Chapter 3

1.4K 58 1
                                    

I woke up feeling a bit tired. Nakaharap sa akin si Glaiza pero hindi kami magkadikit.

10 AM na pero sobrang himbing pa rin ng tulog niya. Ginising ko siya kaninang 7 AM nang makadama ako ng bahagyang pag uga.

I thought I was just feeling dizzy but I immediately saw the news when I picked up my phone and opened it.

Cancel ang taping kaninang 8 AM dahil sa mahinang lindol. Na-move din sa 5 PM ang rehearsals ni Glaiza. So from now, until then, magkasama lang kaming dalawa.

I carefully took a photo of her while sleeping. Ang siste, hindi ko naipatay ang sound kaya tumunog ito ng medyo may kalakasan.

She moved a little so I pretended to be asleep. Itinago ko sa ilalim ng aking unan ang cellphone ko.

I started counting the second that's passing from the moment I closed my eyes. When I was about to open them, I felt Glaiza's arms wrapping around my body.

I stiffened and my breathing literally stopped. Bahagya akong umungol at nagpanggap na magigising pa lang. When I moved, she removed her arms around me.

Bago pa niya tuluyang maialis 'yon, I moved closer to her and hugged her tightly. Tighter than the way she hugged me.

Naramdaman ko ang pagkakailang niya pero umusod siya para gawing unan ang braso ko.

"Good morning," She uttered with a groggy voice.

The last time we slept together, iniwan ko siyang tulog at walang saplot.

I took a picture of her that time too. Ang mukha lang niya habang mahimbing na natutulog.

"Morning," I greeted back.

She caressed my arm that's wrapped around her stomach. Mas lumapit siya sa akin at ramdam ko ang bawat singhot na ginagawa niya sa leeg ko.

"Baka maubos mo naman yung amoy ko niyan," natatawang saad ko bago maingat na paglaruan ang mahaba niyang buhok.

"Hmm," idinikit pa niya ang ilong sa leeg ko. Electricity ran through my body when she did that. No doubt, I'm really turned on.

Dalawang beses kong tinapik ang tiyan niya bago ako bumangon at umahon sa kama.

She looks a little disappointed when I met her gaze. Gusto ko sanang mag sorry pero bakit ko naman gagawin yon?

Mas mahirap yata kung magpapanggap akong wala siyang epekto sa akin. Kapag nagdidikit ang balat naming dalawa, bumabalik sa alaala ko kung paanong nagliyab ang nagbabagang apoy na kaming dalawa rin ang lumikha noong may mangyari sa amin sa unit niya.

Paglabas ko ng banyo, siya naman ang gumamit. I lent her my unused clothes. Yung maiiwan niya, magagamit niya yon sa mga susunod na pag punta rito.

"I'm not a fan of brasserie when I'm at home," she said when she sat beside me.

Paulit ulit kong inireremind sa sarili na mas maganda ang pinanonood kong movie kaysa sa bakat na dibdib ni Glaiza mula sa puting t-shirt na ibinigay ko.

"U-hmm," it was an awkward response kaya dinugtungan ko. "Are you like this when you sleep with your friends?" I asked.

"I don't have a lot of friends in the industry. Mga nakakatrabaho lang," kumuha siya ng throw pillow at ipinatong 'yon sa mga hita niya.

"And sanay kang bigla bigla na lang makikitulog sa bahay ng may bahay?" Delikado ang ginagawa niya. People may take advantage of her!

"Hindi. I don't usually do sleepovers. I was just worried last night because you were not your usual self." Mahina niyang saad bago nag iwas sa akin ng tingin.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now