CONTINUATION OF CHAPTER 15

2.8K 12 0
                                    

"Cheeeeeeers!" sigaw ulit ng lalaking hindi ko parin alam  kung sino iyon.  

Napahilot nalang ako sa sentido ko. Nakakailang rounds narin kami sa pag-inum at napadami narin ang order ng wine.  

Kahit ayaw ko ay napainom parin ako. Nilagok ko ang lamang ng baso ko ng tuloy-tuloy. Napaubo nalang ako ng malasahan ko ang mapait nitong lasa.  

Nahilo ako. Ibinalik ko ang baso sa mesa at hinawakan ang magkabilang pisnge, "I think I'm drunk" usal ko.  

Lumingon sa gawi ko si Andreus. "Then, stop drinking"  

Tumawa naman ang lalaki, "Lasing ka na agad? Weak" biro neto.  

Palihim akong napamura ng 'fuck you' upang hindi nila iyon marinig. Tumayo ako. "It's so hot in here, magpapahangin lang ako" saad ko na ikinatango naman nila. Except sa lalaking nakangiti lang sa harapan ko. That smile makes me vomit. So creepy.  

Kahit na sumasakit na ang ulo ko at umiikot ang paningin ay siniguro ko paring diretso ang lakad ko.  

Nandito na ako sa labas ng restaurant nang magtanong ang isa sa bantay sa labas, "Saan ka pupunta, miss?"  

"Magpapahangin lang" sabi ko na ikinatango naman ng dalawang bantay. Lumakad-lakad ako hanggang sa may kalayuan iyon sa dalawang lalaking bantay.  

Kinapa ko ulit ang magkabilang pisnge ko, mainit parin iyon. Niyakap ko ang sarili ko ng dumampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin.  

And my mind wonders around to Kaine. Ano na kaya ang ginagawa niya? Naghihintay kaya siya saakin sa bahay?  

Napatawa nalang ako sa iniisip. Sure akong himbing na himbing na ang tulog nito sa bahay nila. Napabuntong-hininga nalang ako. 

Matutulos na sana ako sa kinatatayuan nang may humawak sa baywang ko upang hindi ako matumba. "Hey, gorgeous" sabi ng sumalo saakin.

Nanlalabo na ang paningin ko kaya hindi ko makita kung sino iyon.  Ang isang kamay neto ay dumampi sa kaliwang pisnge ko. "Do you want to come with me?" Inilapit pa neto ang mukha sa mukha ko. I breathed his scent. Bago iyon sa pang-amoy ko. "Be with me tonight and I'll take you to heaven" natakot ako sa sinabi nito.  

What he said made me shriek. Who is this guy? Ilalapit pa sana neto ang bibig niya sa labi ko nang may humatak sa kanya palayo saakin at sinuntok sa kanang pisnge dahilan ng pagtumba neto sa lupa.  

"Hayop ka! Gago!" sabi nung naghatak sa lalaking hawak ako kanina. That voice! It's Kaine's voice! Nandito siya? Pero paano? 

Tiningnan ko ang gawi nilang dalawa kahit parang matutumba na ako. Medyo blurry parin ang nakikita ko. Pero nasisiguro akong patuloy parin sa pagsuntok si Kaine sa nahihingalong lalaki.  

Biglang dumilim ang paningin ko. Matutumba na sana ako nang may sumalo ulit saakin. Kahit nanghihina na ay pinilit kong buksan ang mata ko. 

"Kaine..." Mahinang sambit ko sa lalaking kaharap ko ngayon.  

He warmly smiled. "I caught you, princess" 

Magsasalita pa sana ako nang tuluyan kainin na ako ng kadiliman.

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now