Chapter 7

1.2K 53 0
                                    

Natapos ang pang apat na taping para sa pang apat na linggo ng gag show na tinatrabaho ko ngayon.

The artists were clapping and some are asking me to go with them and have a drink.

"Pasensya na, I don't feel that good." I politely refused. Kanina pa talaga hindi maayos ang pakiramdam ko. I just felt like I needed to get my work done so I'll be able to rest at home.

Unfortunately, pang huling kinuhaan ang scene ko. I exchanged couple of jokes with Anton, a rising artist. He's a year younger than me but acts as if we're on the same age or even older than me.

I texted Glaiza. Saying that I'm not feeling well. Hindi naman ako nakareceive ng reply. Ang sabi niya kasi sakin kanina, she'll be out with a friend today.

Nang makauwi ako sa unit, ni hindi na ako nag shower pa. Palit na lang talaga ng damit bago tuluyang mahiga sa kama.

Naalimpungatan ako nang lumundo ang kamang hinihigaan ko. Akala ko'y dala lamang ng pagkahilo iyon pero nang makita si Glaiza sa gilid ko, hawak ang cellphone niya, nakumpirma ko kung bakit gumalaw ang kama.

"Hey," she softly said when she met my gaze.

Hinawakan niya ang noo ko at nataranta bigla.

"Shit!"

Naguguluhang napatitig ako sa gawi niya. Kinapa niya naman ngayon ang leeg ko. It's as if she's confirming something.

"Your body temperature is on fire." she exaggerated her expression. "Shit, ang init mo!"

Hindi ako sigurado sa dahilan kung bakit hindi ako sumasagot sa kanya. Pagod yata, o baka wala lang ganang mag salita, o baka dahil tinatamad akong sumagot. O baka lahat ng 'yon ay dahilan ko.

Nagpaalam siyang kukuha ng gamot. She knows where my medicine kit is. Ganon rin ang ibang mga kagamitan sa unit ko.

She even have a spare key for my condo unit. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit paulit-ulit ang tanong ni Ria tungkol sa amin.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal nawala ngunit nang makabalik siya, ginising niya pa ako para makausap.

"You need to change..." malumanay na saad niya. "You don't update me that much with your schedule. Baka naman pinapagod mo nang sobra yung sarili mo?" dagdag niya habang may bahid pa rin ng inis sa mga mata at boses.

"I'm sorry," I apologetically said. It was almost a whisper, making it sound more sincere.

Her tongue made a sound. Paulit ulit niya 'yong ginawa. Kahit pa noong pinupunasan niya ako, at bago kumuha ng damit sa damitan ko.

She handed me a black loose shirt. Nagtanggal ako ng damit habang nakaharap sa kanya. Nang maisuot ang binigay niya, kahit pa kapapalit ko lang rin, sinabi niyang mag tanggal ako ng bra.

Masyado akong nang hihina kaya hindi ko maabot ang kabitan ng suot-suot na brassiere.

"Can you unhook it?" I asked while still trying my best to reach it.

Walang sali-salitang ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng suot kong tshirt. Para siyang nakayakap ngayon sa akin habang tinatanggal sa pagkakasabit at aking bra.

Ako na ang nagtanggal ng strap. I hid it under my pillow. I reached for my phone but the brightness of it only makes my head ache even more.

"I'll prepare a soup for you. Matulog ka na ulit." she confiscated my phone as she said that.

Not that I'll be using my phone. I'm just not comfortable with the thought of letting her touch my phone. She has stolen pictures there and I can't think of any excuse if she'll ask me why I have those.

"Hindi ko naman gagamitin yan." I tried to reach for my phone without leaving the bed.

Mas lalo lamang niyang inilayo sa gawi ko 'yon. Iritado niya akong tinignan bago ibulsa ang cellphone ko na hawak niya.

