Chapter 10

200 49 9
                                    

I blinked twice, thrice and even four times before I could get back to my senses. Sure, it wasn't my first kiss. My lips already kissed lots of men with various intensity. But God, his lips just tastes different! It was just less than ten seconds, but he managed to make my whole being feel tormented. I also never felt that rumble on my stomach by just kissing a man! Sa kaniya lang.

"Now I know how to shut you up!" Nakangisi niyang sabi.

Nakatulala pa rin ako sa kaniya at hindi alam ang dapat sabihin. Pokpok na 'to, 'di man lang ako sinabihan na halik pala ang problema niya! Kung sinabi mo agad edi sana isang oras ng magkadikit labi natin, yawa ka!

Nang makita na hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko ay binuksan niyang muli ang pintuan ng kotse niya at akmang papasok na.

"Aba magaling ka! Matapos mo akong nakawan ng kiss bigla-bigla ka na lang aalis? Bwisit na 'to, kiss and run ang ganap!" Baling ko sa kaniya.

"Hop in, ang dami mo pang sinasabi." Mahinang sabi niya.

"Ikaw nga bigla-bigla nanghahalik may sinabi ba ako?!" Patol ko sa kaniya.

"Bakit ayaw mo ba?" Taas kilay na hamon niya.

"Bakit may sinabi ba ako?" Sagot ko naman pabalik.

"Ahh so gusto mo pala?" He fired back.

Namula naman ang pisngi ko dahil narealize ko kung ano ang context ng sinabi ko.

"Bakit, may sinabi rin ba akong ganun?" Salba ko sa sarili ko sa kahihiyan.

"Tss, hop in." Sabi na lang niya ulit.

"Hop in, hop in ka dyan eh alam mong nasa akin ang susi ng kotse ko! Walang sasakyan sina Arni." Masungit na wika ko.

"Didn't I told you to give them spare keys? Tsk. Napakakulit mo! Matalino ka nga, ang hirap mo naman sumunod sa utos!" Inis na sabi niya sa akin.

Wow ha! Depunggal na 'to, bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Eh siya naman 'tong basta basta na lang ako hihilahin papunta kung saan.

Nawawalan ng pasensya siyang bumaba sa kaniyang kotse at tinapatan ako. He rolled his eyes on me dahil binigyan ko siya ng nangaasar na tingin. Asar talo ampota!

"Call her to pick your keys here." Seryoso niyang ungot sa tabi ko.

Inirapan ko lang siya at kinuha ang phone ko sa pouch para sundin ang utos niya.

To: Arni
Hoy pokpok kunin mo susu ng kotse ko dito sa carpark. Ikaw na magdrive pauwi.

To: Arni
*SUSI!

From: Arni
Susu ampota! Iba na nararating ng imagination mo girl ha! Tama na kase porn, inaaraw araw mo na eh.

To: Arni
./.

Sinabihan ko si France na babalik lang ako sa kotse ko para doon na hintayin sina Arni. He just consciously nod like he doesn't care. I just made a face on him before walking away.

Ganon ba epekto kapag nagnakaw ng halik? Sumusungit? Oh baka dahil sandali lang yung kiss. Ulitin mo nga France, baka sakaling ma reverse 'yung epekto! chariz.

Hinintay ko na makita sina Arni at Liliane sa kumpol ng tao na palabas ng arena. Sobrang dami kase talagang fans ng Ateneo-La Salle, kaya baka natraffic sa paglabas yung dalawa.

After some few minutes, nakita ko na ang dalawa na naglalakad papunta sa direksyon ng kotse ko. Hindi na nila kasama si Red dahil baka nasa ibang direksyon din yung pinag paradahan niya ng sasakyan niya.

"Hoy malandi ka! Anong ganap niyo ng ibon mo? Daig niyo pa magshotang nag totokshitan sa artihan niyo ah!" Barumbadong usal ni Arni pagkalapit sa akin.

Once In KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon