Chapter 23

1K 36 0
                                    



Halos hindi ako makatingin sa gawi ni Glaiza dahil sa mga fans na kinakausap ko. Kasalukuyang nagaganap ang launching at meet and greet for fan signing of the magazine that we worked on together.

"I'm sorry?" Nakangiting tanong ko sa nagsalitang batang babae sa harapan ko.

Dahil sa kakaisip kay Glaiza, hindi ko tuloy naintindihan yung sinabi niya.

"Ate, bagay po talaga kayo ni kuya Anton. Nakita ko po yung picture mo sa Instagram story niya nung nakaraan." Masaya niyang sabi.

Pang apat na beses nang may nag banggit ng kung ano tungkol sa akin at kay Anton. Hindi ako makatanggi dahil binilin sa akin ni Ria na hayaan lang ang mga tao. It's a goob publicity for our upcoming movie.

And so, ngumiti lang ako at nag pose sa camera para sa selfie. Nag pasalamat pa ako bago siya iwasan ng tingin.

Nilingon ko ang pwesto ni Glaiza at nakita kong wala ng lamang tubig ang bote niya. Nasa isang mesa kami pero medyo magkalayo kaya naman hindi talaga kami nakakapag usap.

"Sandali lang, ha?" Nakangiti kong sabi sa panibagong lumapit sa'kin.

I opened the bottled water beside me and went closer to my girlfriend. Ilalapag ko lang sana 'yon sa gilid niya pero hinawakan niya ang braso ko. She gave the fan in front of her a stop signal.

"Sit here," she whispered as her lips touched my ear.

Hindi ako sumagot pero hinila ko ang upuan ko papalapit sa kanya. It wasn't that close to her, though. But she pulled it immediately so we'd sit literally next to each other.

Nagpatuloy siya sa pakikipag usap sa babae sa harapan niya.

"Talaga?" I heard her say in an excited voice.

"Thank you for buying a copy. You'll enjoy reading this," nakangiti ko namang sabi sa nasa harap ko matapos pirmahan ang magazine niya.

Ang pila ay nasa puwesto ni Glaiza. Sa kanya muna ang daan nila bago sa akin. When Glaiza talked to her fan about her first album, I had time to drink my water.

Pakiramdam ko'y sinasadya niyang mapatagal ang usap sa nasa harapan niya para may panahon ako para mag pahinga. When the fan moved on my side, nakita kong nagniningning ang mga mata niya. Marahil hindi pa rin napoproseso na nakausap niya si Glaiza.

I showed a wide smile. "I'm her fan, too." Natatawa kong sabi.

Kinagat niya ang pang ibabang labi bago ayusin ang makapal na salamin. "Nandon po ako sa concert niya malapit sa pwesto niyo five months ago." Nakangiti nitong kwento habang palingon-lingon pa rin sa pwesto ng girlfriend ko.

Glaiza unconsciously linked her arm on mine. Napatingin doon ang kausap ko. Pinirmahan ko ang magazine niya at kumuha ng litrato kasama siya bago tuluyang magpaalam.

The organizer gave us a five minute break. Sabay pa kaming nagpasalamat ni Glaiza doon. She opened a macaroon on her side. Akala ko'y kakainin niya pero itinapat niya ang isa sa labi ko.

"Tired?" She asked when I ate it.

Not that I'm feeling awkward because it's crowded here. Napapaisip lang ako kung ready na ba siyang mag out publicly. Masyado yatang PDA 'tong ginagawa namin.

She pulled my polo. "Bumababa." She said before handing me her water. Itinapat ang straw sa bibig ko.

"Thank you," it was almost a whisper.

"How 'bout a kiss?" She asked as she showed me her cheek.

"I'm wearing a lipstick." Natatawa kong sabi.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now