Chapter 06

264 101 13
                                    

Monday and tuesday passed by like a normal day. Usually, study lang ang pinagka abalahan namin sa dalawang araw na lumipas.

Noong monday ay parang nanay na galit na galit si Liliane nang malaman ang nangyari sa akin. She had the urge to rush in the Engineering department just to slap Louie. Kung hindi lang namin siya napigilan ni Arni ay baka nagkaroon na ng riot sa department ng Engineering.

Arni and I wasn't also able to go out last monday because I chose to rest. Noong tuesday naman ay sinimulan ko ng gawin yung artwork para sa exhibit this coming friday; but I failed because my mind wasn't giving me good ideas for my sketches. Medyo nagpapanic na nga ako dahil Wednesday na ngayon at kailangan ko nang simulan mamayang gabi yung painting dahil sa Friday na kailangan 'yon.

I also didn't saw France in the past two days. Hindi ko rin siya mine-message dahil hindi ko alam kung busy ba siya, at ganun din naman siya sa akin.

Nasa UP shopping center kami ngayong tatlo dahil lunch break at vacant namin hanggang 1:30. May faculty lunch meeting ata ang mga prof sa education department kaya 1:30 pa ang resume ng klase namin.

"Ano, nakausap mo na ba si Louie?" Tanong ni Liliane habang kumakain.

We're here at Rodic's Diner. Isa sa mga paborito naming kainan dahil masarap ang hinahain nilang Silog meals dito.

"Hindi pa, at wala akong balak na kausapin siya at baka magdilim ang paningin ko at baugin ko ang loko," Inis na sabi ko.

"Oh edi dapat pala ay makausap mo talaga siya para mabaog na ng tuluyan ang yawa," Si Arni naman ang nagsalita.

"Eh si Areneyo? Kumusta kayo?" Liliane inquired.

"Huh? Anong meron sa kaniya? May kami ba? Echoserang 'to." I sarcastically said.

"Napaka bagal mo naman! Akala ko ba may binatbat ka? Ba't 'di mo nilalandi?" Disappointed na sabi ni Liliane.

"Boba, sinabi ngang hindi niya raw type diba, tatawanan ko talaga yan kapag nalaman kong nagliligawan na sila." Si Arni.

"Oh ano pustahan nalang tayo, pag naging magjowa yang si Ara pati yung atenista bago tayo grumaduate, panalo ako. Pag hindi, panalo ka." Hamon ni Liliane. "Ano deal?"

"Col!" Tanggap ni Arni sa hamon. "Hoy pokpok! Ayusin mo desisyon mo ah!"

Napailing nalang ako sa dalawa kong kaibigan. Apakaraming alam ampota.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasiya muna kaming gumala sa center. Pumunta kami sa mga book stores at tumingin ng mga gamit na baka kailanganin namin.

"Sez, hindi ako sasabay pauwi mamaya ha." Paalam ni Arni habang palabas kami sa isang boutique.

"Anak ng, may booking ka nanaman?" Si Liliane ang sumabat.

"Boba, pag ako ang aalis booking agad. Pupunta ako sa OB ko ngayon, mahirap na baka maputukan at biglang mamaga ang tiyan." Ani Arni.

"Uy, tamang tama pala, Ara hatid mo muna ako sa Loyola mamaya. Kikitain ko yung kababata ko," Sabi naman ni Liliane sa akin.

"Ha? Ba't sa loyola?" Tanong ko.

"Ha? Ba't hindi doon?" She mocked me.

Umirap lang ako sa kaniya.

"Osiya, basta hindi ako magtatagal ha, hindi ko pa nasisimulan yung painting kong bruha ka!" Sabi ko.

"Tanga, mamaya mo sabihing hindi ka magtatagal." Tawa niya.

Nang mapagtanto namin na malapit ng mag ala-una y media ay bumalik na kami sa hall. Sabay na kaming pumasok sa room ni Liliane at sabay ring naghintay ng uwian.

Once In KatipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon