CHAPTER 15 OF FORBIDDEN BLISS

3K 10 0
                                    

Maxy's Point Of View 

Nasa isang malaking dining table kami ngayon ni Andreus kasama ang pamilya niya at isa pang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. Nasa edad na ito ni Kaine. Gwapo rin ito at malaki ang katawan pero wala lang ito kapag kinumpara kay Kaine. Here I am again! I heaved a deep sigh at nag-focus nalang sa pagkain.  

Kumakain na ako ng magsalita ang mommy ni Andreus, "So, hija. Kailan kayo nagkakilala ni Andreus?"  

Binalingan ko muna si Andreus na tahimik lang sa gilid ko at tiningnan ang ginang, "Bago palang po, Tita. Sa totoo po niyan, masaya pong kasama si Andreus. Hindi po siya boring. We spent a lot of time together." Tumingin si Andreus sa akin at tiningnan ko rin siya. Ngumiti kami sa isa't-isa.  

"So, girlfriend ka ni Andreus?" at daddy naman neto ang nagtanong.  

Sasagot na sana ako ng 'no' nang magsalita si Andreus, "Yes, papa'. She's my girlfriend" Napanganga ako sa sinabi niya. Bakit ba kase hindi niya nalang aminin ang tunay na kulay niya sa magulang neto. Alam ko naman na matatanggap rin siya ng mga ito. 

Naramdaman ko ang paghawak niya ng kamay niya sa palad ko. He's telling me 'sorry' base sa hawak niyang iyon. Napabuntong-hininga ako at pinabayaan nalang si Andreus sa ginagawa.  

"Oh my! Good to hear! Kailan pa?" Magiliw na tanong naman ng mommy neto.  

Nagsalita si Andreus, "Nong kakalipat ko palang ng school ma. I liked her when I first saw her. Kaya hayun, nilapitan ko siya hanggang sa maging malapit kami sa isat-isa."  

Lies and pretend. It was all a lie. So, I just go with the flow and pretended that what Andreus had said was all true. Malaki narin ang naitulong saakin ni Andreus kaya ngayon tutulungan ko rin siya. 

"Aww, so sweet." Tanging sambit lang ng mommy neto.  

Napabaling ang lahat sa lalaking katabi ng mommy ngayon ni Andreus nang humalakhak ito. Agad itong humingi ng paumanhin pero alam kong hindi iyon sincere. There was something about this guy kaya inilapit ko ang mukha ko kay Andreus sabay Tanong, "Who is he?"  

Napatingin nalang si Andreus sa lalaki. I saw hurt and anger on Andreus's eyes while looking at the guy. Bakit kaya? 

Napatingin din ang lalaki sa gawi niya at ngumisi ito. Ito ang uri ng ng ngisi na nakakatakot.  

Tumingin si Andreus sa akin at lumapit pa. He then said, "I'll tell you later. But, Maxy" putol neto sa sasabihin at bumaling ulit sa lalaki at tumingin sa akin. "Be careful. Don't go near him"  

Doon ako napakunot ng noo. "Why?" Tanong ko sa kanya. Bakit natatakot ako sa kung ano man ang sinabi ni Andreus? 

"Just be careful, Maxy." Yun lang ang sabe niya saakin at kumain na.  

Umupo na ako ng tuwid. Gusto kong bumaling sa gawi ng lalaki ngunit bakit parang natatakot akong gawin iyon? Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.  Habang kumakain, naramdaman kong may lumalapat na bagay sa hita ko. Gumagalaw iyon pataas-baba sa hita ko na ikinataas ng balahibo ko.  

Agad kong binalingan si Andreus, "stop it, Andreus. Hindi ka nakakatuwa" sikmat ko sa kanya.  

Agad niya akong binalingan, "What did I do?" Inosenteng saad niya.  

"Your shoes! Take it away from my legs!" Mahinang sigaw ko sa kanya.  

Ngunit gumuhit lang ang kunot sa kaniyang noo. "What? Hindi naman ako yon eh"  

"Eh kung hindi ikaw, sino?" My eyes get bigger! No way! Tiningnan ko ang gawi ng lalaking nasa harapan ko. I gulped when he smirk. This man, he's getting into my nerves!  

Gusto kong sumigaw pero baka mapahiya lang ako kaya naman sinabi ko kay Andreus na pumalit ng pwesto na ikinasalamat ko naman dahil hindi na niya ulit ginawa iyon.   

Shit! Gusto ko ng umuwi!

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now