CHAPTER 39 OF FORBIDDEN BLISS

1.4K 5 0
                                    

Maxy's Point of View

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aarange ng flowers nang may naramdaman akong may lumapit sa likuran ko. Napasinghap nalang ako nang inilapit nito ang bibig niya sa taenga ko, "Hey, Maxy" He then kissed me there.

Agad kong pinaikot ang sarili ko upang tingnan ang taong nasa likuran ko nang bigla niya akong hinalikan. It was just a peck pero ramdam ko ang mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

Nang makapaghiwalay kami ay tumingin siya sa mga mata ko habang ang dalawang kamay nito ay nasa mesa nakasandal at ikinulong ako doon.

Dahil sa mga nangyari ay hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tinulak ko siya palayo saakin. "You know it's rude when you just kissed someone without her permission, Mr. Quantio" walang emosyong saad ko sa kanya.

Sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito at naglakad palapit saakin. Naglakad naman ako paatras. "Oh, really?" Naglakad ulit ito hanggang sa wala na akong maatrasan pa. Ikinulong niya akong muli sa mga braso niya nang makasandal ang likod ko sa semento. "So, if I ask you na halikan kita, magpapahalik ka?" mahinahon nitong sambit na naging dahilan ng paglunok ko.

Pinatapang ko ang mukha ko at pinakatitigan siya, papahirapan muna kita gongong ka para malaman mo kong anong sakit ang ibinigay mo sakin nong gabing iyon "Oh, sorry. Only my boyfriend could kiss me, kaya umalis ka sa harapan ko" Hinawi ko ang kamay niya na nakasandal sa semento at umalis doon.

Akmang maglalakad na ako nang hapitin niya ako pabalik at pinasandal ulit doon. Ang isang kamay nito ay nasa baywang ko na at ang isa naman ay nakasandal sa semento.

Inilapit niya ang mukha sa mukha ko hanggang sa magdikit na ang mga ilong namin. Nakapikit lang ito at nagbuntong-hininga, "Bakit si Sandrexx pa, bakit hindi nalang ako?" Tumingin siya sa mata ko. Ang kaninang kamay niya na nasa baywang ko ay nakahaplos na sa pisnge ko. "Choose me, Maxy. Please, ako nalang"

Napanganga ako sa sinabi niya. Did I hear him right? "And why would I choose you over him?" pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. Please say it to me, and I'll choose you Kaine.

"It's because..." Kinakabahang ani nito sakin. "It's just because..." nagbaba siya ng tingin at napakamot ng batok.

Anong nangyayari dito?

Nang makakuha na ng lakas ay pinakatitigan niya ako ulit. Wala na doon ang kinakabahan niyang mukha at napalitan na iyon ng seryosong mukha, "Maxy, I lo--"

Agad na naputol ang iba pang sasabihin ni Kaine nang humahagalpos na pumasok sa loob ng shop si Hexion. Mabilis kong itinulak palayo ang katawan ni Kaine at isinugod ng yakap ang anak ko. "Oh, Hexion. Hug mommy tight" he then hugged me tighter. "Yeah, I like that hug." Inilayo ko siya sa akin at pi-nout yung labi ko,  "Give mommy a kiss baby" at nilapit naman ng anak ko ang labi niya palapit saakin.

"Mwua!" Malambing na tugon ni Hexion ng mahalikan ko siya sa labi niya. Napabaling ang atensyon nito kay Kaine na prenteng nakatayo lang doon. Ang mukha nito ay parang nakabusangot. Ano na naman problema nito? "Mister? Ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ng bata sa kanya.

Gusto kong itama ang tawag nito sa ama niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ito ang tamang oras para masabi ko sa kanila ang totoo.

Ngumiti lang si Kaine at lumuhod upang pumantay ang mukha nila ng bata, "I'm just visiting a friend" ngiting saad nito.

A friend. Sumakit ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Agad kong Itinago iyon ng tumingin sila sa gawi ko.

"My mom is your friend, Mister?" Inosenteng tanong ulit ni Hexion na nginitian naman ni Kaine.

"Yes," tiningnan niya ako bago nagsalita, "For now" he then winked at me.

Nag-init ang pisnge ko sa sinabi niya saakin. Shit! Am I blushing? No way.

Napalunok nalang ako nang hindi pa niya kinukuha ang tingin niya saakin. Ngunit tumingin ulit siya kay Hexion nang magtanong ulit iyon. "For now? So you mean na nililigawan mo ang mom ko?"

What he said made my face more red. Bakit naman kasi naitanong ni Hexion iyon.

"Ahm.." Napalunok ito. "Hindi pa kase pwedeng ligawan si mommy mo ngayon, dahil may boyfriend pa siya." Ginulo nito ang buhok ni Hexion nang matapos niya iyong sabihin sa bata.

Kumunot ang noo ng anak ko sa sagot ni Kaine sa kanya. "Boyfriend?" Napatingin siya saakin,"Mom did you already have a boyfriend? sabi mo hindi ka magbo-boyfriend muna dahil ako lang ang lalaki sa buhay mo, eh sino yung boyfriend na sinasabi ng Mister nato?"

Si Hexion talaga! Kahit seven years old lang ito ay kung mag isip ay parang matanda na. Namana niya yata ang katalinuhan sa ama nito.

I just heaved a sigh at nag-iwas lang ng tingin. Ramdam ko ang titig ni Kaine saakin pero binalewala ko lang. Muli siyang humarap sa anak ko at nagsalita, "So your mom hasn't have a boyfriend? Eh sino si Sandrexx na'yon? Hindi ba siya ang boyfriend ng mommy mo?" sunod-sunod na tanong ni Kaine kay Hexion.

Shit! Huwag kang magsasalita Hexion, huwag na huwag!

Magsasalita na sana ito nang pumasok sa loob si Sandrexx, "Hi, Maxy" lumakad siya palapit saakin at binigyan ako ng halik sa pisnge and then he winked.

Napangiti nalang ako sa sarili ko. Was that part of the plan?

Tumagilid ito at pinakatitigan si Kaine. "Nandiyan ka pala. So anong ginagawa mo rito? Bibili ka ba ng bulaklak?" Tanong sa kanya ni Sandrexx.

Madilim ang mukhang tumingin din si Kaine dito. "No, I'm just here for Maxy." Tumingin siya saakin, "Aalis na ako, mukhang kailangan niyo pa magbonding" at pagkatapos noon ay umalis nalang ito bigla.

Napatingin kami ni Sandrexx sa isat-isa sabay na kumunot ng noo. "Anong nangyari sa inyo?" Tanong niya.

I gulped, "Nothing"

Sandrexx just heaved a sigh and then said, "Wait, may gagawin lang ako" after that, umalis siya at lumabas sa shop.

Saan naman kaya pupunta yun?

Kakausapin ba nito si Kaine? Ano naman ang sasabihin niya rito?

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now