Chapter 8

1.2K 55 1
                                    



Nandito ako ngayon sa set at busy ang lahat. We got invited over a talkshow but only four of us. Anton was beside me, bubbling things over my ear.

"Hoy," tawag ng isa sa likuran, si Gino. "Ano yan? Bakit nagbubulungan, ha?" Dagdag nito.

Nang lingunin ko siya, may mapaglarong ngisi sa kanyang labi habang ang katabi na si Maria, nakatitig at mukhang nahihiyang mang asar.

"Bagay kayo," sambit ni Maria sa amin.

Maria has a strong image of a woman. She has this pointy nose and sharp eyes. She's been on a lot of controversy. Ang latest na balita tungkol sa kanya, she got out of the airport wearing a white shirt without a bra.

I envy her personality. Sana ganoon rin ako. Sana hindi ko rin iisipin ang sasabihin ng iba. Kung siguro'y kasing tapang niya ako, masasabi ko sa kanilang may iba akong gusto. At babae 'yon.

"Wag niyo nga kaming asarin, nahihiya si Rhian." Sambit ni Anton sa gilid ko kahit kitang kita naman na natutuwa siya.

"Kunwari ka pa dyan. Tuwang-tuwa ka rin, eh." Sabi ko sa kanya na narinig yata nila Gino sa likuran namin kaya tinawanan niya kami.

"Bagay talaga," sabi ni Gino.

"Medyo natutuwa lang." sambit ni Anton.

And that's how I got closed to him.

Kahit pa doon sa talkshow, at sa mga sumunod ma taping, kasama ang ilang interviews, siya ang kadalasang kinakausap ko.

"Kumain ka na?" Anton asked me as Patty clean my things up.

Katatapos lang ng taping ang it's already dark outside. Nag usap kami ni Galiza na susunduin niya ako ngayon. We'll eat dinner together.

"Uh," napatingin ako sa kanya tapos balik ulit sa PA ko. "Kakain pa lang, may susundo sa akin dito." Sagot ko.

"Oh," he looked curious now. "Boyfriend?" He asked.

"No," natawa ako ng bahagya. Girlfriend, sana. "No, no." Sagot ko.

"Sige, samahan na lang kita mag hintay sa sundo mo."

At talagang sinamahan niya ako. I texted Glaiza that I'm in the parking lot.  Hindi ko na lang sinabi na may kasama ako.

Pinauna ko na si Patty doon sa van at ang driver. I told them that I'll be fine here because I'll be spending the night with Glaiza.

Naramdaman ko ang pag akbay ni Anton sa akin. I only smiled awkwardly at him. Hindi ko kasi pwedeng tanggalin 'yon dahil surprisingly, may mga tao dito sa parking lot at medyo marami sila.

"Tara, lapit tayo," he guided me as we walk closer to the fans.

Nagulat ako sa sinabi niya. I didn't know that he values his fans. May nakita ako doon na banner AnRhi. I couldn't help but smile. Silly acts of this fans.

Pero hindi ko naman 'yon pwedeng itanggi. Lumapit kami at nagpapicture sa kanila. Tumutunog ang cellphone ko dahil sa texts pero hindi ko iyong matignan dahil nakikipag pocture ako sa isang babaeng fan.

"Ate Rhian, bagay na bagay po kayo ni kuya Anton. Sana po maging kayo sa totoong buhay," sambit ng isang babaeng mayroong makapal na salamin.

Hindi ko alam ang isasagot ko roon. Mabuti na lang at muli akong inakbayan ni Anton para ilayo ako sa kanila.

Naramdaman ko ang hapdi sa aking braso. Mayroong nakakalmot sa akin. Hindi naman na bago sa akin yung ganito. Normal lang na may mga excited talagang makita ako kaya nagagawa nila ang mga bagay na hindi sinasadya.

Nagulat ako dahil sa pag harap ko, si Glaiza ay nasa labas na ng drivers' seat. Nakatitig kay Anton at nang dumapo sa akin, gumala ang kamay nito sa braso na nakapatong sa balikat ko. And her looks became a worried one.

Lumapit siya sa mabibilis na hakbang. Hindi inalintana ang fans na tinatawag siya ngayon.

