CONTINUATION OF CHAPTER 22

2K 10 0
                                    

Kaine's Point of View 

Bagsak na umupo ako sa kama nang makauwi na ako sa bahay. Inilukumos ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Fuck! Bakit ko ba yun nasabi sa kanya! I'm so doomed! 

Sinubukan kong sa iba ibaling ang atensyon ko. Tumayo ako at pumasok sa banyo. Pumailalim ako sa bathtub na puno nang tubig at isinandal ang likod doon.  

Ilang minuto narin akong nagbabad doon nang napagdesisyunang kong tumakas na. Kumuha ako ng tuwalya at pinulupot ko iyon sa pang-ibaba kong katawan.  

Paglabas ko sa banyo ay napatingin ako sa bukas na bintana ng silid. Madilim na pala. Napaisip ako. Nakauwi na kaya si Maxy? Agad kong pinilig ang ulo ko. For sure nakauwi na yon.  

Pumasok ako sa walk in closet at naghanap ng damit nang tumunog ang cellphone ko ngunit hinayaan ko lang iyon. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbibihis ng tumunog ulit iyon kaya binilisan ko nalang suutin ang natitirang short na hindi ko pa nasusuot at pumuntang bed side table at kinuha ang cellphone.

The name 'Maxy' was written on it. At first, I hesitate to answer but after more rings, I picked it up. "What?!" Agad na singhal ko nang sagutin na ang tawag.   

Nakakabinging tunog ang tanging narinig ko sa kabilang linya. Agad akong nakaramdam ng kaba. Mas lalong tumindig ang balahibo ko at nabalisa ng narinig ko ang tono ng boses ni Maxy sa linya na wari'y nasasaktan ito.  

"Help! Help!" Boses iyon ni Maxy na ikinaigitad ko. Shit! She's in danger!  

Sasalita na sana ako nang mawala ang tawag sa kabilang linya. Malutong at sunod-sunod na mura ang nasambit ko. Shit! Paano ko siya hahanapin ngayon? And then an idea pop up to my mind. Yes that's it! GPS!  

Natandaan ko palang ikinonek ko ang akin sa kanya upang kahit na hindi kami magkasama o may mangyari mang masama ay madali lang namin mahahanap ang isat-isa.  

I moved my fingers faster as I could and click the app. There it is! I saw a red dot. Kinuha ko agad ang susi na nakalagay sa bed side table at mabilis na bumaba. Tumungo agad ako sa garahe at ini-unlock ang kotse. Sumakay ako sa loob.  

Ichi-neck ko muna ang cellphone ko kung doon parin ang red dot pero nagulat ako nang wala na iyon doon. Fuck! Fuck!  

Sinuntok ko ang manibela sa sobrang irita at galit na nararamdaman. Brace yourself, Kaine. Maxy needs help!  

"Okay, Kaine. Relax." I heaved a deep sigh. "The route. The route" sabi ko habang inaalala kung saan tumigil ang red dot kanina. 

Fuck, Kaine. Use your brain!  

At ilang minuto pa ay naalala ko na. "Lucks and Lux Hotel" kumunot ang noo ko. What would she do in there? Biglang napakapit ako ng husto dahil sa naiisip ko ngayon.  

Kinuha ko muna ang cellphone and I search the said place.  

Under renovation.

Yun ang tumatak sa isipan ko ng mabasa ang patungkol sa lugar. Shit!  

Agad kong minaniubra ang sasakyan at mabilis na ipinatakbo iyon. Wala na akong pakialam kung may masagasaan man ako sa uri ng pagpapatakbo ko sa kotse dahil isa lang ang nasa isip ko ngayon. Yun ay ang iligtas si Maxy.   

I'll make sure that whoever is behind this will taste hell. Dadaan ka muna saakin bago sa kulungan.

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now