CONTINUATION OF CHAPTER 23

1.9K 9 0
                                    

Maxy's Point of View 

"Siguraduhin niyong mahigpit ang pagkakatali niyo jan sa kamay niya baka makawala pa. And chief, I'll deal with him tomorrow" tango lang ang naging tugon ng police chief at saka umalis na dala-dala ang gonggong na si Hendrix. 

Napabaling naman ang atensyon niya sa akin at nilapitan ako. Nakaupo ako ngayon sa bench. They tried to take me to the hospital para bigyang lunas ang sugat ko ngunit inayawan ko. Medyo mabuti naman ang pakiramdam ko, pero masakit nga lang ang parteng pisnge ko kung saan ako sinuntok ni Hendrix kanina.  

"Here, ilagay mo sa namamaga mong pisnge" napatingin ako sa inabot niyang cold compress saakin. Kahit masama parin ang loob ko sa kanya ay kinuha ko parin iyon at inilagay sa parteng pisnge na masakit.  

"Aw" saad ko nang maramdaman ang lamig na yelo doon. Humalakhak si Andreus na ikinadilim ng mukha ko. Nasasaktan na nga ako tapos tumatawa pa siya? 

Ngunit bigla nalang nagseryoso ang mukha neto at umupo sa gilid ko. He then move his right hand and picked the cold compress from my hand at siya na mismo ang naglagay niyon sa pisnge ko.  

Habang patuloy lang ang paghawak niya ng cold compress ay tiningnan niya ako sa mga mata. "I'm sorry, Max" he said, his voice is full of sincerity.  

"Maraming tanong ang sumasagi sa isipan ko ngayon Andreus. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko o sino ang paniniwalaan ko ngayon." Ibinaling ko ang paningin  ko sa lupa.  

"Then ask me" agad na saad neto sa akin. Inilayo niya ang kamay na may cold compress sa pisnge ko. "Look at me, Max and ask me anything. I will tell you the truth and only the truth. So please, look at me" mahinahong sambit niya.  

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at pinakatitigan siya sa mata. "Tell me anything. From the start til the end"  

He sighed and sat straight. Iginalaw neto ang katawan hanggang sa makasandal ang likod niya sa bakal na nasa likuran niya. "I lied to you about me and Hendrix. The truth is, hindi ko siya naging kasintahan. He was one of my friends sa dati kong pinapasukan."  

Tiningnan niya ako, "I lied about the reason why I got transferred." Ibinaba niya ang ulo neto na parang nahihiya "Ang totoo niyan naging membro ako ng fraternity at isa sa kilala kong nakasama ko doon ay si Hendrix. We got along well, we used drugs and everytime na gumamit kami ay kukunan niya iyon ng video which is nong una hindi ko lang pinansin hanggang sa nagtagal nagsawa na ako at umalis sa gang at nagtransfer sa ibang school upang makaiwas sa temtasyon. I thought okay na ang lahat pero hindi pa pala. One day, Hendrix popped up of nowhere and threatened me--- 

"About the videos." mabilis na saad ko sa kanya. "So, what happened next? You gave him my number just like that?" I bitterly said. 

"No, it wasn't like that. Yes, it was true that he threatened me, that he will send the videos to my parents if I didn't give what he wanted. And" he gulped. "You was what he wanted" 

"At ibinigay mo naman ang number ko dahil yun ang gusto niyang gawin mo?" Tanong ko ulit. 

"Yes. I gave him your number pero hindi ko hahayaang saktan ka niya so sinundan ko siya. Hindi ko maatim na pati ikaw ay saktan niya." pag-amin nito. 

Napalunok ako sa sinabi niya. "See this." Itinuro ko ang pisnge ko. "Hindi pa ba ako nasaktan sa gawa niyang ito? Alam mo ba kong gaano kasakit yung suntok niya" 

"Yes, I saw on your face and I'm so sorry about that. Hindi agad kita nasagip dahil tumawag pa ako ng mga pulis kaya na-late ako ng ligtas sayo" pag-amin ulit nito. Tiningnan niya ako sa mata at humingi na naman ng tawad.  

What he did made me angry pero ginawa lang naman niya iyon because Hendrix threatened him and his family. At kahit na medyo galit parin ako sa kanya ay nagpasalamat parin ako na dumating siya at iligtas ako kahit na iba ang inaasahan kong gumawa niyon. Pero hindi siya nagpakita.  

That thought made my heart squeeze in pain. Pero bigla ko iyon inialis sa isipan ko nang may isa pang tanong na hindi ko pa naitatanong sa kanya.  

"Wait, after you've said those confession. May isa pa akong Tanong sa'yo." Tiningnan ko siya ng matiim, "Are you really gay?"  

I saw how he tensed up. Makalipas ang ilang saglit ay nagsalita na ito, " And about that...I lied." Napakamot siya sa batok niya.  

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "What would be the reason?"  

Ibinaba neto ang ulo na para bang nahihiya. Namumula ang mukha niya sa hindi ko alam na kadahilanan. Tumingin ulit siya sa akin ng makabawi na, "Its because I want to be near you"  

Napanganga ako sa pag-amin niya. "Wh--at?" Utal kong saad sa kanya.  Hindi niya inalis ang titig niya saakin at wala ng biro sa mukha neto. Napalitan na iyon ng seryoso."I did those because...I like you" 

Nakaramdam ako ng kakaibang tensyon sa paligid namin. What he just told me made my mind stop from functioning.

Hindi ko alam ang isasagot o gagawin ko nang mga oras na iyon nang magsalita ulit siya.   

"I like you, Max and I'm dead serious about it"

FORBIDDEN BLISSWhere stories live. Discover now