"What happened to your arm?" Tanong nito sa may kalakasang tinig.

Binawi niya ako kay Anton para mas matitigan ang kalmot sa akin. She looks like a worried girlfriend ready to fight whoever hurt me.

"Uh," I looked at Anton awkwardly. Hindi ko kasi alam kung bakit narito pa siya. "Sa... fans." I answered.

Mariin ang naging pikit ni Glaiza. Hindi natuwa sa naging sagot ko.

"Sorry, miss Glaiza, lumapit lang kami kasi tinatawag kami ng paulit-ulit." Anton apologized beside me.

It didn't console Glaiza. It only made her angrier. Hindi siya sumagot doon. Tanging matalim na tingin lamang ang ipinukol niya.

Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya, tinignan ako nito kaya hindi ako makagalaw. Deretso lamang ang tingin ko sa labas habang siya ay nakatitig sa akin.

"Mahapdi ba?" She asked with gentle voice. Mukhang nag iingat sa nga sinasabi. "I should've known better. Sana pala mas maaga ako. I was texting you but you're not even looking at your phone." Tuloy-tuloy na saad nito.

"Sorry." And when I had some courage to look at her, I did. "Hindi naman masakit, eh." Sabi ko lang pero nagulat ako nang mag labas ng alcohol si Glaiza mula sa bag niya.

"Lilinisin lang natin. May band aid ako rito."

When she sprayed some alcohol, napariin ang pagdikit ng aking mga ngipin. Ang hapdi!

"Oh ano, ngayon nasasaktan ka?" Mataray na sambit nito.

Nginusuan ko lang siya at pinanood noong nilagyan niya ng band aid ang dalawang kalmot sa braso ko.

"Paakbay-akbay pa 'yon." Umirap pa ito.

Mukha siyang nag seselos and I couldn't be happier. Talaga bang nag seselos si Glaiza? At kay Anton? Doon sa batang 'yon?"

"Ano ba 'yon? Nag de-date kayo?" Tanong nito bago ikabit ang seatbelts ko.

"Hindi. Uh, naging kaibigan lang..." naninimbang na saad ko.

"Kaibigan? Umaakbay sayo? Edi dapat pala inaakbayan kita?" Saad nito sakin habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"Hindi mo naman ako abot, eh." Biro ko sa kanya.

"Parang ewan." Iritado pa ring saad nito.

Nilakasan niya ang AC pero hindi pa rin pinaandar ang sasakyan. Namumula pa ang mga pisngi na halatang dulot ng inis na nararamdaman.

"Sorry..." sambit ko dahil bigla kong naisip... kinwento niya noong nakaraan, ako daw ang pinakamalapit sa kanyang artista ngayon. She's most comfortable with me.

Baka iniisip niyang ipagpapalit ko siya kay Anton. Alam ko namang kaibigan lang ang maibibigay ni Glaiza sa akin. Pero ganon pa man, wala naman akong plano na ipag palit ang pakikipag kaibigan sa kanya kay Anton.

"Uh, ayaw mo bang makipag kaibigan ako sa iba?" Tanong ko dahil mukhang iyon ang concern niya.

Natatakot yata siyang mawalan ng kaibigan.

"Hindi naman mawawala pagkakaibigan natin. Kung yun yung iniisip mo." Saad ko.

She looked at me in disbelief. Mukhang lalo lamang nainis sa sinabi ko.

"Fucking friends." May riing saad nito.

Hindi na ako sumagot doon. Pinasibad niya ang sasakyan at maingat ang naging drive. At habang nasa byahe, kita pa rin ang inis sa mukha niyo.

I reached for her thigh. Nang humawak ako doon, bahagya niya akong tinignan. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong doon, akala ko'y tatanggalin niya. But surprisingly, she held my hand.

"I'm sorry." She whispered.

I don't know what for but I nodded for a couple of times.

"Pasensya na rin." Saad ko sa kanya. "Hindi naman ako maaagaw ng iba sa'yo." Saad ko.

Bilang kaibigan na gusto mo, dahil may lihim akong pagtingin sa'yo.

Pumikit ako ng mariin dahil sa naisip. This is making me insane.

I can never have her. She only see me as her friend. That's all it is to her.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now