"I won't open this. Para kang may tinatago." she said while examining me. Parang binabasa ang reaksyon ko sa sinabi niya. "Are you in a relationship?" she asked firmly.

She looked mad for a moment. Nawala lang iyon nang paulit ulit ang naging pag tanggi ko sa tanong niya.

"I'm not!" I repeated. "I swear." mas malakas ang boses na ginamit ko.

"Dating, then?" naningkit ang mga mata nito.

"I thought you're cooking soup for me?" I tried to divert the topic. Wala naman kasing sense ang mga tanong niya.

"I will. You just need to answer me first. Are you dating a non-showbiz person? O baka kilala ko 'yan, ha?"

Umirap lang ako sa mga sinabi niya. Seriously, though. Akala ko ba may superpowers siya?

"Cook my soup, then. I'm not dating anyone. I just got tired because of work. I'll ask my manager to reschedule some." safe na sagot ko sa kanya.

Lalo lang sasakit ang ulo ko kung makikipag bangayan pa ako kay Glaiza dito. Umuwi nga ako ng maaga para makapag pahinga tapos ganito niya ako kausapin.

Ilang minuto lang bago lumabas ng kwarto ko si Glaiza, nanumbalik na ang antok ko kanina. Hindi ko rin naman pinigilan 'yon at hinayaan ang sarili na muling matulog.

Nagising ako sa tunog ng pag bukas ng pintuan. It was Glaiza with a tray. She fixed my mini table and put it gently on my side.

Umupo ako paharap sa kanya. When I was about to get the spoon, she also took it.

Hindi ko man maintindihan ang kinikilos niya, dahil biglang siya ang nagtapat ng lugaw sa bibig ko, isinubo ko pa rin yon.

"Nilalagnat lang ako, kaya ko pa ring kumain." sambit ko na inirapan lang niya.

"Ano?" I laughed when she moved away the spoon as I tried taking it from her.

"Pagkatapos mo dito, iinom naman ng gamot. I'll sleep here with you. Maaga akong aalis bukas."

Tumango lang ako at hindi na sumagot pa. Even though I'm curious about the sudden leave tomorrow morning, I didn't say anything.

"I need to talk to my manager with regards to my schedule. Dadalawin ko yung site ng rest house sa Batangas." she said while looking at me.

It was as if she understood what's in my head even without voicing it out.

Tumango lang ako at hindi pa rin sumagot. Tinatamad lang mag salita.

"Really," hinuli niya ang palapulsuhan ko pagkatapos kong inumin ang tubig. "Manager ko talaga ang kikitain ko." ulit niya sa sinabi kanina.

"Okay." I answered.

Nitong mga nakaraang araw, nagiging magulo ang mga kilos niya. There are days where she'll be extra sweet towards me. Her sweetness was on top last last week. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi siya nagpakita. Minsanan lang rin ang reply.

Kaya ganoon na lang ang naging gulat ko sa pag punta niya ngayon dito. It's been almost a week since the last time.

Nandoon kasi siya sa taping last week. She only visited the studio to see me and she left immediately when called by her PA.

Not that I'm complaining or anything. Magkaibigan lang naman kami para sa kanya. I just wanted to be updated with what she's doing. Unfair, isn't it? Wala naman kasi siyang kahit na anong dinedemand sa akin.

Pero ako... I'm expecting her to do it without asking for it.

Alam ko namang simula pa lang, delikado na at risky ang desisyon kong mapalapit sa kanya dahil matagal ko na siyang gusto. Pero... Anong magagawa ko? Siya ang lumalapit sakin.

The Glaiza De Castro of my dreams is coming into reality. But, of course, as a friend.

"Did I say anything wrong?" she looked so concerned as she asked me that question.

"No?" I answered but I know that it sounded like a question.

She looks both bothered and confused. Ganon pa man, nagsalita pa rin siya.

"Okay..." her answer was almost a whisper. She even utter english curses before helping me clean up.

You are the ReasonWhere stories live. Discover now