CHAPTER 20 OF FORBIDDEN BLISS

2.5K 8 0
                                    

Maxy's Point of View 

Nandito ako ngayon prenteng nakaupo sa pandalawahang upuan habang nakikinig sa guro namin sa Arts.  

Ang totoo niyan hindi talaga ako nakikinig sa lecture ng guro dahil nakatuon parin ang isip ko sa sinabi ko kanina lang sa loob ng kotse.

Habang nasa malalim na pag-iisip ay may umupo sa tabi ko. Binaling ko ang atensyon sa kanya at napagtantong si Andreus iyon.  

Tiningnan niya din ako bago nagsalita, "Pumasok ka na pala. Sabi kase ni Bianca absent ka daw, may itatanong sana ako sayo"  

Nagtext ako kay Bianca na mag-aabsent muna ako kahapon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko.  

"Heto, maayos na ang pakiramdam. Ano nga palang itatanong mo?" ako naman ang napatanong sa kanya. 

"I know what happened that night. I'm sorry dahil hindi manlang kita naipagtanggol." Saad nito ng may sinseridad sa boses. Nagbaba siya ng tingin matapos niyang sabihin yon na parang sinisisi niya ang sarili sa nangyari noong isang gabi. 

"Hey" hinawakan ko siya sa balikat niya. "It's okay, wala kang kasalanan don. Ang mokong na lalaking yun ang may kasalanan sa lahat" pag-papakalma ko sa kanya. It was no one's fault. Walang dapat sisihin sa nangyari kundi ang manyak na lalaking yun lang na muntik na akong gahasain. "Wait, sino nga pala ang lalaking nakasabay natin sa dinner?" mabilis kong naitanong sa kanya nong hindi ko pa pala alam ang pangalan non.  

Umangat ang ulo nito sa pagkakayuko at pinakatitigan ako. He gulped. I saw how he tense. "He's Hendrix. My ex" saad nito.  

Napanganga ako, "Your ex? Akala ko ba hindi na kayo nag-uusap simula nong lumipat ka ng school, eh paanong nandoon siya nong araw na yon?" takang tanong ko sa kanya.  

He sighed. Nagkibit-balikat lang ito at nagsalita narin pagkalipas ng ilang segundo, "He wants money. Nagpakita siya sa akin last week at nagpakilala sa parents kong kaibigan ko daw siya. He scared me. Kapag hindi ko daw ibigay ang hinihingi niya ay ikakalat niya ang scandal namin. At ayukong mangyari yun, baka mapatay ako ni daddy lag nakita niya yun, so I gave him what he wants---money. Tons of money. Akala ko nga pagkatapos ko siyang bigyan ng pera ay aalis na siya pero hindi pa pala. Gusto niyang makipaghalubilo sa magulang ko, hindi ko alam kung bakit. At isang araw nalang, close na siya sa parents ko. Kaya inimbitahan siya ni mommy na mag-dinner na rin kasama siya. Yun ang araw na inimbitahan kita kase ayukong umiksena siya at aminin ang tungkol sa meron kami dati. That was the story"  

Hindi ko alam pero habang nakikinig lang ako sa kwento niya ay wala akong maramdaman kundi awa. Ano ba kasing gusto nong Hendrix na yun sa kanya? Binigay na sa kanya lahat-lahat pero humihingi parin ito ng sobra at lubos. Nang marinig ko ang eksplinasyon niya ay mas lalo lang akong naaawa sa kanya.  

Hinagod ko ang likod niya. "Everything will be fine, Andreus. Magiging okay din ang lahat" mahinang tugon ko sa kanya. He just nodded his head and say nothing.  

Inilayo niya ang tingin sa akin upang hindi ko makita ang mukha niya. Pero alam kong nasasaktan siya sa mga nagyayari sa kanya at naiintindihan ko iyon dahil nakita ko rin ang sakit sa mga mata neto habang magsasalita siya kagaya nong kay mommy.  

Siguro nga pangaral din yung mga nangyayari sa kanila upang mas lalo pa silang maging matatag sa hinaharap. Kagaya ng pinagdaanan ngayon ni Andreus at ni mommy. Hindi man maganda ang naging past nila, mababago pa naman nila ang hinaharap kung gugustuhin lang nilang mabago talaga iyon.

Ika nga sa kasabihan, Don't dwell in the past. Make your future be brighter like the stars twinkle in the night.

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now