, napuna niya ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito. It only showed that she hadn't had much of a sleep. And she had been driving for twelve hours!

Pero kung ibang lalaki ang tumulong sa mag-ina, would she still slept on that man? Pagkatiwalaan din kaya ni Roseanne ang lalaking iyon tulad ng pagtitiwala nito sa kanya?

Suddenly, that made him angry. How could she be so stupidly trusting?

Ano ba ang pakialam mo sa buhay nilang mag-ina? Tinulungan mo na sila, tapos. They're safe now. Wake her up and feed her son and leave...

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon