Chapter 22

1.2K 49 0
                                    



My girlfriend and her puffy eyes greeted me the next morning. It's 4:00 AM and she's already done taking a shower. Maingay ang blower kaya nilapitan ko siya.

"You need to take a bath now. We have a shoot." Aniya matapos akong halikan sa labi.

"Good morning..." mahina kong sinabi nang maalala ang magazine shoot for today.

Wala naman kaming ibang trabaho bukod doon. Month of love but the concept will be about the importance and love in a friendship.

As much as we want to come out, we're not sure how the public would react. Though anything will be fine for me, I don't want to force my girlfriend. May tamang oras para umamin at may tamang pagkakataon kung kailan namin 'yon gagawin.

"Paliliguan pa ba kita?"

Nang tignan ko siya, nahuli ko ang tingin niya sa katawan kong hubad. Nilapag ko ang sando sa gilid para hindi ko makalimutan kapag ilalagay na sa mga maruruming damit mamaya.

"No thanks." I said in a lower tone.

I saw how hard she bit her lower lip as I said that. Gumala ang tingin niya paangat sa mga mata ko bago mapalunok bigla.

"I hate you..." mahinang sabi nito habang umiiling at may mapanuyang ngisi.

"You do?"

Slowly, I am stepping forward. Malamig ang tiles pero hindi lamig ang nararamdaman ng katawan ko. It was far from that.

Umirap siya bago ako talikuran at lumabas ng banyo. I laughed as I went inside the shower to really take a bath.

Nang matapos, hindi ko na pinatuyo ang buhok ko dahil aayusin naman 'yon sa studio mamaya. I didn't put any make up either. Tinawagan niya ang assistant niya para sa prutas na kakainin namin for breakfast. We can't eat heavy meals yet.

We arrived at the studio with pure white background. Sa kabilang bahagi ng malawak na studio, mayroong kama at malawak na bintanang kulay puti. There are pair of cameras and equipments. Maliwanag ang buong studio maliban sa puwesto ng photographer.

"Good morning," nakangiti kong bati kay Patty nang abutan niya ako ng piraso ng papel.

"Nandyan po ang mga gusto nila, ate..." tukoy niya sa concept na kailangang sundin.

"Thank you..."

Sinundan niya ako hanggang sa dressing room. Magkahiwalay kami ni Glaiza pero sa tingin ko, sa dressing room niya ang pasok ko mamaya.

The owner of the magazine company came before we even started taking photos. Suot ni Glaiza ang corporate attire na kulay puti at navy blue naman ang akin. She looks dazzling and I can't even take my eyes off her. May kahabaan ang slit ng palda niyang sa ibabaw ng hita ang haba.

"You look good..." bulong ko sa kanya nang makalapit sa gilid ko.

Ger smile got wider. "So are you. Pero bakit naman kitang kita ko yung kaluluwa mo?"

Sukat sa narinig, pinasadahan ko ng tingin ang sariling kasuotan. I'm wearing a pair of navy blue formal suit and slacks. Hapit na hapit sa baywang ko habang ang itim na maliit na tube ang pang itaas. Kita ang tiyan mula sa ibabaw ng pusod hanggang sa ilalim lamang ng dibdib. Medyo sumisilip pa ang underboob ko.

"Matatakpan naman siguro 'to kapag sinara tong blazer." Natatawa kong sabi pero umirap lang siya.

Muli siyang umirap. "They left it unbuttoned. Anong akala mo dyan?" Inayos niya ang suot ko mula sa balikat pati sa pwesto sa dibdib.

"It's a bad thing to not be able to kiss you the way I want right at this moment." Bulong ko sa mukha niya.

"Uh-huh," nakangiti niyang sabi na parang natuwa sa narinig mula sa akin.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now