Chapter 02

367 149 24
                                    

Inaya kong umalis nang maaga sa unit si Arni kahit na mamayang 10:00 AM pa ang pasok namin. Actually, ako lang ang may kailangang gawin ngayon, pero since sabay kami parati kung pumasok ni Arni, wala siyang choice.

"Hoy, Arni ano ka ba! Bilisan mo namang kumilos!" I shouted.

"Eto na nga nyeta! Ba't ka ba kase nagmamadali? Mamaya pa namang alas'dyis pasok naten! Irita ka ha." Barumbado siyang tumayo sa upuan sa kusina at dumiretso na sa banyo.

"May kikitain nga kase ako, ulit ulit ka ha! Kinakalawang na talaga utak mo." Sagot ko.

"Punyemas na 'yan, may booking ka nang ganito kaaga?!" Singhal niya.

"Ano ba 'yang bunganga mo Arni! Di naman ako nagpapa booking no! Duh, momol lang sapat na! 'di pa open ang gate sa baba."  Sagot ko.

"Ay mahina ka pala eh." She said, then laughed.

She continued preparing herself for school. Habang ako, naupo sa sofa, hinihintay ang text ng kakitaan ko. I already finished preparing my things. I am also finished fixing myself.

I'm just wearing a civilian dress since hindi naman mahigpit sa dress code ang University. I'm wearing a fitted jeans partnered with light blue off shoulder cropped top. I also wear my 3 inches stilleto to partner my attire.

During mondays kase, napagkasunduan namin na lumabas ni Laarni since hanggang 3:00 PM. lang pasok namin, it became our routine to also set our mood for the whole week. Same lang din ang course namin ni Arni but hindi magkapareho ng block, nagkakataon lang sched namin.

After 15 minutes, dun palang lumabas ng banyo si Arni wearing her usual 'aburido' face pag minamadali ko siya.

Importante kase talaga yung kikitain ko ngayon, and when I say it's that important, it's really important, because I won't be able to enter my classes kung hindi ko makukuha ID ko.

'From: Pervert
I'm on my way to your school shawty.'

My eyes automatically rolled after reading the message.

Kikitain ko yung manyakis sa coffee shop na France pala yung pangalan. Siya pala yung nakakuha ng ID ko kaya nalaman niya yung contact info ko.

Sa una nagulat at nainis ako na siya yung nakapulot ng ID ko, pero thankful na rin kase tinext niya ako agad, and we both decided na ihahatid niya na lang yung ID ko sa campus. He's from Ateneo lang din kaya di na hassle masyado sa kaniya ang pagpunta sa UP.

"Hoy madam, ready na ako tara na." Tawag sa akin ni Arni.

She's just wearing a black sando cropped top and a pair of mom jeans.

Tumayo na ako sa sofa at kinuha na sa side table yung susi ng kotse ko. Sabay kaming sumakay ng elevator, and when the door opened sa basement, agad kaming nagtungo sa kotse ko at  pumasok dito.

Arni refused her father's offer to buy her own car. She insisted na mas comfortable siya kung sabay na lang kami dalawa sa isang sasakyan. So in the end, personal driver niya ang ganap ko.

Nagpatugtog ng classic songs si Arni. It was our kind of music, because it really soothes us mentally. Ako, siya at ang isa pa naming barkada ay laging nagkakasundo pagdating sa classical songs. It serves as our relaxing companion everytime.

"Sino ba kasi yang kikitain mo?" Arni said while I'm driving.

"Remember the guy who harassed me in the coffee shop? Siya!" Inis na sagot ko.

"Wengyang yan, di mo man lang sinabi na mahilig ka na pala sa mga bayolente ngayon. Yung bad boy na bastos ang datingan." Asar niya sakin.

"What?! No way, siya kase nakakuha ng ID ko kaya kailangan ko siyang kitain. Fuck him! Naiisip ko pa lang encounter namin last time naiimbyerna na'ko." Inis na sagot ko.

Once In KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon