Chapter 4

1.3K 55 0
                                    


Araw ng concert ni Glaiza ngayon pero nagkaron ako ng biglaang trabaho. I wanted to say no but I really need a screen time dahil hindi na ako masyado lumalabas sa tv.

"'Yon lang naman po, ms Rhian. Bali sa Monday ang schedule ng taping tapos Tuesday e-ere ang first episode."

Bagong gag show ang programa ng network ko. They wanted to cast me just to try if I'll fit in.

"Salamat po," ngumiti ako at bahagyang yumuko sa lahat ng nandoon.

Nagdiwang ako nang sabihing tapos na ang meeting. I immediately texted Patty to get an update.

Sandamakmak ang messages niya. Pinauna ko na kasi siya sa music museum para kahit hindi ko nasimulan, maikukwento niya sakin yung nangyari.

Patty

Ate, makakarating ka pa ba?

Ako

I'm on my way, Patty.

Hindi ako agad nakareceive ng reply sa kanya. Mabilisan kong pinasibad ang sasakyan at hindi sinagot ang tawag niya habang nagmamaneho.

"Papasok na ko," sambit ko kay Patty pagkasagot ng tawag niya.

I handed out my ticket and the guards looked so shock.

"Patapos na po, ma'am..." naguguluhang sambit nung isa pero kinuha pa rin naman yung ticket ko.

I only smiled at them. Lakad-takbo ang ginawa ko at nagtanong agad kung saan ang upuan sa ticket ko.

"Hala, si Rhian Ramos ba yan?" may kalakasang sambit ng kung sino.

I didn't mind any of them. Napahinto lang ako sa paglalakad dahil pinagtuunan ko ng pansin ang kumakanta sa entablado.

I didn't understand any of the lyrics. I just found Glaiza intensely looking at me.

A smile plastered on her lips before closing her eyes. Doon pa lang ako tumuloy sa paglalakad papunta sa upuan ko.

"Ate, tatlong kanta na lang, tapos na yung concert. Buti na lang kahit papano may naabutan ka."

Hindi ako sumagot kay Patty. I stared at Glaiza who's elegantly sitting on a high chair. Nag gigitara habang banayad na kumakanta.

When she opened her eyes, she scanned the audiences and stopped when she met my eyes.

Natapos ang dalawang sunod na kanta bago siya bahagyang lumayo sa mikropono.

"Everyone," she stood up and removed the mic from its stand. "Are you all having fun?"

Natuwa ako noong halos lahat ay sumagot sa kanya. Nag tilian at sigawan ang audience.

"I had to stop to ask someone..." she removed her earpiece and drank a bit from her bottled water.

Agad akong kinabahan nang muling magtapo ang mga mata namin.

"Why are you late?" saad nito habang nakatingin ng deretso sakin.

Tumahimik ang buong paligid at ang ilan ay nagsimulang magtinginan sakin. May iba pang nagbubulungan na hindi ko maintindihan dahil sa hina ng sinasabi.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha at ang pag init ng magkabilaang tainga.

Mabuti na lang at madilim dito dahil kung hindi, malamang ay kitang kita kung paanong nangangamatis ang mukha ko.

"I had a meeting!" I shouted.

Ngumanga siya tanda ng pagsabing hindi naintindihan ang sinabi ko.

You are the ReasonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora