CHAPTER 30 OF FORBIDDEN BLISS

1.5K 4 0
                                    

Maxy's Point of View

Uwian na at mas lalong lumala lang ang pakiramdam ko. Muntik na akong matumba sa pagkakatayo sa upuan ko nang may kumapit sa magkabilang balikat ko. "Hey, Max. Okay ka lang ba? Ang putla mo parin hanggang ngayon" Andreus said with sincerity on his voice.

Tango lang ang nagawa ko ng oras na iyon dahil sa pagod na nararamdam. Ilang saglit pa ay nagsalita muli si Andreus. "Ihahatid na kita sa inyo baka mapano ka pa sa daan" kinuha niya ang bag kong bitbit at isinukbit sa kaniyang balikat.

Naglakad na kami hanggang sa parking lot nang makita ko ang bulto ni Kaine doon. He was with Love again. Nakita ko rin kung paano sumakay yung babae sa kotse niya. Parang iiyak na naman ako nong mga oras na iyon dahil sa nasaksaihan ko ngunit mabilis kong ipinilig ko ang ulo ko at pinatuloy nalang ang paglalakad habang inalalayan ako ni Andreus hanggang sa nakaparadang kotse nito.

Binuksan ni Andreus ang pinto at pinasok ako sa loob, "Ops, be careful" tugon niya nang muntik na akong mapasubsob paharap.

Mabilis niyang kinuha ang seat belt at siya na mismo ang gumawa niyon para saakin. Nang matapos ay sinara niya ang pinto at patakbong tinungo ang kabilang pinto at pumasok na sa loob.

Minaniubra na nito ang kotse at pinalabas ng parking lot. Habang nasa byahe ay nakaramdam ako ng panunuka pero pinilit kong huwag sumuka at ipinikit nalang ang mga mata.

"Talaga bang ayos ka lang? Kung dalhin kaya kita sa hospital para ma-check ka nila?" May pag-alalang sambit ni Andreus sa akin.

Binalingan ko siya at nginitian. "Okay lang ako, pahinga lang siguro ang kailangan ng katawan ko. Magiging maayos din ako bukas"

Napatango lang siya at ipinukos na niya ang buong atensyon sa kalsada. Ilang minuto pa ang nakalipas nang huminto ang kotse sa labas ng bahay namin.

Agad na bumaba si Andreus sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto na ikinangiti ko naman. Inalalayan niya ako hanggang sa makababa at makalad hanggang gate namin.

"Dito nalang Andreus, naabala pa kita. Kaya ko pa naman maglakad" nahihiyang tugon ko sa kaniya.

He smiled at me. "We're friends after all." He winked at me and I just replied by rolling my eyes. Natawa kami pareho.

"Oh sige na, ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit!" pagpapaalam ko sa kanya.

"Make aure to take a rest" payo niya sakin na ikinatango ko naman.

Agad naman siyang pumasok sa loob ng kotse niya at bago paman niya iyon minaniubra ay iginalaw niya ang kamay nito, saying goodbye. I waved back too at ilang sandali pa ay pumaharorot na iyon ng alis hanggang sa mawala na sa paningin ko.

Napagdesisyunan ko ng pumasok sa loob nang maramdaman kong maduduwal na naman ako. Nang sakto namang makarating ako sa pintuan ay nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa loob ng bahay. Ipipihit ko na sana pabukas ang pinto nang marinig ko ang pangalan ko sa usapan nila.

"You should tell Maxy the truth. She deserves to know it" sabi ng pamilyar na boses sa kausap nito. It was Tita Kelly who said that, Kaine's mom.

Napagdesisyunan ko munang huwag buksan ang pinto upang marinig pa ang iba nilang pag-uusap sa loob. Habang naghihintay ng tugon ay nakaramdam ako ng kaba at panginginig. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman nang biglang sumagot ang kausap ni Tita Kelly.

"Kelly, alam mo naman kung gaano kasakit saakin ang mga alala ko kasama ang ina ni Maxy. The pain was still there, hindi ko pa kaya" Napahagulgol si mommy ng mailabas niya ang mga salitang iyon sa bibig niya. Mommy ko ba talaga or should I say Tita?

What just my mom say made me froze in shock. Did she just say ina ko at masakit na alala? Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko sa mga oras na iyon. Wala akong nagawa. Hindi pa na-proseso ng utak ko ang sinabi ng mommy ko. Mommy ko ba talaga or should I say, Tita? That thought made me weak. Nanginginig na ako sa galit. Nanginginig na ako sa mga nalaman at napakinggan ng dalawa kong taenga ng mga oras na iyon. I just stood there, listening to their conversation. Hindi ko maatim na buksan ang pinto dahil sa kaba at pagkamuhing nararamdaman.

"Ate, nangyari pa yon noong buhay pa si Elizabeth. Hindi na natin maibabalik pa ang panahon at ang magandang gawin ngayon ay ituwid ang nagawa mong pagkakamali noon, at sabihin ang totoo kay Maxy."

Elizabeth? Ituwid ang pagkakamali? Sino si Elizabeth? Siya ba ang ina ko? Anong pagkakamali? Hindi ko na kinaya pa ang mga naririnig ko kaya malakas kong pinihit pabukas ang pinto upang marinig nila iyon.

Two pairs of eyes were on me nang marinig nilang bumukas ang pinto. "What are you talking?!" bumaling ang mga mata ko sa ina ko na ngayon ay balisang-balisa, "Mom, anong kailangan kong malaman? Anong pagkakamali ang dapat na ituwid? At who the hell is Elizabeth?" nag-uumpaw sa galit na Tanong ko sa kanya.

"Tell me!" Sigaw ko ng hindi nila ako sinagot.

Lumapit si mommy sa akin at hinawakan ako sa magkabilang kong braso. "Anak, please calm down"

I shrugged her hands off me at galit na napatingin sa kanya, "Paano ako magiging kalmado kung may inililihim kayo saakin?!" Tumingin ako sa gawi ni Tita Kelly at pagkatapos ay bumalik ulit kay mommy, "Ano ba kasi ang dapat kong malaman? Just tell me already!" nanggagalaiti na ako sa galit ng mga oras na iyon.

Pero mas nagalit lang ako ng walang sumagot sa akin kahit isa upang maliwanagan naman ako at ang utak ko sa mga nangyayari. Nakita ko kung paano manginig si mommy habang umiiyak habang si Tita Kelly naman ay nakababa lang ng ulo, hindi makatingin sa gawi ko.

"Mom ano ba! Hindi mo ba talaga ako sasaguti----" biglang naputol ang iba ko pang sasabihin ng magsalita siya.

"I'm not your biological mom." Impit na sambit ni mommy saakin habang patuloy lang ang pag-iyak nito at hindi makatingin sa mga mata ko.Nakayuko lang ito habang hawak-hawak ang nanginginig na kamay.

Napatigalgal ako sa sinabi niya. "Wha--t did y--ou ju--st sa--y?

Slowly, she looked at me in the eye and say those words again, " I'm not your true mom, Maxy"

Hilam ang luhang kumawala sa mga mata ko ng marinig ko ang pag-amin niya sa akin. Pinanatili kong matatag ang mga tuhod ko na nangangatog na dahil sa nasaksihan at nalaman ko. Agad kong inipon ang buong lakas ko at bigla ulit nagsalita.

I gulped the lump forming on my throat bago tuluyang makapagsalita. "A-nd" I coughed, "And who is my dad?" mahinang boses na tanong ko sa kanya.

"Your dad is...your dad" bumadha ang sakit sa mga mata niya nang matapos niyang sabihin iyon.

Nang magsalita ulit siya ay hindi ko na kinaya ang pagngatog ng tuhod ko at tuluyan nang napasalampak ng upo sa sahig. Nakatulala lang ako sa mga inamin ni mom saakin. Habang nasa haning posisyon ay may sumagi sa isipan ko na lalo pang kumunot sa puso ko.

"So you mean to say that my mom was dad's....

...mistress?"

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now