Chapter 35

1.2K 41 0
                                    



Reporters flocked outside the airport. Noong una, naisip kong normal 'yon dahil ganon naman ang kadalasan na nangyayari sa t'wing may show outside Manila.

Glaiza pulled me closer to her when a familiar reporter approached us. Natutuwa ako sa mga ganitong pagkakataon. She can make me feel secure even without saying anything. Sa paraan pa lang ng kapit at haplos niya, ramdam ko na agad ang pag iingat at pagmamahal niya sa'kin.

"Miss Rhian, totoo po ba yung mga bali-balita ngayon?" The young reporter looked so hesitant when she asked that.

Napako sa kanya ang tingin ko. "Yeah," I answered honestly.

Nakita ko ang gulat sa kanya. Her eyes widened and her jaw literally dropped. Natawa ako ng bahagya bago sabayan ang bilis ng lakad ni Glaiza sa tabi ko.

Alam ko namang normal na ang ganito pero ang ikinagulat niya siguro ay ang kasama ko.

My girlfriend's lips rose. Naging mailap ang mga mata bago tuluyang lumabas ang mga ngipin dahil sa malawak na ngiti. Dahil doon, hindi ko naiwasan ang marahang tawa.

Driver ni Glaiza ang sumalubong sa amin. We already talked about this. Kay Ria ang punta namin at hindi pwedeng sa ibang lugar.

"Mamaya na ang handler mo. Kailangan ko munang makausap si Ria sa personal." Ulit ko sa sinabi kanina bago pa lang kami bumyahe paalis ng Davao.

"My manager knows about us. Una pa lang, alam niya na agad na may plano akong sabihin ang totoong ako. You came along the way kaya mas determinado akong umamin ngayon."

"You sure?" Paninigurado ko kahit pa hindi naman ito ang unang beses na nag usap kami tungkol sa pag out sa media.

"We need to wait for the right timing..." bungad sa amin ni Ria pagdating namin sa apartment niya.

She's in her lacy dress and she's not wearing a makeup.

"Kagigising mo lang?" I asked when I realized that it's already 10:00 in the morning.

"Yeah," she yawned. "I answered some calls. You've been invited to some interviews. There's also a magazine who wanted to scout the two of you as a couple for the pride month." She took her cellphone to show some request.

"I need to contact my manager regarding this but if Rhian doesn't feel comfortable doing any of it, we won't accept their requests."

Malalim ang boses ni Glaiza nang sabihin niya 'yon. She was looking at me deeply. Not minding Ria who looked really shock by what she said.

"H-huh?" Nagulat si Ria doon.

Ria cares for me but of course! Malaki ang masasayang kung hindi tatanggap ng offers.

"Rhian will take all of it!" Agarang sabi ni Ria. "Wala siyang tatanggihan!" Dagdag pa nito na parang kinukumbinsi si Glaiza na wag idepende sa akin ang desisyon.

Kulang na lang ay lumapit lalo si Ria at hawakan ang kamay ni Glaiza. Ramdam ko yung frustration niya habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa katabi ko.

"Right, Rhian?" I met Ria's hopeful eyes. Ramdam ko ang panghihinayang niya. Siguro'y hindi makapaniwala na ganito si Glaiza sa akin.

"Do you need time to think about it?" Malambing at banayad na tanong sa akin ni Glaiza.

The superstar beside me looked so inlove. Malalim ang titig sa akin habang ang mga singhap ni Ria ay hindi niya inaalintana.

"My baby needs time?" Glaiza kissed the side of my head as she asked that.

Nanlaki ang mga mata ni Ria sa harapan ko. Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga pinapakita niyang reaksyon o hahayaan ko siyang magpakita ng mga ganoong reaksyon.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now