Chapter 32

1K 42 1
                                    



Wala sa sarili kong kinain ang pagkain sa harapan ko. Malalim ang iniisip ko dahil hindi ko alam kung ano ang pag uusapan namin.

Para kong pinaglalaruan ang pasta na umiikot ikot sa tinidor ko habang nakamasid ako doon.

Napaangat ako ng tingin nang mapansin ang pares ng mga paa sa harapan ko. "Do you have any plans for today?" My co-actress asked.

"Uh..." unsurely, I looked at Glaiza. "Not sure yet." Ngumiti ako pabalik.

"I'll go snorkeling with the girls. Hit me up if you want to join us." Ngitian niya pati ang katabi ko at niyaya rin si Glaiza.

I had the chance to look at Glaiza. Doon ko napansin na tapos na pala siyang kumain. I can't eat anymore.

Dahil wala sa sarili, nang umalis ang nag aya sa amin, nakaisip ako ng paraan para makaiwas sa kanya.

"I'm sleepy..." I whispered. Alam kong hindi siya tatanggi kapag ganitong pagod ako at inaantok.

Hinarap niya ako gamit ang mga nanlilit na mata. Sa lalim ng titig niya sa akin, ramdam kong inaaral niya kung nag sasabi ba ako ng totoo.

Well, that's actually half true. Gusto ko talagang matulog but at the same time, gusto lang rin talagang iwasan na makausap siya. I don't know the exact reason why but I don't think I can have a conversation with her right now.

I don't think I'll be able to function well. Especially now that I'm still thinking about our past.

"Okay," she nodded for a couple of times.

Napakagat ako sa pang ibabang labi at pinanood ang kilos niya. Hinawakan niya ang tinidor ko kaya inagaw ko ang kubyertos sa kanya.

"You better finish your food. Ihahatid kita sa room mo after this."

Pilit kong inubos ang pagkain kahit pa may iba akong nararamdaman sa sikmura ko.

Isinantabi ko ang mga naiisip at nang maubos ang pagkain, sandali akong tumahimik at dinampot nag telepono ko. I can feel Glaiza's intense stare.

None of us dared to talk. Parehas na nakikiramdam lang. Kahit pa wala siyang sinasabi, alam kong gusto niyang malaman ang nasa isip ko.

"Are you really sleepy?" She asked.

Napalingon ako sa kanya. "Yeah," I answered.

Kung kanina'y panggap ang antok ko, totoong inaantok na ako ngayon. Marahil ay dahil 'yon sa kabusugan.

She raised her hand to call a waiter and she paid for our bill. Minutes later, she she started mumbling words.

"I'll take you to your room." Mahina niyang sabi bago maunang tumayo sa upuan niya.

Tahimik akong tumayo at tumabi sa kanya. Nakasabay pa namin ang grupo nila Maria bago makarating sa elevator.

"Aakyat na kayo?" Si Maria na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Inaantok daw..." sagot ni Glaiza na tinanguan lang ni Luna.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now