CHAPTER 18 OF FORBIDDEN BLISS

2.6K 10 0
                                    

 

P.S kailangan ang scene na'to  

Maxy's Point of View 

Napaungol nalang ako sa sobrang sakit ng ulo ko nang magising kinaumagahan. "Shit!" lutong na mura ko nang umikot ang paningin ko ng sinubukan kong gumalaw. 

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at inilagay sa mukha ko para takpan ang nagbabantang sigaw sa bibig ko "Argggggggggh!"  

I maintain my position like that hanggang sa medyo naging okay narin ako. Napabangon ako at bumaba upang makainom ng tubig.  

Minamasahe ko ang sumasakit na sentido habang binubuksan ang ref. Nabulunan ako ng tubig na iniinom nang may magsalita sa likod ko. 

"How's your head? Masakita ba?" nakapamaywang na tanong ni mommy. Her face shows proud emotion saying something like 'serves you right' 

Tumingin ako sa kanya ng masama, "Mom naman eh, kita mo namang umiinom ako ng tubig ginulat mo pa talaga ako" reklamo ko sa kanya. "And yes. Masakit parin ang ulo ko." 

Napaupo ako sa upuan ng dining table nang magsalita ulit siya. "Kulang lang yan sa alak" 

Ipinaikot ko ang mata ko, "Geez. Thanks sa sincere na concern mom" I said to her, emphasizing the word 'sincere'  

Umupo siya sa harapan ko. "May advil doon sa kwarto nakalagay iyon sa maliit na kabinet malapit sa bed side table kunin mo don." Tumayo ito, "Ipaghahain lang kita ng chicken soup"  

I smiled at her at umakyat na sa kwarto ng magulang ko. Lumapit ako sa cabinet na katabi ng bed side table at hinalukay doon ang gamot.   Walang laman ang unang sisidlan kaya isinara ko iyon at ang pangalawang sisidlan naman ang binuksan. At nakita ko narin ang advil.  

Nang isasara ko na sana ay nasamid ng mata ko ang nakasiwang na litrato na nakaipit sa isang libro.  

Kinuha ko iyon at tiningnan. I saw mommy smiling at the left side. Napakaganda talaga neto noong dalaga pa siya.  

Napatingin naman ako sa isang babaeng kaedad din niya na katabi niya sa picture. Maganda rin ang babae at nakangiti din ito sa litrato habang magka-akbay sila.  

Napatalon ako nang magsalita si mommy sa likuran ko. "What are you doing?" Tuluyan na akong tumayo at ipinakita sa kanya ang litrato.   Naningkit ang matang tumingin ako sa kanya,

"Mom naman eh! Ang hilig mong magpagulat!" sabi ko na ikinatawa niya lang. Pero agad din sumeryoso ang mukha neto nang mapagtanto kung ano ang hawak-hawak ko.  

"Wh--at are you-- holding?" Utal na tanong niya saakin.  

"Sino tong kasama mo sa litrato, mommy?" tanong ko sa kanya. 

Napabaling ang tingin nito sa litratong hawak ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi nawala saakin ang sakit na dumantay sa kislap ng mata niya. "Ah yan? she's my friend." saad nito na ngayon ay nakatingin na saakin. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti.  

"Saan na siya ngayon ma?" dagdag kong tanong sa kanya. Kita ko kung paano kumuyom ang kamay neto habang nakatingin parin saakin. "She's dead" Hilam ang luhang kumawala sa pisnge ni mommy nang matapos niyang sabihin iyon.  

Nilapitan ko siya at niyakap, "Sorry, mommy" tanging tugon ko nalang.  

Sa una nanginig ang katawan nito sa pagyakap ko sa kanya, ngunit nang kalaunan ay niyakap niya rin ako. "It's okay, it was all in the past"  

Hinagod ko ang likod niya hanggang sa tumahan na siya. Siguro ganun nalang neto kamahal ang namayapang kaibigan kaya masakit para sa kanyang balikan at ikwento ang nakaraan. At naiintindihan ko naman iyon.

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now