10

15.9K 493 7
                                    

MULA sa posporong nakita rin niya sa kusina ay sinindihan ni Luke ang isa sa dalawang kandilang nakita niya sa storage cabinet. Lumakad siya patungo sa pinto ng kusina at maingat na isinara ang pinto at ibinaba ang barrel bolt.

He actually picked the lock. Walang kahirap-hirap. But there was no need for Ms. Santillan or whatever her married name was to know about it. Ipinagpapasalamat niyang hindi naka-barrel bolt ang pinto. Marahil ay sa kusina nagdaan ang katiwala ng bahay nang umalis.

Luma na ang bahay na iyon subalit mahuhusay ang mga kahoy na ginamit at solido ang mga barrel bolts maliban sa mga doorknob na de-susi. The windows were huge. The windowpanes were encased in metals and wrought iron bars.

Bumalik siya sa sala. "Nakakita ako ng posporo at—" He stopped in mid-sentence. Bumagal ang paghakbang niya. Sa sofa ay naroon si Roseanne, nakahilig sa malaking almohadon, sa kandungan nito ay si Andre.

Yumuko siya. He planted a soft kiss on her forehead. Nagising si Annie at isang inaantok na ngiti ang ibinigay sa kanya.

"Nakatulog na kami sa paghihintay sa iyo," wika nito.

"I'm sorry, hon," he said guiltily. "Narito sa Maynila si Mayor. Lumuwas kaninang umaga mula sa Capistrano. May importanteng appointment si Kiel kaya ako na ang humarap."

Bahagyang sumimangot si Annie. "Nangako ka kay LJ na panonoorin natin ang Aladdin."

Maingat niyang binuhat mula sa kandungan ng asawa ang anak. Dinampian ng halik ang ibabaw ng ulo. "I'll make it up tomorrow, promise. Maghapon tayo sa labas. And you can go shopping, too. Anything you want to buy."

Umaliwalas ang mukha ni Annie, inabot ang batok niya at dinampian ng halik sa mga labi. "Anything I want... hmm. Then I forgive you." He laughed. "And, Luke, tomorrow, may sorpresa ako saiyo...

"Annie... LJ..." he whispered. His face twisted into an agonized mass.

Sa isang mahabang sandali ay sinikap niyang ibalik sa normal ang paghinga. Pagkatapos ay yumuko siya at maingat na kinuha mula sa kandungan ni Roseanne ang bata. Dinoble ang pag-iingat na huwag madaiti ang kamay niya rito. Ang nangyari kanina ay ikinamangha niya. A mere touch and he was rock-hard. Wala siyang natatandaang napukaw nang ganoon katindi ang pagkalalaki niya sa nakalipas na halos limang taon.

Hindi lang alaala ng mag-ina niya ang pinukaw ni Roseanne.

Years of celibacy made that to a man, katwiran niya.

It's time I start dating again. Pagkatapos ng bakasyong ito, he grimly promised to himself. 

Gumitaw ang anyo ng sekretarya ng boss niya.

Sheila was more of his type. A voluptuous body with breasts men would kill for.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon