Chapter 21

1.2K 44 0
                                    



Martes ng madaling araw, nagising ako sa pakiramdam na nanunuyo ang lalamunan. I covered my naked body using the robe beside me. Humalik pa ako sa noo ni Glaiza bago tuluyang lumabas ng kwarto at uminom ng tubig sa kusina.

Tinanggal ko ang roba na nakabalot sa akin bago pumasok sa loob ng kumot at tumabi kay Glaiza. Gumalaw siya at lumapit sa akin pagkahiga ko. Marahil naramdaman ang pag tabi ko sa kanya.

"Hmm," she groaned as her hug gets tighter.

"Yes, baby, I'm here..." marahan kong sabi bago ayusin ang mahaba niyang buhok.

"Hmm..." mas inilapit niya ang sarili sakin. Siniksik ang mukha sa leeg ko habang ang braso ay nakapukupot sa'kin.

A smile automatically formed in my lips when I felt little kisses on my neck. Minsan hindi ko na lang kinakaya yung pagiging malambing ni Glaiza sakin. Para akong nalulunod sa malalim na parte ng dagat.

"Baby..." I whispered when her hand started to roam in my body. "Tulog na..." dagdag ko bago halikan ang noo niya.

Isang beses niya akong hinalikan sa labi bago muling bumalik sa pagtulog.

Hindi ako sigurado kung gaano katagal bago ako nakatulog ulit pero nagising akong wala na si Glaiza sa tabi ko.

Parehas kaming walang trabaho ngayon. We'll be busy the whole day tomorrow. We have shoots together for a magazine. Na-move kasi yung dapat eh noong December pa.

Naabutan ko si Glaiza na inaayos ang mga pagkain sa lamesa. She was humming as I went closer to her. Niyakap ko siya mula sa likuran bago halikan ang kanyang batok.

"Good morning," I whispered.

Humarap siya sa akin at yumakap. Pinapadaanan ng mga mararahang haplos ang likod ko.

"Morning..." mahina niyang sabi.

"Where's my kiss?" Nakangiti kong sabi kahit pa hindi naman siya nakatingin.

She crouched so our eyes would level. When she met my gaze, she immediately closed her eyes and gave me a peck of kiss.

"I love you." She uttered.

"I love you, more, baby." At hinalikan ko siya sa pisngi.

If I were to choose how I'd like my mornings to be, without a slight doubt, ito ang pipiliin ko. From the thick curtains inside her room, the all crystal white bathroom, her grey sheets and soft pillow. Her touch and scent. The sweetness of my Glaiza De Castro is really over the top.

Naupo kaming parehas at nagsimulang kumain. We were talking about random things. Nang matapos, ako ang nagligpit at nag asikaso ng hugasin. That's how it works for us. One does the cooking and the other does the cleaning.

Glaiza hugged me before tucking me in her soft blanket in the middle of the living room. Nakatutok kami parehas sa pinapanood namin hanggang sa makaramdam ako ng antok. The show wasn't boring but I didn't get enough sleep last night.

"Are you sleepy?" Si Glaiza na parang naintindihan ang mga nakaw kong tingin sa kanya at panakanakang pag pikit.

Umiling ako. "Not really..." at ilang segundo lang ang binilang, nakatulog na ako agad.

Nagising akong nasa loob na ng kwarto at komportableng nakahiga sa kama yakap ang unan ni Glaiza. 11:48 at nilalamig ako dahil sa lakas ng aircon.

I tucked myself properly as I scan for my phone. Nahagilap ng paningin ko ang kulay puting telepono sa aking likuran. I checked my twitter account and it was all just the usual tweets.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now